May bagong paramdam ang movie producer na si Iris Lee sa netizens tungkol sa relasyon nila ng nobyo at aktor na si Xian Lim.
Sa kanyang Instagram Story nitong Martes, June 4, 2024, nagbahagi siya ng video ng steak na nasa plato.
Sabi ni Iris sa caption, "Quick dinner to welcome a new year for me (tongue, white heart emoji]"

Sa sumunod na IG Story, makikitang kinantahan siya ni Xian ng "Happy Birthday" song.

Ipinagdiwang ni Iris ang kanyang ika-33 kaarawan noong June 1.

Kapansin-pansing magkapareho ang design ng plato ng steak at plato ng cake nina Iris at Xian, kaya mahihinuhang magkasama sila.
Ito ay kahit hindi nagpakita si Iris sa IG Stories niya.
Read: Meet Viva producer Iris Lee, girlfriend of Xian Lim
XIAN LIM AND THE ISSUE BEHIND STEAK
May kaugnayan ang isyu kay Xian at ex-girlfriend na si Kim Chiu sa masarap at mamahaling pagkain na steak.
Diumano, steak ang huling dinner na pinagsamahan nina Kim at Xian bago nakipaghiwalay ang aktor sa aktres.
Ayon sa kuwento ni Ogie Diaz, nagpaluto si Xian kay Kim ng steak ilang oras bago ang kanilang hiwalayan.
Excited pa raw si Kim na ipagluto ang dating boyfriend ng steak.
Pero pagkakain daw ni Xian, nakipaghiwalay na ito kay Kim.
Read: Kim Chiu and Xian Lim: A Relationship Timeline
Ngunit sa panayam ni Marinel Cruz ng Philippine Daily Inquirer na lumabas noong May 19, 2024, mariing pinabulaanan ni Xian na may ganung eksena.
Saad ni Xian, "There’s no truth to it. It’s absurd. I don’t see where it’s coming from.
"Is it because people are using us for entertainment? I cannot orchestrate that."
Diin pa niya, "I wasn’t the one who initiated the breakup.
"All these fake news, all these dagdag-bawas, are just too much already."
Read: Xian Lim on steak issue, calling Kim Chiu after breakup
