PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cassy Legaspi, Kyline Alcantara greet Darren on his birthday

Cassy to Darren: "I'm always here for you and I always have been."
by Khryzztine Joy Baylon
Published May 25, 2024
Cassy Legaspi and Kyline Alcantara greet Darren Espanto on his 23rd birthday
Cassy Legaspi (left photo, with Darren) and Kyline Alcantara (right), made sure to greet Darren Espanto a happy birthday as the Kapamilya TV host-actor turned 23 on May 24, 2024.
PHOTO/S: Darren Espanto Instagram/Team KyRren Cavite Faceboo

Short but sweet birthday message ang magkasunod na natanggap ni Darren Espanto sa dalawang Kapuso stars na malapit sa kanyang puso—sina Cassy Legaspi at Kyline Alcantara.

Nitong Biyernes, May 24, 2024, ipinagdiwang ni Darren ang kanyang 23rd birthday.

Magkahiwalay siyang binati nina Cassy at Kyline.

Sa Instagram Stories idinaan ng dalawa ang kanilang mensahe't pagbati sa It's Showtime co-host.

CASSY LEGASPI PENS TOUCHING MESSAGE FOR DARREN

Si Cassy, nag-effort pang gumawa ng collage photo, kunsaan makikita ang inipong litrato nila ni Darren.

Kalakip ng litrato ang aniya'y "short but sweet" birthday message para sa matalik na kaibigan.

Mensahe niya, "Happy Happy Birthday DB!! "D Total Package" [zany face emoji]

"I'll keep this short but sweet, but all I wanna say is Stay kind & true to yourself always D (alam mo na yun...hehe) don't forget to pace yourself and take care of yourself.

"You already know that I'm always here for you and I always have been [green heart emoji]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Cassy Legaspi and Kyline Alcantara greet Darren Espanto on his 23rd birthday

Mabilis naman itong ni-repost ni Darren, kalakip ang pasasalamat niya kay Cassy.

Aniya, "Thank you, DB! [yellow heart emoji]."

Cassy Legaspi and Kyline Alcantara greet Darren Espanto on his 23rd birthday
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KYLINE ALCANTARA'S MESSAGE FOR DARREN

Idinaan naman ni Kyline sa pag-post ng isang video clip ang pagbati sa kaarawan ni Darren.

Makikita sa video na tila nasa interview ang dalawa. Maririnig din ang kanilang pagtawa habang sinasabi ni Kyline ang katagang, "Eto na yon. We still hate each other."

Mababasa sa caption ng kanyang IG Story, "Happy birthday, Espantooo!!!"

Cassy Legaspi and Kyline Alcantara greet Darren Espanto on his 23rd birthday
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Katulad ng kay Cassy, ini-repost din ni Darren ang pagbati ni Kyline.

Sabi niya rito, "Sums it up HAHA."

Cassy Legaspi and Kyline Alcantara greet Darren Espanto on his 23rd birthday

CASSY AND KYLINE'S CONNECTION TO DARREN

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na sina Cassy at Kyline ay parehong na-link kay Darren.

Makailang beses nang naintriga ang relasyon nina Cassy at Darren dahil sa pagiging malapit nila sa isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Cassy Legaspi denies uploading videos of sweet moments with Darren Espanto

Hanggang noong April 8, 2024, mismong sina Darren at Cassy na ang nagsabing walang espesyal na namamagitan sa kanila at sila'y matalik na magkaibigan lamang.

Read:

Habang si Kyline naman ay malapit kay Darren dahil dati niya itong nobya.

Noong April 15, sa Fast Talk With Boy Abunda, inamin ni Darren na naging sila noon ni Kyline.

Tanong sa kanya ng host na si Boy Abunda, "Doon sa pangalawang shini-ship sa yo, I'm talking about Kyline, what is the true story? Sabihin mo sa akin ang totoo. Naging kayo?"

Sagot ni Darren, "Hindi ko po masagot ng yes or no kasi it was, like, parang puppy love kind of thing lang po yon."

"But there was?" sundot na tanong sa kanya ni Boy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabilis na sagot ng It's Showtime co-host, "Opo, before we were younger."

Read: Darren Espanto admits dating Kyline Alcantara in the past

Ito rin daw ang dahilan kung bakit sila tinukso ni Vice Ganda sa It's Showtime noong nag-guest dito si Kyline.

Pagpapatuloy niya, "Yun nga po na tinutukso kami na, 'Kasi nga...'

"Kasi nga, naging kami dati. Ayun po kaya kami binibiro ni Ate Vice."

Read: Vice Ganda teases Darren Espanto and Kyline Alcantara in It's Showtime

Pag-uusisa pa ni Boy, "Gaano kayo katagal?"

Tugon ni Darren, "Like a year, I think. Kaya po kami very comfortable [sa isa't isa]."

Pag-amin pa ni Darren, hindi naging maganda ang paghihiwalay nila noon ni Kyline.

Dumaan daw sila sa proseso hanggang sa magkapatawaran sila at piliing maging muling magkaibigan.

Paglilinaw ni Darren, "[Nagkahiwalay kami] because of some misunderstanding.

"And then, when we both matured, parang six years later, napag-usapan na namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Eventually, we became okay with each other again at naging friends na ulit kami."

Read: Darren Espanto clarifies rumored issue with Cassy; past romances with Kyline and Jayda

Iginiit ni Darren na walang third party sa breakup nila ni Kyline.

"More on misunderstandings talaga. Kasi siyempre mga bata, parang konting petty na away," sabi niya.

Read: Cassy Legaspi gives short answers about friendship status with Kyline Alcantara

Bago pa man ang pag-amin ni Darren ay kilala na silang malapit na magkaibigan ni Kyline, dahil sa kakambal ni Cassy na si Mavy Legaspi, na ex-boyfriend ni Kyline.

Read: Kyline Alcantara unfollows Legaspi family on Instagram

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cassy Legaspi (left photo, with Darren) and Kyline Alcantara (right), made sure to greet Darren Espanto a happy birthday as the Kapamilya TV host-actor turned 23 on May 24, 2024.
PHOTO/S: Darren Espanto Instagram/Team KyRren Cavite Faceboo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results