PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda retracts apology to "EXpecially For You" searchee

Vice Ganda: "I do not need to apologize for what I did."
by Erwin Santiago
Published Jun 4, 2024
vice ganda axel christine expecially for you
Vice Ganda (center) on "EXpecially For you" issue involving searcher Christine (inset, left) and Axel (inset, right): "Bilang main host po nung segment na yon, it was my duty to call that action out. Dahil kung hindi ko rin ginawa yon, ako rin ang maku-call out, bakit namin hinahayaan. Ginawa po namin yun para protektahan ang aming guest din, na hindi matapakan ang kanyang boundary bilang isang babae nung puntong yon."
PHOTO/S: GMA Network YouTube

Binawi ni Vice Ganda ang kanyang tweet na mag-a-apologize siya sa "EXpecially For You" searchee na si Axel Cruz kaugnay ng insidenteng nangyari sa May 31, 2024 episode ng It's Showtime.

Ayon sa TV host-comedian ng noontime show, "Binabawi ko yung twineet ko na I will say an apology because I do not need to apologize for what I did.

"Ito ang aking paniniwala, at paniniwala din namin na hindi kinakailangang mag-apologize because what we did was right."

Read: Vice Ganda expresses intention to apologize to Axel Cruz

Sinabi ito ni Vice sa live episode ng It's Showtime ngayong Martes, June 4.

vice ganda it's showtime hosts june 4 2023 episode
Vice Ganda (fourth from right) with It's Showtime co-hosts
Photo/s: Kapamilya Channel Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

VICE GANDA, IT'S SHOWTIME HOSTS CALL OUT AXEL

Nag-ugat ang isyu nang i-call out ni Vice si Axel nang besohin nito ang searcher na si Christine matapos siyang hindi piliin bilang ka-date ng dalaga sa "Expecially For You" episode noong May 31

Sabi ni Vice kay Axel: "Oy, hindi pwede yun, that’s bad!

"Don’t do that, you ask for permission. Alam mo bang pwede kang mademanda sa ginagawa mo?

"Don’t do that, hindi ka pwedeng biglang nagnanakaw ng halik."

May isa pang host ang nagsabi ng "Di puwede yun, Axel."

vice ganda it's showtime axel christine
Vice Ganda and It's Showtime co-hosts call out searchee Axel Cruz for what they perceived was a foul move on searcher Christine.
Photo/s: GMA Network YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumalat sa social media ang video clip ng eksenang ito at inulan ng batikos ang mga host ng It's Showtime, partikular na si Vice.

Ayon sa ilang netizens, pinahiya ni Vice si Axel.

Ginawa lamang daw ito ng TV host-comedian dahil sa hitsura ni Alex, at hindi niya ito gagawin sa isang lalaking may hitsura.

Lalo pang nadagdagan ang galit ng netizens nang maglabas ng TikTok video si Christine kung saan ipinagtanggol niya si Axel.

Taliwas daw sa akala ni Vice at ng co-hosts, hindi raw siya ninakawan ng halik ni Axel.

Naglabas din ng Facebook post si Axel kung saan ipinaliwanag niyang wala siyang intensiyong nakawan ng halik si Christine.

Humingi rin siya ng paumanhin kung sa tingin ng iba ay mali ang kanyang naging aksiyon.

Dahil dito, nag-tweet si Vice noong Sabado, June 2, upang ipahayag ang kanyang intensiyong mag-apologize kay Axel dahil sa mali niyang akala.

Tweet niya (published as is): "Sorry na mali ang reaction ko. Ang dating kasi sakin at sa ibang andun eh na-off si girl na sinunggaban sya ng halik and i thought na she felt violated. Since hindi naman pala I will apologize to the guy."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
vice ganda tweet
Photo/s: Vice Ganda Twitter

Read: Oliver Moeller: ‘It’s Showtime’ dating game contestant trends online

VICE GANDA: "WHAT WE DID WAS RIGHT."

Bago matapos ang It's Showtime ngayong Martes, June 4, ay nagsalita si Vice kaugnay ng isyu ng pag-call out nilang mga host kay Axel on national television.

Ayon kay Vice, kinolout nila si Axel base sa mga nakita nilang mga host at karamihan ng mga nasa audience, at base sa naging reaksiyon ni Christine sa ikinilos ni Axel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkaroon daw ng usapin kung tama o mali ang kanilang ginawa o kung na-discriminate si Axel, base sa sinasabi ng ibang netizens, na kinolout ito dahil sa kanyang hitsura.

