PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andi Eigennman and Philmar Alipayo still together

Andi Eigennman updates netizens about real score with Philmar Alipayo.
by Arniel C. Serato
Published May 10, 2024
Andi Eigennman gives update on relationship with Philmar Alipayo
Andie Eigennman posts selfie with fiancé Philmar Alipayo following breakup rumors.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Tuluyan nang tinuldukan ni Andi Eigenmann ang bulung-bulungang nagkakalabuan at hiwalay na sila ng fiancé na si Philmar Alipayo.

Sa kanyang Instagram Story kagabi, May 9, 2024, nagbigay ng isang prangkang update si Andi sa pamamagitan ng isang selfie kasama si Philmar.

"Kami pa naman," simpleng caption ng aktres na tila nang-uuyam sa mga nagdududa kung sila pa ng award-winning surfer.

Andi Eigennman updates netizens with real score with Philmar Alipayo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Gabby Eigenmann on Philmar Alipayo and Jake Ejercito: "Okey sila, they both respect each other."

ANDI EIGENMANN'S TRIP TO JAPAN AFTER MOTHER'S DEATH

Ang pahiwatig ni Andi sa kanyang post ay maaring bira niya sa ayaw pa ring tumigil na netizens sa pagbabato ng duda sa pinagsasamahan nila ng ama ng kanyang mga anak.

Matatandaang may mga malisyosong paratang na ipinupukol sa aktres ng ilang netizens na inakusahan siyang nagpapanggap na malungkot kasunod ng pagpanaw ng kanyang inang si Jaclyn Jose.

Pumanaw si Jaclyn noong March 2, 2024, dahil sa heart attack. Siya ay 60 anyos.

Read: Multi-awarded actress Jaclyn Jose dies at 60

Mga ilang linggo na ang nakararaan, nagbakasyon si Andi sa Japan kasama ang panganay na si Ellie at ang dalawa niyang anak kay Philmar.

Kasama rin ni Andi ang nakatatandang kapatid na si Gabby Eigenmann at ang pamilya ng Kapuso actor.

Pero hindi rito kasama si Philmar, na nanggatong sa ilang netizens tungkol sa estado nila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Andi Eigenmann thanks fiancé Philmar Alipayo for being their family’s "support system"

Halatang hinimay-himay rin ng netizens ang iba pang detalye na “pruweba” nilang hiwalay na umano ang dalawa.

Ilan sa mga ito ay ang hindi raw pag-like ni Andi sa recent posts ni Philmar.

Naging madalas din recently ang Instagram Stories ni Philmar na nagpapakita na mga pinagkakaabalahan niya.

Interpretasyon ng netizens, nagmu-move on na raw si Philmar sa paghihiwalay nila ng aktres.

Read: How Gabby Eigenmann helped sister Andi deal with Jaclyn Jose's sudden death

Sa kanyang Instagram Stories, naglabas ng pahayag si Andi noong nakaraang May 3, 2024.

Binanggit ng aktres na nagulat siya na ang sumalubong sa kanya pagbalik sa Pilipinas ay hiwalay na siya.

Sabi ni Andi (published as is), “I literally j went on a vacation with my brother and our kids, and come home to find out, through the internet, that ive just been separated…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanyang sumunod na post, idiniin ni Andi ang mali-maling impormasyon na naipakalat sa social media.

Biro pa niya, ang social media na ang nagdesisyon sa kanyang buhay.

Sabi ni Andi (published as is): “The internet didnt seem to like that I was grieving the loss of my nanay. Apparently, according to them, i had been faking my sadness about it all along.

“(Not enough social media posts perhaps?).

“Due to this, the internet has decided that the reason for my sadness is not that i have recently been an orphan but in fact, a divorce (even if I had never been married) Hel.pppppp”

Read: Andi Eigenmann addresses breakup rumors with Philmar Alipayo

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andie Eigennman posts selfie with fiancé Philmar Alipayo following breakup rumors.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results