Inuurirat ang 69-anyos na fashion designer na si Jocelyn “Joyce” Cubales kung ano ang sikreto niya sa pagiging young looking. Nagpa-botox ba siya?
“Wala,” sambit ni Joyce sa eksklusibong panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) noong Abril 25, 2024, Huwebes, sa Starbucks-Victoria Towers, Timog Avenue, Quezon City.
Si Joyce ay naging kinatawan ng Brgy. Baesa sa Miss Universe-Philippines Quezon City 2024.
Read: MUPHQC candidate Joyce Cubales napaiyak sa komento tungkol sa kanyang edad
Pagpapatuloy ni Joyce, “Nakikita mo, kung nagpa-botox ako, e, di wala na akong expression sa mukha!
“Di ba? Nakatulala na lang siguro ako nun but you can see, sa expression naman ng face ko…
“Sabi nga nila, ‘Magkano ang binayad mo sa ilong mo?’ ‘Ay, naku! Hindi ko ipinapagawa ang ilong ko! This is made by my mom and my dad,’ sabi ko nga, di ba?”
Kontra ba siya sa mga nagpaparetoke?
“No, no, no. Because that’s your choice. You always have a choice,” paglilinaw ni Joyce.
“Choice ko naman ito. Puwedeng ipatangos ko pa ang ilong ko kung gusto ko, di ba? I can do that.
“Pero gusto kong maging as natural as possible. Kasi, natural doctor nga ako. As much as possible, gusto kong prevention, much better than cure.
“Prevent mo na muna, mas maganda. Kaya ako naging natural doctor.”
JOYCE CUBALES ON VANITY
Maikukunsidera ba niya ang sarili na vain, o vanidosa?
“Well, ang gusto ko lang, I just want to be healthy. Of course, sino ba naman ang ayaw maging maganda?” pagmamatuwid ni Joyce.
“We have to look beautiful. Pero kung ano na ako, parang masaya na ako just to take care of myself. Yun ang importante sa akin.
“I don’t have anything against mga enhancement, or kung gustong magpaopera ng ganyan-ganyan.
“But we have to think of the consequences. Kasi yung iba, di ba, nagkakapalpak?
“Andami ko ngang nakita, mas maganda sila before kesa dun sa after. Nakakatakot. Di ba?
“Pero meron naman ako nakikita, of course, na mas maganda sila nung after kesa nung before.
“Pero siyempre we have different bodies, e. Kaya kailangan talaga, you have to be very careful kung ano man ang gusto mo.
“At saka kung ano man ang mangyari, kailangan, you have to face that. Kasi siyempre, kapag na-distort na ang ilong mo, mahihirapan ka na, di ba?
“So, sisisihin mo na lang ang sarili mo after. Kaya kailangan, bago sila mag-isip ng mga ganun, kailangan muna na pag-isipan nilang mabuti.
“At saka make sure na legit yung mag-oopera or whatever. Yung tried and tested na dapat.
“Kasi, we only have one face. We only have one body. And we have only one life to live. So let’t love our body, and make the most of everything.”
BEAUTY-PAGEANT JOURNEY
Kumusta ang journey niya matapos lumahok sa Miss Universe-Philippines Quezon City 2024?
Read: Lorraine Ojimba waging Miss Universe PH Quezon City; senior citizen Jocelyn Cubales pasok sa Top 10

Napangiti nang mabini si Joyce, “Alam mo, natuwa naman ako. Kasi I was able to influence and inspire a lot of people, not only in the Philippines but abroad.
“Kasi they were telling me na they admire my courage to join at age 69. Kasi, di ba nga, 69 na ako noong September.
“So, parang I was so touched and naiyak ako talaga when I was interviewed by a Colombian radio station.
“They were interpreting my English sa Spanish, and I’m so honored! Imagine mo, andaming nakikinig sa akin na Hispanic countries.
“Kasi sila yung No. 1 daw sa Hispanic countries. And they were telling me, ‘We want your story because we were inspired by you, by your courage at your age to join a pageant.’
“Na ang mga kalaban ko, 18 years old. Sabi ko, ‘Why not? You only have one life to live. And this is my dream, e,’ sabi ko.
“And now na tinanggal na nila yung age limit, e sabi ko, puwede na akong sumali, di ba?
“Kaya lang siyempre, I felt a little bit sad when that video leaked na sabi nila, ‘Married women can join, transgender can join, other people and blah-blah-blah BUT they will never win.’”
Ang tinutukoy ni Joyce ay ang kumalat na video ng meeting umano ng Miss Universe Organization owners na sina Anne Jakrajutatip at Raul Rocha Cantu.
