Bago humantong sa kasalan, dumaan muna sa matinding pagsubok ang pagmamahalan ng bagong mag-asawang Nash Aguas at Mika dela Cruz.
Ito ay nang maghiwalay sila ng higit anim na buwan dahil sa hindi pagkakaunawaan, makaraan ang anim na taong pagiging magkasintahan.
Eksklusibo itong ibinahagi nina Nash at Mika sa panayam nila sa vlog sa YouTube ng ABS-CBN broadcaster na si Bernadette Sembrano nitong June 2, 2024.
Read: Nash Aguas, Mika dela Cruz tie the knot in Tagaytay
Ayon sa newlywed couple, hindi nila ito ipinaalam kaagad sa kanilang pamilya at mga kaibigan. Sikreto at tahimik daw nilang prinoseso ang panandalian nilang paghihiwalay kung kaya't walang nakalabas na balita na sila ay may pinagdaraanan.
Pagbabahagi ni Mika: "We dealt with the pain kay Lord lang po talaga.
"Even sa sister ko [Angelika dela Cruz], hindi po ako nagpakita sa kanya na umiiyak ako. I was just saying na, 'I'm okay, everything is okay.'
"We were dealing with it separately kay God talaga. Every time I feel na heavy or crying talaga, it's just me and Him po."
"Wala po talagang nakakaalam, even our friends."
Read: Angelika dela Cruz denies rumored pregnancy of sister Mika
REASON OF THEIR BREAKUP
Kuwento nina Nash at Mika, panahon ng pandemya nang magsimulang magkalamat ang kanilang relasyon dahil sa ilang hindi pagkakaunawaan.
Si Mika, aminadong gulung-gulo siya noong mga panahong iyon kaya't humantong siya sa desisyong makipaghiwalay kay Nash.
Kuwento ng dating child actress: "Kasi nung time na yon, mula pa noong pandemic, that was namatay yung dad ko. Tapos lumabas lahat ng health conditions ko po.
"Siyempre it's heavy on me financially rin. Kasi, I had to leave work kasi autoimmune disease, hindi na rin pwedeng magpuyat.
"Siyempre the weight gain, being conscious with yourself. I went through a lot din.
"Lagi niyang [Nash] sinasabi sa akin na ang tagal na niya akong hindi nakikita na masaya.
"Feeling ko lahat tinanggal sa akin—trabaho, tapos I had to leave school din po because yung memory problems ko, I cannot grasp any information, any takeaway, as in mental block po.
"And then, may times po na nagkakatalo pa kami [ni Nash], 'O, sige,' sabi ko, 'baka ayaw mo na sa akin or baka pagod ka na.'
"Kasi I know na he did everything po talaga.
"Tapos nalaman ko na nagdasal siya. And then, after three days, sa akin na nanggaling [na makikipaghiwalay na ako].
"Pero alam niyo po yung I tried saying it lang, hindi ko naman inakala na it would happen."
Read: Nash Aguas says childhood crush Mika dela Cruz is worth the wait
Nabigla raw si Mika matapos niyang hamunin ng hiwalayan si Nash ay agad-agad itong pumayag.
"Actually, knowing Nash, he would never break up with me.
"Every time na mayroon kaming pagtatalo, kahit nasa Cavite siya at nasa Malabon ako, magda-drive po siya kahit madaling-araw, kahit nasaan siya, mapuntahan lang ako at mapag-usapan po namin.
"Pero that time, napansin ko na may iba sa kanya. Hindi na niya ako pinilit na 'pag-usapan natin, ayusin natin.'
"Kasi, ayun na nga, nagsisimula na pala yung journey niya kay God," sabi ni Mika.
Read: Mika dela Cruz shares her version of 12-year love story with boyfriend Nash Aguas
Pagbabahagi naman ni Nash, noong mga panahong nagkakagulo na sila ni Mika ay ipinagpasa-Diyos na niya ang kahahantungan ng kanilang relasyon.
Ibinigay raw ni Nash nang buong puso ang tiwala niya sa Diyos na gagawin nito ang alam niyang tama at para sa kanila ni Mika.
Saad ni Nash: "Answered prayer kasi siya for me, yes. Kung hindi ako nag-pray, for sure, aayusin namin agad yon. Pero kasi may ibang guidance, e.
"Kaya noong time na yon, ginive-up ko na, sabi ko, 'Lord, I've been trying to rely on my own wisdom.' E, walang nangyayari, ilang years na.