Sabi ni Vice, "Kasi nga, ulit, ang pag-call out namin ay base sa aming reaksiyon base sa nakita namin. So I said, I will say an apology."

Nag-usap-usap daw ang hosts, unit head, producers, at psychologists ng It's Showtime tungkol sa isyung ito.

Nakausap din daw nilang muli sina Christine at Axel.

At pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay napagtanto raw ni Vice na hindi siya dapat humingi ng paumanhin.

Pahayag niya: "Binabawi ko yung twineet ko na I will say an apology because I do not need to apologize for what I did.

"Ito ang aking paniniwala, at paniniwala din namin na hindi kinakailangang mag-apologize because what we did was right."

Isiniwalat ni Vice na, sa muling pakikipag-usap ng It's Sowtime staff at ng psychologist kay Christine kahapon, June 3, sinabi ng huli na totoong na-off siya sa naging kilos ni Axel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Talagang na-off siya at may naramdaman siyang hindi siya kumportable sa ginawa nung searchee," sabi ng TV host-comedian.

May dahilan daw si Christine kung bakit sinabi nito sa kanyang TikTok video na hindi siya na-off, pero hindi na raw nila ito ibabahagi.

Saad ni Vice: "Nirerespeto namin ang dahilan ni Christine kung bakit sinabi niya yon, na hindi siya na-off when, in reality, na-off talaga siya.

"At since na-off si Christine, naniniwala ako na hindi mali na kinolout namin si Axel dahil karapatan ng isang babae na tumanggi o umalma kung para sa kanya, sa pakiwari niya ay hindi siya kumportable sa ikikilos ng sinuman sa harapan niya.

"Kung hahawakan man siya, hahalikan man siya, aakbayan man siya, tatapikin man siya, karapatan po ng babae na tumanggi at umalma.

"At yun po ang nakita namin noon araw na iyon—may pag-alma si Christine kaya kinolout namin.

"Dahil obligasyon po rin namin, dahil imagine kung may ganung pangyayari na merong boundary na natapakan pero wala kaming ginawa, iko-call out din po kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag niya, "Bilang main host po nung segment na yon, it was my duty to call that action out. Dahil kung hindi ko rin ginawa yon, ako rin ang maku-call out, bakit namin hinahayaan.

"Ginawa po namin yun para protektahan ang aming guest din, na hindi matapakan ang kanyang boundary bilang isang babae nung puntong yon."

Ayon naman kay Karylle, "Yung nakita nung time na yon, talagang nahawi niya [Christine]. Minsan kasi yung katawan natin nagre-react siya automatic, di ba?" sabay muwestra ng paghawi.

Dagdag ni Teddy, "Although hindi kita sa TV, dun sa anggulo. Pero yung anggulo namin dito sa hosts, talagang... Pati yung ibang nanonood, talagang kita rin nung mga nanonood."

Tinanong daw ni Vice ang psychologist ng It's Showtime kung mali ba ang naging reaksiyon nila sa aksiyon ni Axel kay Christine.

Sabi raw ng psychologist: "Hindi natin masasabing mali yung reaksiyon niyo kasi hindi lang naman isa o dalawa ang may parehong reaksiyon niyo ng majority ng nandun sa silid na yon. Reaksiyon yon ng lahat ng hosts at karamihan ng nasa studio at ganun din sa mga nakapanood. So, hindi natin masasabing mali yung reaksiyon niyo kasi nakita niyo mismo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ni Vice, "Kami po, nakita po namin dito."

Read: Vice Ganda, nagpasalamat sa mainit na pagtanggap ng publiko sa It's Showtime sa GMA-7

DO NOT BASH AXEL AND CHRISTINE

Personal din daw nakausap ni Vice si Axel.

Aniya, "Nauunawaan niya po yung nangyari. Kinapupulutan niya ng aral. Yun ang maganda po kay Axel."

Nauunawaan din daw nila kung bakit sinabi ni Christine na hindi siya na-off sa ikinilos ni Axel.

"Si Christine din naman po, nauunawaan namin at, again, may dahilan siya kung bakit nasabi niya yon sa TikTok na okay siya. At ibibigay namin siya.