Bukod kina Anne at Raul, may pito pang tao sa conference room.
Sabi ng Thai media businesswoman, ang desisyon niyang alisin ang age limit sa Miss Universe at payagan ang sinumang kababaihan na sumali ay parte ng kanyang communication strategy.
Read: Miss Universe scraps age restrictions; women of all ages can now join the prestigious pageant
Pagpapakita raw ito ng social inclusion at female empowerment para mas marami ang maka-relate, which is ultimately good for the business.
Pero ang kontrobersiyal na pahayag ni Anne: “They can compete but they cannot win.”
Read: Miss Universe’s credibility questioned over leaked video of Anne JKN
Naniwala ba si Joyce na totoo iyong leaked video at hindi paninira lamang?
“E, natapos na yung pageant ko, e. Natalo na ako. Number 10 lang ako, e,” hinaing ni Joyce.
“Samantalang andami nang nag-vote sa akin na No. 1 ako. And then I was able to talk with some people.
“Sabi nila, ‘Ikaw kasi yung gusto namin. Anong nangyari?’ But of course, how do I know? Hindi naman ako judge. But I did my best.”
NO REGRETS
Meron ba siyang regrets sa pagsali sa Miss Universe-Philippines Quezon City 2024?
“I don’t have any regrets whatsover. Kasi, na-challenge din ako dun,” mabilis na tugon ni Joyce.
“Imagine mo, yung mga pasarela namin. We have to be there early, kasi yung mga activities namin na napasa ko naman, e.
“I was able to perform naman to my best. Kaya sabi ko nga, I’m so happy na andami-dami talagang nag-email sa akin, nagtawag, and people that I don’t know.
“Even the whole Philippines. Merong nag-message from Baguio, Tuguegarao, even sa Luzon, Visayas. Andami-dami!
“Sabi nila, ‘Don’t worry, we are rooting for you. We admire your courage, and we hope we will be like you when we reach your age.’
“Ako naman, I’m so proud dahil siyempre I was able to inspire not only older people, ha? Mga bata na mga high school!
“Even now when I go out, sasabihin nila sa akin, ‘Miss Baesa!’ ‘Miss Cubales!’ ‘Puwede bang magpa-picture?’
“Tapos minsan kakain ako, yung waiter… tapos yung teller sa bangko, sabi sa akin, ‘Hello, Miss Cubales! Mas maganda ka sa personal.’
“Sabi ko sa sarili ko, ‘Ay! Na-recognize na nila ako.’ Di ba? There was a time na merong mga bus dun sa Circle, nagpi-field trip sila. Tapos huminto ang mga bus.
“Hala! Nagpa-picture sa akin. Merong taga-Baguio, merong galing Mindoro. Iba-iba sila, meron sila ditong parang field trip. Tapos sabi nila, ‘Si Miss Baesa! Si Miss Cubales!’ Kilala ako.
“Nagpa-picture sila, tapos sabi nila, ‘We want to be like you when we reach your age.’ Which is, I’m very happy.
“Kasi ngayon, andaming nagsabi sa akin, ‘We are now looking at our health. Nag-e-exercise na kami.’ Nag-enrol na raw siya sa gym.
“Tapos kumakain na daw sila ng vegetables ngayon saka ng fruits, katulad ng sinasabi ko nga.
“Kasi sabi nila, maganda daw yung skin ko. And then natutuwa sila na at my age nga, 69, nakipag-compete ako sa mga 18 years old.”
Read: Miss Universe 2018 Catriona Gray salutes senior citizens joining Miss Universe
ON TRANSGENDERS JOINING MISS UNIVERSE
Okay lang ba sa kanya na tinanggap din ang mga transgender sa Miss Universe?
“OK lang sa akin. Di ba, ano naman ito, we have a choice. Nasa sa atin naman yun, e,” lahad ni Joyce.
“Saka ang organizers, in-allow naman sila. Sino ba naman ako para mag-against dun? Kung yun ang mga rules nila, you know.
“Basta ang gusto ko lang nga, yung respect. To respect everybody kahit anong race ka pa, kung sino ka pa, basta meron lang tayong respect for each other.
“Ang gusto ko kasi, peace and harmony. Ha! Ha! Ha! Di ba?” natawang sabi pa ni Joyce, na Emperatriz Elena sa Grand Santacruzan sa Mayo 12, Linggo ng 4:00 p.m. sa Leveriza, Malate, Manila.
Joyce Cubales, Emperatriz Elena sa Grand Santacruzan sa Malate
