PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Leandro Baldemor recalls his "naughty" days

Leandro Baldemor: “Talagang dadaan din yan sa pagkalalaki mo.”
by Jerry Olea
Published May 10, 2024
leandro baldemor then and now
Former sexy actor Leandro Baldemor on indecent proposals in the past: “Marami. Marami, maraming mga bading na… meron pa akong hindi malilimutan na gusto kong mag-sorry sa kanya. Kasi sa dami ng ibinigay niya sa akin, nakapagpasalamat ako in a way, pero yung mag-sorry ba. Kasi napakaraming binigay sa akin! Relos, 200 grams na kuwintas, bracelet, suit…”
PHOTO/S: Jerry Olea / File

Aminado ang dating bold actor na si Leandro Baldemor na naligaw siya ng landas dati.

“Talagang dadaan din yan sa pagkalalaki mo,” sambit ni Leandro nang makatsikahan ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) noong Mayo 3, 2024, Biyernes, sa kanyang tahanan sa Paete, Laguna.

“E, siyempre minsan, nagkakaroon ka ng kaunting kasalanan, na maglandi-landi ka nang konti.

“Hindi ko naman nilalahat ang pagkalandi, 'no. Siyempre, may asawa na ako, naikukuwento na lang natin kung ano ang nakaraan na.”

Read: Leandro Baldemor recalls first shoot with Rosanna Roces

May lumandi ba sa kanyang bading?

“Ang landi kasi ng bading, OK lang yan gawa ng kinakaibigan ko naman sila,” pagmamatuwid ni Leandro.

“Kaya yung mga bakla na ano, nawawala na yung kanilang elya sa akin gawa ng kaibigan ko na.”

leandro baldemor sexy

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Leandro Baldemor during his prime as a sexy actor

LEANDRO BALDEMOR ON INDECENT PROPOSALS

Nakatanggap ba siya ng indecent proposals mula sa mga accla?

“Marami. Marami, maraming mga bading na… meron pa akong hindi malilimutan na gusto kong mag-sorry sa kanya,” pagsisiwalat ni Leandro.

“Kasi sa dami ng ibinigay niya sa akin, nakapagpasalamat ako in a way, pero yung mag-sorry ba.

“Kasi napakaraming binigay sa akin! Relos, 200 grams na kuwintas, bracelet, suit…”

Nag-take advantage siya?

Tumango si Leandro, “Parang ganun. Actually, hindi ko naman siya pinilit. Siya mismo ang nag-offer.

“Sabi niya sa akin, ‘Kung ano man, walang kapalit ito. Basta pinuntahan kita dito.’ Ganun kabait yung tao kaya gusto kong mag-sorry.

“Kumbaga, yung minsan na humingi siya sa akin, hindi ko naibigay. Kasi, hindi ako yung pagkatao na yun.

“So mangyari, siyempre pag nagkita kami, magso-sorry ako.”

Read: Dating Seiko star Leandro Baldemor, kaya bang mag-Vivamax?

Trans woman na Filipino ang tinutukoy ni Leandro. May-ari iyon ng club sa Japan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkakilala sila noong nagho-hosto pa siya. Hindi pa noon kasal si Leandro, pero meron na siyang anak.

“Kasi gusto ko namang ibalik sa kanya, e,” pakli ni Leandro.

Hindi na sila nagkitang muli?

“Oo, kasi nung mga panahong yun… napakabait ng taong yun… Kaya sabi ko, nagpapasalamat ako sa kanya,” saad ni Leandro.

“Kasi napakabait niyang tao. Napakabait niyang tao, grabe.”

Nag-reach out ba siya sa transgender na iyon na nasa Japan pa rin?

“Hindi ko siya mahanap, e! Sabi ko sa mga ami-amiga niya, ‘Nasaan na si ano?’ Kasi nagpunta kami sa Shinjuku nung nakaraan, kami ng asawa ko,” sabi ni Leandro.

“Tinanong ko si Mama, ‘Nasaan si Mommy?’ ‘Hindi na active.’ Hindi na raw active pero OK naman ang buhay niya. Napakabait na tao.”

leandro baldemor in swimming pool

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Leandro Baldemor in a sexy pictorial

LEANDRO BALDEMOR ON KARMA

Naniniwala ba siya sa karma?

Mabilis na sagot ng dating sexy actor, “Oo, nakarma ako. Nakarma ako. Lahat ng nabigay sa akin na, kumbaga, na alam kong may pagkakamali ako, kinuha Niya lahat.

“Tapos yung bahay ko, pinitik iyan. Pinitik iyan. Mabuti nga, hindi nalahat yung bubong.

“Hindi ko naman maano pero tingin ko, isa yun sa naging karma ko. Pati mga negosyo ko, talagang sinadsad ako ni Lord, e.