"Pero ginagawa lang din namin ito kasi karapatan din naman namin ito," ani Vice.

Kasunod nito ay nakiusap si Vice sa netizens at sa mga manonood na tigilan na ang pamba-bash kina Axel at Christine.

"Nakikiusap po kami na nawa po'y ihinto ninyo ang pamba-bash kay Axel at kay Christine.

"Una, si Axel, nakausap ko siya, maganda na nauunawaan niya. Pinuproseso niya ito at tinutulungan po namin siya, ha, pati psychologist namin ay tinutulungan siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Magkikita pa nga kami ni Axel, ipinangako ko sa kanya."

Gusto raw ni Axel na magkita ulit sila ni Vice para humingi ng sorry dahil sa batikos na natanggap ng TV host.

Ito raw ang nilalaman ng naging pag-uusap nila:

Vice: "No, hindi mo kailangang mag-sorry sa akin, hindi ako galit."

Axel: "Kasi po na-bash ka."

Vice: "No, it's okay, Axel, kasi sanay ako diyan. Kaya hindi mo kailangang mag-apologize."

Axel: "Pwede po bang mag-request ng picture, gusto ko lang mag-picture tayo."

Ipinangako raw ni Vice kay Axel na magkikita sila at tatawagan niya ito ulit.

Dagdag pa ni Vice, "Tinutulungan po namin silang maproseso rin ang pangyayaring ito.

"Every after 'EXpecially For You,' every after episode, tinutulungan sila't ginagabayan po sila ng mga professionals."

Sabi naman ni Jhong Hilario, "At walang ibang makakapagsabi kung ano talaga ang totoong nangyari kundi si Christine at si Axel dahil sila yung nakaramdam ng awkwardness nung time na yon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

A WOMAN'S RIGHT

Idiniin ni Vice na karapatan ng isang babaeng umalma kung sa palagay nito ay hindi siya kumportable sa ikinikilos ng kung sinumang kasama niya.

Read: Cianne Dominguez files complaints against suspect who allegedly tried to rape her

Pahayag ni Vice: "Yun ang kahagalagan kung bakit kinakailangang humingi ng konsento or ng consent bago ka bumeso o humalik.

"Nakasanayan na natin, di ba, na bumebeso na lang tayo bigla kasi nasanay na tayo, e.

"So, kung ang babae ay magpapabeso, karapatan niya yon. Kung ang babae ay matutuwa matapos mo siyang yakapin at besohin, karapatan niya yong maramdaman.

"Pero kung hindi siya matutuwa, aalma siya, at hindi siya papayag, karapatan din nung babae yon.

"Kaya para mas malinaw, walang kapahamakan, mas magandang magtanong at humingi ng konsento o kung papayag yung babae sa gagawin natin sa kanya.

"Kasi laging sinasabi, 'no is no.' Kung hindi siya papayag, karapatan niya yon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Muli ring nakiusap si Vice na tigilan na ng netizens ang pamba-bash kina Christine at Axel.

"So, let's stop shaming Christine na sinasabing 'Napakaarte mo, hindi ka naman maganda.' Karapatan po ni Christine iyon.

"At si Axel, bilang tao, karapatan rin po niyang matuto kaya bigyan natin siya ng pagkakataong matuto.

"Let's stop bashing them."

Dagdag niya, "Kung gusto niyo po akong i-bash, okay lang sa akin. Kung sinasabi niyong kasalanan ko 'to, okay lang.

"Pero nakikiusap po kami, kung maaaari, huwag niyo pong i-bash si Axel at si Christine.

"And again, Axel, Christine, nandidito kami, sasamahan namin kayo iproseso at gagabayan namin kayo [hanggang] sa tuluyan natin 'tong malampasan at kapulutan ng aral."

Pagwawakas naman ni Ogie: "I think marami tayong natutunan dito. Let's all learn from this. Let's all live a loving and caring life. God bless po sa lahat."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda (center) on "EXpecially For you" issue involving searcher Christine (inset, left) and Axel (inset, right): "Bilang main host po nung segment na yon, it was my duty to call that action out. Dahil kung hindi ko rin ginawa yon, ako rin ang maku-call out, bakit namin hinahayaan. Ginawa po namin yun para protektahan ang aming guest din, na hindi matapakan ang kanyang boundary bilang isang babae nung puntong yon."
PHOTO/S: GMA Network YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results