PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelika dela Cruz denies rumored pregnancy of sister Mika

The pregnancy rumors started when Mika and Nash exchanged I dos on May 18, 2024.
by Khryzztine Joy Baylon
Published May 20, 2024
Angelika Dela Cruz denies pregnancy rumors of sister Mika Dela Cruz
Angelika dela Cruz (right) on pregnancy rumor about sister Mika dela Cruz (left): "My sister is not pregnant po please make sure na totoo bago po kayo mag post Salamat."
PHOTO/S: Mika Dela Cruz/Nice Print Photo Instagram

Mariing pinabulaanan ni Angelika dela Cruz ang kumakalat na haka-hakang buntis ang kapatid niyang si Mika dela Cruz nang magpakasal ito sa longtime boyfriend niyang si Nash Aguas.

Nangyari ang kasalang Mika at Nash sa Adriano's Events Place and Prayer Garden, sa Tagaytay City, noong Sabado, May 18, 2024.

Read: Nash Aguas, Mika dela Cruz tie the knot in Tagaytay

Ikinagulat ito ng mga tagahanga nina Mika at Nash, lalo na't walang pag-anunsiyo ang dalawang dating child stars na magpapakasal na sila.

Angelika Dela Cruz burst into tears as soon as Mika Dela Cruz appeared at the steps of the wedding aisle to marry Nash Aguas in Tagaytay

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil dito, samu't saring espekulasyon ang naglabasan, kabilang na ang buntis umano si Mika kaya sila nagdesisyon ni Nash na magpakasal sa edad na 25.

Read: Nash Aguas very proud of girlfriend Mika dela Cruz as they celebrate their 4th anniversary

ANGELIKA DELA CRUZ SPEAKS UP

Sa Facebook nitong Lunes, May 20, 2024, mariing pinabulaanan ni Angelika ang kumakalat na balitang buntis ang nakababata niyang kapatid na si Mika.

Ito ay matapos mag-post ang isang Facebook page tungkol sa "double blessing" na dumating umano kina Mika at Nash—una ang kanilang pag-iisang dibdib at pangalawa ang pagkakaroon nila ng anak.

Kalakip pa ng post ang litrato nina Mika at Nash kuha sa reception ng kanilang kasal.

Sa picture, kapansin-pansing sinasapo ni Mika ang kanyang tiyan, na maaaring dahilan kaya't napag-isipang siya ay nagdadalantao.

Caption ng nasabing Facebook post (published as is), "And we are having a baby….?? Double blessings para kina Nash Aguas & Mika Dela Cruz! Nakakaexcite ang bagong milestone na ito!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabilis itong ni-repost ni Angelika sa kanyang Facebook page upang pabulaanang buntis si Mika.

Paglilinaw ni Angelika (published as is): "My sister is not pregnant po please make sure na totoo bago po kayo mag post Salamat.

"how I wish totoo…Mika Dela Cruz pls baby girl ah Wala Pa tayo babae sa family."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: FIRST LOOK: Mika Dela Cruz glows in dreamy wedding gown

ANGELIKA APPROVES OF NASH FOR MIKA

October 20, 2018, inamin nina Mika at Nash sa publiko ang kanilang relasyon.

Sa ekslusibong panayam ni Mika sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October 8, 2018, sinabi niyang botong-boto si Angelika kay Nash.

Sa katunayan, si Nash lang daw ang pinayagan ng ate niyang manligaw sa kanya.

"Kilala niya kasi simula bata!" natatawang paliwanag ni Mika.

Read: Mika dela Cruz admits being courted by Nash Aguas | PEP.ph

Kitang-kita naman ito sa reaksiyon ni Angelika nang ikasal na si Mika kay Nash.

Sa sobrang kasiyahan, naging emosyunal pa si Angelika nang makitang naglalakad papuntang altar si Mika.

Read: Angelika Dela Cruz tearful as Mika Dela Cruz weds Nash Aguas

NASH'S CHILDHOOD CRUSH ON MIKA

Mismong si Nash na ang umaming childhood crush niya si Mika bago pa niya ito maging kasintahan.

"Sipag at tiyaga," nakangiting sabi ni Nash kung paano niya napasagot si Mika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Actually, nagulat nga ako na one year lang.

"May tendency siya na puwedeng tagalan niya ng three years or four years. Bully yun, e.

"Wala naman akong paki kasi parang sobrang suwerte ko na nga na nagkita kami ulit."

Read: Nash Aguas says childhood crush Mika dela Cruz is worth the wait

Kung tutuusin daw ay mas matagal ang ipinaghintay ni Nash dahil seven years old pa lang siya ay super crush na niya si Mika.

Todo ang pagpapa-cute niya noon para lang makuha ang pansin ni Mika, na umamin ding may gusto sa batang Nash.

Tandang-tanda pa ni Nash na December 2008 nang magsabihan sila ng “I love you” ni Mika sa kanilang palitan ng text messages.

“Seven ako nun. Christmas yun, e, nung nag-'I love you' ako sa kanya. Nag-'I love you too'! E, di tuwang-tuwa ako.

“Ta’s biglang nung magno-noche buena na, sabi niya, ‘As a friend lang yun, ha? Baka kung anong isipin mo. Hahaha!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sobrang lungkot ng Pasko ko!”

Read: Mika dela Cruz shares her version of 12-year love story with boyfriend Nash Aguas

Gusto na raw “sumuko” ni Nash noon, pero hindi pa rin agad nahinto ang pagkakagusto niya kay Mika.

Kuwento pa ni Nash, “Umaasa pa rin ako.

“Six years ko siyang naging crush.

"Di ba, uso nun kapag may crush ka, may first crush, may second crush, may third crush?

“Wala akong ganun. Siya lang talaga ang crush ko. Legit.”

Read: Mika dela Cruz on sister Angelika's overprotective ways: "Ramdam na ramdam ko."

Sina Nash at Mika ay magkasabay na lumaki sa defunct ABS-CBN kid-oriented gag show na Goin’ Bulilit.

Bukod dito ilang TV shows pa sa ABS-CBN ang pinagsamahan nila gaya ng serye na Dahil May Isang Ikaw (2009), Gun and Roses (2011), at Luv U (2012), at pelikulang Tiyanak (1988).

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelika dela Cruz (right) on pregnancy rumor about sister Mika dela Cruz (left): "My sister is not pregnant po please make sure na totoo bago po kayo mag post Salamat."
PHOTO/S: Mika Dela Cruz/Nice Print Photo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results