"So that was the first moment na sabi ko, 'Ikaw na [Lord].' Ayun nga ang nangyari, [nakipag-break si Mika].
"Masakit siya. Obviously, yung desires ng heart ko, against talaga Siya. Pero alam kong will ni Lord, may peace."
It wasn’t just a love story, it was also a story of faith
Nang mahiwalay sina Mika at Nash, dito na raw nagsimulang lumalim ang pananampalataya nila sa Panginoon.
Tingin daw nila, paraan ng Diyos na paghiwalayin sila panandalian para mapagtanto nilang kailangang maniwala at manampalataya muna sila para sa ikatatatag ng kanilang pagmamahalan.
Lahad ni Mika: "That time when we were together, parang naging idol namin ang isa't isa. Our world revolved around each other. Hindi na namin center si Lord.
"It was painful but God had to do that para ma-reset kami
"After a month [na wala na kami ni Nash], I was trying to... let fix things, ganyan-ganyan. And then nag-meet kami, nag-usap kami.
"And then, he was just sharing na sa one month na yon na hindi kami nagkakasama, na-encounter niya si God and everything.
"Kinukuwento niya sa akin. And then, bigla niyang sinabi sa akin na, 'O sige na, mag-iingat ka.'
"So ako, nagulat. Kasi sabi ko, 'Akala ko ba aayusin natin?' Pero he was there pala for closure na hindi ko naman ine-expect.
"I saw na he was different na, iba yung glow niya, iba yung peace niya. He was crying and he was hurt, but at the same time he was really firm to obey God.
"Doon ko naramdaman na sobrang sakit, doon na nag-sink in sa akin na, 'What, this is really happening?'"
Read: Angelika Dela Cruz tearful as Mika Dela Cruz weds Nash Aguas
Napahagulgol pa si Mika nang maalala kung paano siya halos itulak noon ni Nash na ayusin muna ang kanyang sarili bago ayusin ang kanilang relasyon.
Umiiyak na kuwento ni Mika: "Naalala ko po sabi niya sa akin, 'Huwag mo akong intindihin. Huwag mong intindihan yung nararamdaman mong pain, i-seek mo lang si Lord, ayun lang yung intindihin mo, please. Ayusin mo muna yung relationship mo with Him.'
"So ako naman, nung una, honestly, sobrang tampo ko kay Lord talaga, kasi sobrang daming nangyari. Noong time na yon, kay Daddy ko pa lang po, may tampo na ako.
"So, noong nangyari yon, parang doon ako na-shutter na pati siya [Nash], pati siya wala na rin. I felt like I had nothing.
"Pero grabe, God had to do that. When that happened, we went our separate ways, hindi kami nagkita [the whole September up to December].
"Then, may mga times na nagkita kami, he was guiding me na how to read the Bible. Sabi ko sa kanya, 'Nash, anong ginawa mo sa love mo for me, paano mo ginawa? Kasi, parang wala ka nang pakialam sa akin all of a sudden, kasi parang natitiis mo ako? Tapos ako, hirap na hirap maka-move on kasi naka-focus ako sa pain, unlike you na ang bilis mong nakatawid kay God.'
"Sabi niya sa akin, 'Itapon mo yung love... Set aside your love for me, to love Him and to seek Him.'"

Dito na raw unti-unting napagtanto ni Mika ang kahalagahan ng paglapit at pagmamahal niya muna sa Panginoon bago siya magmahal ng iba.
Aniya, "It was hard po. Pero finally I was able to encounter God na rin po. It came to a point na siya [Nash] yung nauna, sumunod na rin ako.
"I was able to let go of the love na rin, na hayaan na muna siya.
"Nangyari na rin sa akin yung nakikita ko sa kanya na he was peaceful, he cares about me, pero I set it aside. Ayun din yung ginawa ko."
MIKA asked God through a prayer if Nash could be the one
Nang pareho na nilang nakamit ang kapayapaan sa kani-kanilang puso, ang Panginoon na raw ang nagtulak sa kanilang muling pagtagpuin para maipagpatuloy ang naudlot nilang pagmamahalan.
Lahad ni Mika, "Noong finally wala na siya sa heart ko, bigla na lang kaming nagkikita out of nowhere."
Pagpapatuloy naman ni Nash, "Pero kami, as for me kasi, the last command is to stay away from her, e. [Yung go back], process siya, e.