“Sinadsad ako talaga. Pero sa akin, OK lang. Kasi nung mga time na iyun, deadma ako kung sadsad man o hindi. Pero alam kong hirap ako.”

Read: Leandro Baldemor, naranasang ituring na ekstra sa isang teleserye

Kinuwestiyon ba niya si Lord?

“Hindi. Kasi alam ko naman na wala, e. Wala lang. Basta hirap ako. Kasi may time na… wala akong pera,” pagtatapat ni Leandro.

“Ngayon yung alkansya ng anak ko na kawayan, nandun sa likod ng kotse, binutas ko yun para lang makabili kami ng bigas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Napakalaki ng bahay ng tatay ko diyan sa harap, ha? Pero hindi ako humingi. Meron akong PHP500, pinapalit ko sa kapatid ko.

“Bumili ako ng bigas para pagdating ng asawa ko, meron akong kakainin. Ganun kasimple lang ang buhay namin.

“Kuntento na ako. Happy lang ako, wala akong problema. May pera akong PHP500, bili tayo ng bigas.”

Pride ba ang umiral sa kanya kaya hindi siya humingi ng tulong sa kanyang ama o ina?

“Hindi pride. Siguro nakasanayan ko simula bata na hindi umasa. Siguro kung masyado akong madibdibin, masyado akong mahanap sa buhay, iinda ako,” tugon ni Leandro.

“‘O, mang, ganito-ganyan, mang.’ Kasi kung lalapit naman ako, hindi naman nila ako pahihindian.

“Kasi, paano pa sila, bakit sila naghahanapbuhay ng ganyan kung hindi tutulungan ang mga anak?

“Kaso nga lang, alam pa nila na kaya ko. Alam pa nila na kaya kong tumibay. Titibay ka, titibay ang tuhod mo, kakayanin mo iyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Alam nila na naghihirap ako. Kaso nga lang, ang naging thinking ko, talagang laban!”

leandro baldemor endorsement

Leandro Baldemor as an endorser

LEANDRO BALDEMOR ON WOOD CARVING

Nakabangon si Leandro sa pagkalugmok, at naging matagumpay ang negosyo niya sa paglililok. Marami siyang inuukit na poon.

Sa totoong buhay ay relihiyoso si Leandro. Ang mga dalangin niya ay sinasagot ng Panginoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Leandro Baldemor: From bold actor to bold ventures as manlililok

“Totoo talaga! Totoo talaga, buhay akong saksi!” bulalas ni Leandro.

Ang mga personal niyang patron saint ay sina Padre Pio, Santa Clara, at Birhen ng Antipolo.

Natawang pagbubunyag ni Leandro, “Kay Santa Clara ako ipinagdasal ng asawa ko na magbago. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Sabi ko, ‘Bakit ba dinadala mo ako dito sa Santa Clara? Yun pala, ipinagdadasal na ako ng asawa ko.

“Binubulungan ako, ‘Magbago ka…’ Maraming pagbabago… kay St. Clare sa may Katipunan. Kasi pag kami pupunta, St. Clare saka Padre Pio ng Eastwood.

“Every feast yun ni St. Clare, pupunta rin kay Padre Pio.”

leandro baldemor wood carving

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May himala na nangyari sa buhay niya?

“Ay! Marami, marami. Marami, ayoko na lang… siyempre, yung ibang tao, ‘Ano ba naman? Estatwa yan.’ Ako naman, e, ito ang cellphone ko, e. Yung cellphone natin, t*ng ina, minuto lang mawala, hindi mo alam ang gagawin mo, di ba?

“So, ang cellphone ko, para makakonek ako kay God, itong statue ni Padre Pio saka ni St. Clare. Kanya-kanya tayong mga konek kung saan mas…

“Kasi ikaw, Globe ka, may Smart ka. Ako, yun ang pinakaano ko, ang internet ko, parang ganun. Yun ang pinagbasihan ko sa aking pananampalataya.

“Malalim, malalim. Saka hinahayaan kong Siya ang gumalaw,” salaysay ni Leandro.

Kabilang sa bold movies na ginawa ni Leandro sa Seiko Films ang Patikim ng Pinya (1996), Sariwa (1996), Tukso, Layuan Mo Ako Part 2 (1996), at Hawakan Mo Ako (1997).

Nasa cast si Leandro ng mga pelikulang AbeNida at Paquil na hindi pa ipinapalabas sa local cinemas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

leandro baldemor movies

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former sexy actor Leandro Baldemor on indecent proposals in the past: “Marami. Marami, maraming mga bading na… meron pa akong hindi malilimutan na gusto kong mag-sorry sa kanya. Kasi sa dami ng ibinigay niya sa akin, nakapagpasalamat ako in a way, pero yung mag-sorry ba. Kasi napakaraming binigay sa akin! Relos, 200 grams na kuwintas, bracelet, suit…”
PHOTO/S: Jerry Olea / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results