PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joshua Garcia feels "honored" to be paired with Anne Curtis

Anne to Joshua: "I'm so excited, it's my first time working with Joshua."
by Khryzztine Joy Baylon
Published May 18, 2024
Joshua Garcia feels honored to be paired with Anne Curtis
Joshua Garcia (right) on working with Anne Curtis (left): "Of course, pagkatapos ng napakatagal na panahon babalik siya sa paggawa ng series, tapos isa ako sa mga makakasama niya. Isang karangalan talaga."
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon

Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ni Joshua Garcia , 26, matapos isapubliko na sa kauna-unahang pagkakataon ay makakapareha niya si Anne Curtis, 39.

Sila ang magkatambal sa Philippine adaptation ng hit Koreanovela series na It’s Okay Not To Be Okay.

Bibigyan ng Pinoy version nina Joshua at Anne ang sikat na karakter ng South Korean stars na sina Kim Soo Hyun (Moon Gae Tae) at Seo Ye Ji (Ko Moon Young).

Sila Kim Soo Hyun at Seo Ye Ji ang mga bidang gumanap sa orihinal na Korean series na gagawan ng adaptation ng ABS-CBN.

Sa Philippine adaptation, si Joshua ay gaganap bilang leading man ni Anne na si Patrick “Patpat’ Gonzales. Si Anne ay gaganap bilang Emilia "Mia" Hernandez.

Anne Curtis confirms teleserye comeback after 9 years

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Star Creatives, business unit ng ABS-CBN, ang magproprodyus ng serye.

Anne Curtis confirms teleserye comeback after 9 years

Read: Anne Curtis, Joshua Garcia, Carlo Aquino to star in PH adaptation of It’s Okay Not To Be Okay

Sa press announcement nitong Biyernes, May 17, 2024, natanong si Joshua kung ano ang naramdaman niya nang malamang makakapareha niya si Anne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ang pagbabalik-teleserye ni Anne sampung taon mula nang pagbidahan niya ang Kapamilya adaptation ng Mars Ravelo's Dyesebel.

Read: Is Andrea Brillantes the next Dyesebel?

Ani Joshua, "Very honored, sobra.

"Of course, pagkatapos ng napakatagal na panahon babalik siya sa paggawa ng series, tapos isa ako sa mga makakasama niya.

"Isang karangalan talaga. Anne Curtis yan, e."

Matapos malamang siya ang napiling isa sa bibida sa Pinoy version ng It's Okay Not To Be Okay, mabilis na naghanda si Joshua para sa proyekto.

Nagsimula raw siyang mag-work out at sumilip sa isang episode ng hit K-drama.

"Sabi ko nga kila Direk, hindi ko pa napanood nang buo, napanood ko yung episode one.

"Episode one pa lang may pa-abs na [si Kim Soo Hyun], kaya pinatay ko agad yung TV, nag-workout na lang ako.

"Yun na lang yung preparation," napapangiting kuwento ni Joshua.

Dagdag ng aktor, "So, siyempre, nag-prepare ako, nag-wu-workout ako ngayon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Pero, I think, mas malaki yung importance yung mas emotionally prepared kami.
Kasi iba rin yung ita-tackle naming istorya, medyo sensitive siya."

Read: Joshua Garcia, Julia Barretto reunite in Un/happy For You

Joshua and anne on working on their chemistry

Bilang una nilang itong pagsasama, dadaan sila Joshua sa workshop upang mas mapalabas pa ang chemistry nila ni Anne.

Isa raw ito sa pinaka-aabangan ng aktor dahil nakatitiyak niya na marami siyang matututunan sa leading lady na si Anne.

Patuloy ni Joshua, "Lahat po kami may gagawing immersion. May mga times din na magkasama kami [lahat ng cast], may mga times din na mag-isa ako.

"Magkakaroon din po kami ni Anne ng workshop, chemistry worskshop."

Biro kay Joshua ng press, "Parang hindi naman kailangan."

Nahihiya at nakangiting sagot ni Joshua, "Kailangan ko."

Bawi naman ni Anne, "I'm so excited. It's my first time working with Joshua so I'm very excited to see how we can bring out the chemistry together."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JOSHUA FEELS PRESSURED PLAYING Kim Soo Hyun CHARACTER

Sa presscon, natanong din si Joshua kung nakakaramdam ba siya ng pressure sa pagganap niya sa kilalang karakter ni Kim So Hyun sa K-drama.

Pag-amin niya, simula umpisa ay hindi na nawala ang kanyang kaba lalo na't maaaring makumpara siya sa Korean actor.

Pero mas pinagtutuunan ng pansin ni Joshua ang istorya ng It's Okay Not To Be Okay.

Pagtatapat ni Joshua, "Of course, nandodoon yung pressure.

"Pero ngayon nagpu-focus na lang ako na sana mabigyan ko ng justice yung role ko para maikuwento namin yung istorya kaya focus talaga ako sa character ko as Patrick Gonzales."

Samantala, maliban kay Joshua at Anne ay kasama rin sa cast ang aktor na si Carlo Aquino, 38.

Anne Curtis confirms teleserye comeback after 9 years

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Carlo ay gaganap bilang Matthew "Matmat" Gonzales, ang nakatatandang kapatid ni Patrick (Joshua).

Read: Charlie Dizon says her parents approve of boyfriend Carlo Aquino

Si Mae Cruz-Alviar ang magsisilbing direktor ng Philippine adaptation ng It’s Okay Not To Be Okay.

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay walang inilalabas na detalye kung kailan ipapalabas ang nasabing serye at kung sinu-sino pa ang mga makakasama nina Joshua, Anne, at Carlo.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joshua Garcia (right) on working with Anne Curtis (left): "Of course, pagkatapos ng napakatagal na panahon babalik siya sa paggawa ng series, tapos isa ako sa mga makakasama niya. Isang karangalan talaga."
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results