"Dahil noong nakita ko yung testimony niya na she's at ease na, ayokong magkabalikan kami kapag nauna na naman yung fleshly desire namin, yung kagustuhan namin.
"At the end, magiging destructive pa rin kami sa isa't isa.
"Kaya kung ano lang yung sinabi ni Lord, susunod lang ako. Kasi masaya ako na nakikita ko siyang masaya."
Dumating din daw sa punto na sa kagustuhang malaman ni Mika kung si Nash na ba ang makakasama niya habambuhay ay tinanong niya ang Diyos sa pamamagitan ng taimtim na pagdarasal.
Rebelasyon ni Mika: "Around December 13, mayroong moment na nag-pray ako. I asked God, 'Lord, litung-lito na ako, is he my husband?' Paulit-ulit kong tinatanong yon.
"Gusto kong malaman kung siya na kasi ayokong sumuway, 'Is he my husband, God? Siya po ba yung pangalan na isinulat Mo katabi ko noong pinanganak Mo kami?'
"Kasi yung buong faith journey ko, mula noong nag-believe ako around September to that point, I never asked for anything. Always kung ano lang ang will ni Lord.
"After I asked, 'Is he my husband?' sabi ko subukan ko kaya magtanong. Sabi ko, 'Lord, baka po pupuwedeng siya [Nash]?'
"I asked talaga. 'In all humbleness, baka pupuwedeng siya. Kasi You know how much I love him. You know how much he loves me. Baka naman po, baka pupuwedeng siya.
"'Pero kung hindi, Lord, kahit sobrang saya ko na nagkikita kami lately without doing anything, okay lang po, please remove him immediately.'
"I didn't think anything of this prayer. Hindi ko naman in-expect na agad-agad po and very clear and very targeted yung sagot Niya."
Ngunit sadyang itinadhana sina Mika at Nash sa isa't isa nang kinabukasan ay makatanggap daw ng sagot ang aktres na pinapaniwalaan niyang ipinadala sa kanya ng Diyos.
Pagbabahagi ni Mika: "Nagising ako, nag-vibrate yung phone ko, may notification.
"It was him [Nash], nag-message siya sa akin. Sabi niya, 'Hello, good morning, I was convicted by the Holy Spirit to tell this to you.' Tapos may verse siyang inilagay sa dulo.
"Eto yung John 14:14 na, 'Yes, ask me for anything in my name and I will do it for you.'
"The first word was 'Yes.' And I asked, 'Is he my husband?' Sinagot directly na 'Yes.'
"I asked, 'Baka pwedeng siya?' Tapos sinabi ni Lord, 'Sige, ask anything in my name and I will do it for you.'
"Then and there po, alam ko na siya ang mapapangasawa ko. He [Nash] didn't know by that time."
Nash's proposal with God's words
January 4, 2024 nang mag-propose si Nash kay Mika kahit hindi pa sila opisyal na nagkabalikan.
Nagdesisyon daw ang actor-politician na hingin na ang kamay ni Mika nang makabasa siya ng isang verse na pinapaniwalaan niyang ipinadala rin sa kanya ng Diyos.
Kuwento ni Nash, "Christmas morning, while I was doing my devotion, yung verse of the day is... parang familiar, yung parang magpu-propose tapos nag-break kasi may nangyari, and all of a sudden the angel came.
"So [sabi ko], 'Lord, si Mika ba to?' And then yung second verse... is kaya kayo magsasama for you to tell everyone about me.
"Ang pinaka-final is Proverbs 5:18, sabi, 'Rejoice in the wife of your youth.'"
Pagtatapat nina Nash at Mika, kaya May 18, 2024 sila ikinasal ay dahil sa paniniwala nila sa Proverbs 5: 18.
Sabi ni Nash, "Kaya po May 18 yung kasal kasi Proverbs 5:18.
"Then January 4 nagpunta ako sa kanya without a ring. I have my Bible with me, yun lang.
"In-explain ko sa kanya everything. 'You know, last year when I was parang may wall, ito yung mga verses na nabasa ko.'
"Up to the point na nung ni-reveal sa akin na, 'Do not be afraid to take Mary as your wife, rejoice in the wife of your youth.'"
Maituturing na very intimate ang kasal nina Nash at Mika na ginanap sa Adriano's Events Place and Prayer Garden sa Tagaytay City na dinaluhan lamang ng kanilang pamilya.

