Walang pakialam sa bashers ang social media personality na si Deo Balbuena, mas kilala bilang si Diwata.
Ito ay sa gitna ng paratang na lumaki na raw ang ulo ni Diwata ngayong maraming sikat na personalidad na ang nag-i-interview sa kanya at nagbibigay ng tulong.
Read: Meet Diwata, nag-trending sa presinto noon, asensado na ngayon
"wala akong pakialam."
Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), tinanong si Diwata kung paano niya binabalanse ang pagtatrabaho at pag-e-entertain ng customers sa trending niyang Diwata Pares Overload.
Karamihan kasi sa kumakain sa kanyang paresan ay nagpapa-picture din sa kanya.
Sagot ni Diwata sa PEP: "Ito na nga. Di ba, may mga raket na tayo ngayon, na mai-invite ka katulad nito? Tapos siyempre, pagdating ko naman sa tindahan, minu-monitor ko yung mga tao.
"Tsine-check ko kung andun pa ba sa mga puwesto, kung ano pa ba ang mga kulang na kailangan kong bilhin.
"Tapos may taping pa tayo kay Coco Martin," pagtukoy ni Diwata sa teleseryeng FPJ's Batang Quiapo kung saan mayroon siyang special participation.
Patuloy niya: "Tapos ang nakakaloka pa dito, yung isang ganun mo lang, di ba pagpunta ko dun, pagdating ko sa tindahan, bumababa ako, sisilip ako, itsi-check ko muna yung dapat i-check, kung anong dapat ayusin.
"Alam mo yung may mga vlogger na doon o di ko alam kung vlogger ba yun, mga basher, na hindi ko lang mapagbigyan... 'Diwata, Diwata!' 'Wait lang, kasi may ginagawa ako, may gagawin ako.'
"Alam mo, may hindi mo lang magbibigyan, masama ka na, mag-picture, wait lang.
"Pero may pinagbibigyan naman tayo ng time na magpa-picture.
"Yung ganun, ganun kasi ngayon, nakikita ko sa social media na parang ang sama-sama mo na di mo lang magbibigyan.'"
Iginiit ni Diwata na talagang abala lamang siya kaya hindi niya napagbibigyan lahat ng nagpapa-picture sa kanya.
"Alam mo yung tanong mo na, 'Paano mo pa naha-handle?'
"Mahirap din para sa akin, lalo na yung mga tao na hindi mo lang magbibigyan magpa-picture, which is busy ka naman din talaga.
"Sinasabi nila, 'Masama ka na, ang laki na ng ulo mo, magbago ka na,' ang hirap di ba?
"Pero alam mo, kaya pa naman. So, kaunting pasensiya lang talaga.
"Ngayon bina-bash nila ako ngayon, wala akong pakialam, di ba, magpa-picture ka.
"Bakit? Unang-una, di ba sinasabi ko na ito, di naman kita ginawan ng masama, yun lang naman sinabi ko sa yo, para namnamin mo, di ba?
"May dahilan naman, may reason bakit di muna ako magpa-picture. Kasi busy.
"So, I don't care. Wala akong pakialam."
Eksklusibong nakausap ng PEP si Diwata sa Shift VapeFest convention, isang pagtitipon ng leading vape brand sa bansa, na ginanap sa Metrowalk Convention Center, Pasig City, kagabi, May 25, 2024.
Isa sa invited influencers si Diwata ng nasabing event.

Read: Netizens praise Diwata for his realistic take on "diskarte o diploma"
BUSINESS PLANS
Hindi maitatatwang dinadayo ang paresan ni Diwata sa Pasay.
Ano pa ang gusto niyang mangyari sa kanyang negosyo? Balak ba niyang magtayo ng branch?
Lahad niya, "Yes, actually talaga may plano akong mag-target kami ngayon kung ilan ang magiging branch talaga within five years, ang Diwata Pares nationwide.
"So, yun ang plano ko ngayon, ang bubuksan ko muna is Quezon City, pangalawa.
