PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cariz Manzano opens up about sexual fantasy, video scandal

"Parang ang bigat-bigat. Bakit ganoon ang judgment sa akin? Tao lang naman ako!"
by Rommel Gonzales
Published May 29, 2024
Cariz Manzano stars in Kulong
Caris Manzano hopes to free herself from judgment following video scandal. She laments, "...parang ang bigat-bigat. Bakit ganoon ang judgment sa akin? Tao lang naman ako!"
PHOTO/S: Cariz Manzano on Facebook

May mga bagay ba sa nakaraan na gusto mong makawala o makalaya?

Ito ang naitanong kina Cariz Manzano, Aica Veloso, JD Aguas, at Jenn Rosa dahil Kulong ang titulo ng kanilang Vivamax movie.

Dito inilahad ni Cariz ang mga kagimbal-gimbal na nangyari sa buhay niya.

Kuwento niya, “May dalawang bagay po akong gustong mapalaya sa sarili ko.

"Nung bata po kasi ako, nakaranas ako ng sexual harassment. Sa stepfather ko po."

Hindi nagtagumpay ang kanyang stepfather sa masama nitong balak.

Aniya, “Ah, hindi po, lumaban po kasi ako, e!"

Pero malaki ang naging epekto ng nangyari sa buhay niya.

Una, "...yung mom ko, nasira yung relationship namin dahil dun.”

Pangalawa, “So medyo mabigat siya. So dinala ko po iyon hanggang paglaki ko.

"Tapos nung nakakaranas akong magkaroon ng boyfriend, every time naming ita-try na mag-sex, lagi po talagang bumabalik yung trauma sa akin."

Read: Hubadero 2024 1Q Edition: Vivamax sexy actors deliver the goods

Ang matapang pang rebelasyon ni Cariz, “So ang nangyari is siyempre tao lang ako talagang nakakaramdam ako ng libog.

"So instead makipag-sex ako, mas pinipili ko na lang mag-masturbate.”

Cariz Manzano opens up about sexual fantasy, scandal
Photo/s: PR

CARIZ MANZANO'S FANTASY

May pasabog pang inamin ang dalaga.

“Yung fantasy ko is gusto ko nire-record ko yung sarili ko.

“Dito na papasok yung pangalawang gusto kong makalaya ako. Whenever na nire-record ko yung sarili ko nasa-satisfy ako, ganyan."

Pero may nangyari ulit na naging dahilan para husgahan siya ng mga tao.

Sa pagpapatuloy ng kanyang kuwento, "But then last 2020 pandemic, account ko, na-hack! Nanakaw yung phone ko.”

Dahil dito ay kumalat ang mga maseselang videos ni Cariz.

Aniya, “So gusto kong makalaya dun sa judgment ng mga tao sa akin kasi napanood nila yung video ko, e.

“Especially sa mga relatives ko na nakakita, sa mga friends ko,” at dito na nagsimulang maging emosyunal si Cariz at umiyak.

“Sorry,” paghingi ng paumanhin ni Cariz sa hindi niya napigilang damdamin.

“So parang ang bigat-bigat. Bakit ganoon ang judgment sa akin? Tao lang naman ako!

"Normal lang naman na meron akong fantasy, na nalilibugan ako. Hindi lang naman ako yung gumagawa nun, kaya nga may porn e, di ba po?

“So gusto kong makalaya sa ganung pakiramdam, sana makayanan ko siyang i-face.

“Kapag tinitingnan kasi ako ng ibang tao, pakiramdam ko napanood niya yata yung video ko.

“Tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

"Iyon, iyon yung gustung-gusto kong makalaya. Sana soon.”

Read: Pinoy Hubaderos 2023: Mga aktor na nagpakita at nagpasilip sa pelikula, pictorial, at social media

CARIz MANZANO ON OVERCOMING TRAUMA

Ang kanyang mga alagang aso ang dahilan kaya nakakayanan ni Cariz ang kanyang mabigat na pinagdadaanan.

Sabi pa ni Cariz na sa pagkakataong ito ay nakangiti na, “My fur babies, sila po talaga yung reason kung bakit ako nagho-hold back.

"Kasi as in sobrang stressful talaga. Hindi po siya madali.

“For sure hindi lang po ako ang nakakaranas nito, e. Pero alam ko sa sarili ko na makakayanan ko siya.”

Nakausap si Cariz ng members ng media sa mediacon ng Kulong sa Viva Café sa Quezon City noong Huwebes, May 2, 2024.

Samantala, simula na ang streaming ng pelikula sa Vivamax noong May 24.

Sa direksiyon ni Sigrid Polon, nasa Kulong din sina Ghion Espinosa at Ralph Engle.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Caris Manzano hopes to free herself from judgment following video scandal. She laments, "...parang ang bigat-bigat. Bakit ganoon ang judgment sa akin? Tao lang naman ako!"
PHOTO/S: Cariz Manzano on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results