#PEPCoverage
Kaagad na nag-trending si "Oliver" na siyang napiling contestant ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee sa dating segment ng It’s Showtime ngayong Sabado, April 6, 2023.
Ang “EXpecially For You” ng It’s Showtime, ay isang blind dating game kung saan kikilatisin ng isang searcher ang tatlong contestants at pipili ng isang makaka-date, at hopefully ay mauwi sa something special.
Sumalang bilang searcher si Michelle sa special episode ng “EXpecially For You” ng noontime show nitong Sabado.
Read: Kapamilya and Kapuso with similarities pair up in It’s Showtime segment
Sa simula pa lamang, lutang agad ang physical appearance ni Oliver na tall, dark, and handsome, at ipinakilala ang sarili bilang 32-year-old lawyer mula sa Lapu-Lapu City, Cebu.
Nakuha agad ni Oliver ang pabor ng ina ni Michelle na si Melanie Marquez.
Maging ang host na si Vice Ganda ay hindi naitago ang pagka-impress kay Oliver sa mahusay na pagsagot niya sa mga tanong.

Kaya naman sa huli, si Oliver ang napili ni Michelle.
At mukhang hindi lang si Michelle ang naging pabor kay Oliver.
Read: Max Collins plans to divorce Pancho Magno: “I don’t believe in marriage”

Trending ang “Oliver” sa X (formerly Twitter), at maging ang “Piolo.”
Marami kasi ang nakapansin na may pagkakahawig si Oliver kay Piolo Pascual.

Alam din ito ni Oliver dahil meron siyang isang Instagram post na transformation ng kanyang photo sa photo ni Piolo.
Kaya naman naging popular search sa social media si Oliver o Julius Oliver Moeller sa totoong buhay.
OLIVER THE SPORTY LAWYER
Pilipina ang ina ni Oliver, at German naman ang kanyang ama.
Sinabi ni Oliver na nag-start siyang mag-practice ng law noong 2017, kung kailan din siya pumasa sa bar exam.
Base sa kanyang posts, si Oliver ay nagtatrabaho sa isang law firm sa Cebu. Abogado siya na ang specialization ay corporate law at labor law.
Natapos naman niya ang kanyang Master of International Law sa University of Queensland sa Australia noong 2019.

Oliver with his parents after he graduated for his Master's degree in International Law.
Isa rin siyang gym buff at mahilig sa sports tulad ng swimming, running, basketball, at body building.
Bagamat marami siyang ginagawa, sinabi ni oliver na malaking bahagi ang fitness sa kanyang buhay.


Read: Dutch woman, 28, opts for euthanasia to end mental suffering
Aniya sa isang recent post: “I’ve always loved physical challenges and thus naturally gravitated towards sport and the gym growing up.
“While there were times that different aspects of life (studies, work, relationships, travel, etc.) were in conflict with training, I always made sure I made time.
“Now a 32 year old lawyer, I’ve built the habit of making sure I always worked on improving some aspect of my physical fitness, whether it be learning a new skill, body recomposition or competing.
“As an amazing coach once told me, consistency is king.”