"So, after ng Quezon City, mayroon na kami ulit gagawin, tapos bukod pa sa mga franchising. So, yun."
Si Diwata na ang bumubuhay sa kanyang ina, lahat ng kapatid, at mga pamangkin.
Kaya malaking tulong talaga ang kinikita niya para sa kanyang pamilya.
Saad niya, "Nanay ko na lang, wala na akong father.
"Tapos ang mga kapatid ko, nandito sa akin ngayon na nagtatrabaho.
"Lahat ng kapatid ko, lahat kami. Tapos yung mga pamangkin ko, nandito rin sa akin ngayon, kasama ko sa Diwata Pares."
Ano ang pakiramdam na nakapagbibigay siya ng hanapbuhay sa mga kamag-anak mo?
Aniya, "Ang sarap naman talaga ng feelings na marami tayong taong matutulungan.
"Lalung-lalong na sa akin, di ba, nung mga time na kahirapan ng buhay ko, na nakatira ako sa ilalim ng tulay, na hindi ako nakakapagbigay ng tulong, ng support para sa pamilya ko.
"Pero ngayon, ako naman, it's time to ibalik naman sa mga family ko. Kasi ako naman ang nakakaluwag-luwag, para ibalik naman, para makatulong naman ako.
"Kaya yun ang reason na from province, kinuha ko sila... para pagtrabahuin.
"At yung mother ko naman, sa bahay talaga, kasi may edad na. So, malaking bagay."
EXPANDING DIWATA'S MENU
Anong bagong menu niya ngayon?
Bukod kasi sa pares overload, pinag-uusapan din ang kanyang "sikenjoy."
Magbubukas din ngayong Linggo, May 26, ang bago niyang branch sa Quezon City.
Lahad ni Diwata, "May mga bagong menu ako, pero bukas ko pa siya ipi-flex. Dito sa bagong puwesto ko.
"Yung dati kong menu, mayroon kasi akong barbecue, may longanisa ako, may pares-bulalo, may sikenjoy, may Diwata siken inasal.
"Tapos yung iba pa. Tapos dito sa QC, nandoon pa rin siya, pero may mga dagdag na.
"So, bukas ko pa ipi-flex.
SUPERSTITION
Nakaluwag-luwag na rin talaga si Diwata dahil mga gold ang suot niyang kuwintas, singsing, at bracelet.
Sabi niya tungkol sa kanyang kuwintas, "Actually, pangontra to sa kulam."
Ang bracelet naman niya ay ibinigay lang din sa kanya ng isang tagahanga.
Sabi pa niya, "Maraming salamat kasi, di ba, dati pangarap lang natin.
"Ito daw kasi [bracelet] pampasuwerte, hinahawakan mo. Bawal daw kasing hawakan.
"Kasi mawawala daw ang suwerte niya. Sabi kasi nila, pag binigay mo na ito, sinuot mo na.
"Actually, sabi ng asawa ni Boss Toyo, 'Huwag mong pahawakan sa iba.'
"Pero okay lang naman. Alam mo kasi, ganoon lang yung pamahiin nila.
"Pero ako kasi, hindi ako naniwala doon. Yung suwerte kasi ng tao, depende yan sa yo, e. Depende yan sa yo.
"Wala yan sa mga pamahiin.
"Depende yan sa yo kung paano mong hindi mo hahayaan ang sarili mo na hindi nakabatay dito sa pamahiin.
"Pero ganun pa man, maraming salamat."
Tinapos ni Diwata ang unang bahagi ng PEP interview sa pagbibigay ng mensahe sa kanyang bashers.
Aniya: "Sa lahat ng bashers, okay lang yan.
"Kung alam niyong tama kayo, go lang.
"Pero kung alam niyo namang hindi, go pa rin.
"Yan ang gusto niyo."
Read: Rosmar Tan gifts Diwata PHP5M-worth of cash, house and lot
