Hindi napigilan ng Kapamilya TV host-comedian na si Vice Ganda na biruin ang Kapuso actor na si Alden Richards sa gawi ng paghu-host nito sa Miss Universe Philippines 2024.
Ginanap ang grand coronation night sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City, noong Miyerkules ng gabi, May 22, 2024, kunsaan si Alden ang isa sa mga main host kasama sina Jeannie Mai Jenkins at Miss Universe 2022 R'Bonney Gabriel.
Read: Dark horse Chelsea Manalo wins Miss Universe Philippines 2024
Nag-viral si Alden dahil marami sa netizens ang naaliw sa gawi ng kanyang paghu-host, na ayon sa ilang netizens ay animo'y galit.
Napansin ito nang ianunsiyo ni Alden ang mga pangalan ng mga kandidatang pasok sa Top 20 at Top 5.
Read: MUPH 2024 scene stealers, trending candidates, and bloopers
Sa taas ng energy ng Kapuso star, hindi siya nakaligtas sa mga meme na gawa ng netizens na sumubaybay sa Miss Universe Philippines 2024 grand coronation night.
Narito ang ilang memes na makikita sa social media:




Kabilang sa mga naaliw kay Alden ay ang It's Showtime host na si Vice.
Sa episode ng Kapamilya noontime show nitong Huwebes, May 23, pabirong inalaska ni Vice si Alden sa pamamagitan ng panggagaya sa hosting style nito.
Read: Michelle Dee on Chelsea Manalo's Miss Universe PH 2024 win
Nangyari ito sa segment na "EXpecially For You" nang sumagot pagalit ang searcher nang batuhan siya ng pick-up line ng isang searchee.
Natatawang hirit ni Vice, "Parang si Alden sa MUPH kahapon."
Sa puntong ito, ginaya ni Vice ang pasigaw na gawi ni Alden nang ianunsiyo ang mga bayan ng kandidatang pasok sa Top 20 at Top 5 ng naturang beauty pageant.
Ani Vice, "[Sabi ni Alden] Bulacan, Cebu! Galit si Alden kahapon, di ba?
"[Sabi pa niya] Quezon Province!
"Hi Alden."
ALDEN RICHARDS REACTS
Sa ulat ni Aubrey Carampel ng GMA Integrated News nitong Biyernes, May 24, nahingan ng reaksiyon si Alden sa mga kumakalat niyang memes sa social media.
Sabi ng aktor, hindi siya napipikon sa memes na nagsasabing pagalit ang pagtawag niya sa lungsod o lalawigan ng mga kandidata sa Miss Universe Philippines 2024.
Imbes na mainis ay natutuwa pa raw siyang basahin ito isa-isa.
Read: Miss Universe PH 2024 Chelsea Manalo, nag-react sa memes
Depensa pa niya, pinantayan lamang niya ang excitement at taas ng energy ng crowd kaya napalakas ang kanyang boses sa pag-a-announce.
READ MORE ABOUT MISS UNIVERSE PHILIPPINES 2024:
- Chelsea Manalo's mother overwhelmed by daughter's Miss Universe Philippines 2024 win
- FULL TRANSCRIPT: The winning answer at Miss Universe Philippines 2024
- Ahtisa Manalo, Alexie Brooks also win beauty titles at Miss Universe Philippines 2024
- Celeste Cortesi, nilinaw ang "what just happened" post tungkol sa Miss Universe Philippines 2024
- Tamang Manalo ba ang nanalong Miss Universe Philippines 2024?
- Michelle Dee reuses symbolic evening gown for final walk
- Stacey Gabriel on first runner-up finish at MUPH 2024
- Ahtisa Manalo congratulates MUPH 2024 Chelsea Manalo
- Chelsea Manalo dedicates MUPH 2024 crown to parents
- Meet Chelsea Manalo, Miss Universe Philippines 2024
- Marina Summers opens Miss Universe Philippines 2024
- Miss Universe Philippines 2024 Live Updates
