Nakarating kay Andi Eigenmann ang usap-usapang hiwalay na sila ng kanyang fiancé, ang surfer na si Philmar Alipayo.
Isa lamang ito sa mga paratang na ipinupukol sa aktres ng ilang malisyosong netizens.
Bukod kasi sa isyung hiwalay na raw sila ni Philmar, inakusahan din siyang nagpapanggap na malungkot kasunod ng pagpanaw ng kanyang inang si Jaclyn Jose.
Pumanaw si Jaclyn noong March 2, 2024, dahil sa heart attack. Siya ay 60 anyos.
Read: Multi-awarded actress Jaclyn Jose dies at 60
NETIZENS ASSUME ANDI AND PHILMAR’S RELATIONSHIP ON THE ROCKS
Recently, nagbakasyon si Andi sa Japan kasama ang panganay na si Ellie at ang dalawa niyang anak kay Philmar.
Kasama rin ni Andi ang nakatatandang kapatid na si Gabby Eigenmann at ang pamilya ng Kapuso actor.
Dahil hindi kasama si Philmar, binigyang kulay ito ng netizens.
Halatang hinimay-himay rin ng netizens ang iba pang detalye na “pruweba” nilang hiwalay na umano ang dalawa.
Isa na rito ang hindi raw pag-like ni Andi sa recent posts ni Philmar. Naging madalas din recently ang Instagram Stories ni Philmar na nagpapakita na mga pinagkakaabalahan niya.
Interpretasyon ng netizens, nagmu-move on na raw si Philmar sa paghihiwalay nila ng aktres.
Read: How Gabby Eigenmann helped sister Andi deal with Jaclyn Jose's sudden death
ANDI TAKES A SWIPE AT MALICIOUS RUMORS
Sa kanyang Instagram Stories, naglabas ng pahayag si Andi ngayong hapon ng Biyernes, May 3, 2024.
Binanggit ng aktres na nagulat siya na ang sumalubong sa kanya pagbalik sa Pilipinas ay hiwalay na siya.
Sabi ni Andi (published as is), “I literally j went on a vacation with my brother and our kids, and come home to find out, through the internet, that ive just been separated…” May kasama pa itong laughing emoji.

Sa kanyang sumunod na post, idiniin ni Andi ang mali-maling impormasyon na naipakalat sa Internet.
Hirit niya, ang social media na ang nagdesisyon sa kanyang buhay.
Sabi ni Andi (published as is): “The internet didnt seem to like that I was grieving the loss of my nanay. Apparently, according to them, i had been faking my sadness about it all along.
“(Not enough social media posts perhaps?),” banat ni Andi. Tila nais niyang tumbukin na dapat ay marami pa siyang post ng pagdadalamhati.
Pagpapatuloy niya, “Due to this, the internet has decided that the reason for my sadness is not that i have recently been an orphan but in fact, a divorce (even if I had never been married) Hel.pppppp”

Bukod kasi sa hindi pa kasal si Andi, wala pang batas ang Pilipinas pagdating sa divorce.
Malinaw na nakarating din ang isyu kay Philmar dahil nag-post siya ng picture ni Andi.
Caption niya rito, “Arang na ka mingaw, oli na” na ibig sabihin ay wala na ang kalungkutan dahil sa pag-uwi ni Andi.
Sa mga recent post din ni Philmar, makikita ang comments ng netizens na nagtatanong at nagsasabing break na sila ni Andi.
Narito ang ilan sa mga komento.



