PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eric Quizon prefers directing to acting?

Eric Quizon admits he was a reluctant actor.
by Jerry Olea
Published Jun 10, 2024
eric quizon on directing
Eric Quizon on being a reluctant actor when he started showbiz in the late '80s: "Nung nag-umpisa ako, wala naman talaga akong planong mag-artista. Gusto kong magdoktor. In-offer-an lang ako ng tatay ko ng kotse. Ha! Ha! Ha! Ha! Kaya umoo ako."
PHOTO/S: Jerry Olea

Introducing si Eric Quizon sa pelikulang Bata-Batuta noong 1987. Pinagbidahan iyon ng kanyang ama, ang Comedy King na si Dolphy.

Noong taong iyon ay tampok si Eric sa dalawa pang pelikula ng ama—My Bugoy Goes to Congress at Mga Anak ni Facifica Falayfay.

Read: Eric Quizon remembers dad Dolphy's huling habilin: "Ayoko ng away-away."

bata-batuta poster
Bata-Batuta poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang sumunod na taon ay rumatsada na si Eric sa mga pelikula ng Regal Films. Pero sa ngayon ay tila mas nae-enjoy niya ang pagtatrabaho behind the camera.

Nagdidirek siya, at pinamumunuan ang talent center ng NET25 na Starkada. Mas nae-enjoy na niya iyon?

Read: Eric Quizon, kinuhang head para sa talent management arm ng NET25

“I think kasi, in my case kasi, nakikita ko na parang nagkakaroon na ng changing of the guards, e,” sambit ni Eric noong Hunyo 4, 2024, Martes sa tanggapan ng Brighlight Productions sa Samar Avenue, Quezon City.

“Kasi siyempre, nag-umpisa akong mag-artista, 19 lang ako. Siyempre, it came to a point na wala na, hindi ka na matinee idol.

“Tapos maaga din akong napasok sa mga drama-drama. Ang bata-bata ko nga, ang ka-partner ko, sina Ate Vi [Vilma Santos], di ba?

“So, kumbaga, parang nung time kasi nung 80s and 90s, yung pag-aartista namin was more freewheeling, e.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Yung tipo bang parang naka-partner ko si Snooky, kami ni Marya [Maricel Soriano], kami ni Ate Vi. Kumbaga, maraming nakaka-partner. Hindi lang isang tao.

“Saka yung age, iba-iba. Naka-partner ko si Rio Locsin, naka-partner ko si Lorna Tolentino.

“Kumbaga, parang lahat kami, napi-pair sa isa’t isa. Hindi kami talaga natali dun sa loveteam-loveteam lang.

“So, ganun ang nangyari sa amin. Na parang hindi kami napako or natali sa iisang artista lang.”

hahamakin lahat poster
Hahamakin Lahat
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ERIC QUIZON: THE RELUCTANT ACTOR

Naramdaman ba niya iyong panahon na nalaos siya?

Mabilis na tugon ni Eric, “Oh, yes.”

Paano niya tinanggap iyon?

“Ang sa akin, that’s the reason kung bakit ako… kasi, nung nag-umpisa ako, 1987. 1991 pa lang, nag-umpisa na akong mag-produce,” paliwanag ni Eric.

“Tapos nung 1993, nag-aral ako. Pumunta ako sa New York, nag-aral ako ng Filmmaking.

“Pagkatapos nun, siyempre hindi ko pa masyadong ano, gusto kong subukan ang directing.

“Kasi to begin with naman, nung nag-umpisa ako, wala naman talaga akong planong mag-artista. Gusto kong magdoktor.

“In-offer-an lang ako ng tatay ko ng kotse. Ha! Ha! Ha! Ha! Kaya umoo ako.

“And then, of course, natutunan kong mahalin yung trabaho ko. Kaya nagwo-workshop ako para gumaling ako, and na-prove ko naman yun.

“Kasi, nanalo naman ako kahit papaano ng mga awards. Kumbaga, na-appreciate ng mga tao at ng mga critics yung mga trabaho ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Na ikinatuwa ko, but all the time, I was still very reluctant. That’s why I wanted to do directing. So, yung directing, andidiyan lang siya.

“Pero nung time na napapansin ko na parang kumbaga nagkakaroon ng changing of the guards, eto na yung mga bagong artista, pumapasok na.

“Kaya ang sinabi ko sa sarili ko noon, parang gusto ko ring magdirek. And then, nung nag-umpisa akong magdirek, nainlab ako sa pagdidirek.

“Biglang parang ito ang gusto kong gawin. Parang ganun. Pero siguro, siguro ano lang talaga, pagka artista ka, once an actor will always be an actor.

“So minsan, hinahanap ko yung mag-aartista ako. Pero yung pagdidirek, yun talaga yung parang nagustuhan ko.

“Una sa lahat, hindi ko kailangang magpapogi. Hindi ko kailangang magmemorya. Of course, inaaral mo kung ano yung gusto mong mangyari, kung ano ang gusto mong gawin.

“And both are gratifying. Being an actor, kasi siyempre pag maganda ang performance mo, ‘Uy! Ang ganda ng nagawa ko.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ganun din sa pagdidirek, parang gumagawa ka ng masterpiece. Parang ganun.

“Kaya pag nabuo mo yung isang produkto, isang pelikula o isang television show, at maganda yung produkto, parang nakakaano din. Parang, ‘Wow! Nagawa ko ito!’ Parang ganun.”

Read: Eric Quizon talks about solid friendship with Nanette Medved

eric quizon one great love t-shirt
Eric Quizon
Photo/s: Noel Orsal
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ERIC QUIZON ON WORKING WITH GREAT DIRECTORS

Noong kasikatan ni Eric ay nakatrabaho niya ang mahuhusay na direktor at artista.

“Yes! Nakatrabaho ko silang lahat—Lino Brocka, Ishmael Bernal, Peque Gallaga, Joel Lamangan, Maryo J. de los Reyes, Carlitos Siguion-Reyna—lahat nakatrabaho ko!” bulalas ni Eric.

“We were blessed. Kasi nung time naman ng 80s and 90s, hindi ganun kadami yung artista, di ba?

“Kumbaga, may lineup, andidiyan kami. Nung time namin, talagang pini-pair-pair talaga kami.”

Ibang-iba na ngayon ang landscape o scenario ng local showbiz, partikular ang movie industry na kapos sa sigla. Rumaratsada ang streaming, at online contents.

Pag-ayon ni Eric, “Iba. So, parang pagka artista ka, parang hindi na rin masyadong nagiging uso yung superstar.

“Wala na. Wala na, kasi nakikita mo, ang mga nanalong best actor, mga theater actors, di ba?

“So, yung concept ng superstar, siyempre hindi mawawala yan. Sa Pilipino, hindi mawawala ang fan mentality. Hindi mawawala yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero ngayon, ang scenario nga, because of so many platforms available… minsan hindi mo na kailangan ng superstar para maano ang isang pelikula.

“Puwedeng gampanan siya ng kahit na sino.”

Read: Eric Quizon reacts to Snooky Serna calling him her "savior"

Noong late 80s at 90s ay hindi pa uso ang cellphone at internet. Wala pang social media platforms na gaya ng Facebook, YouTube, Twitter na naging X, Instagram, TikTok, Reddit, Messenger, Telegram, Quora, Pinterest, at Snapchat.

Nakasakay ba siya sa pagbabago?

“Oo naman. Oo naman, wala tayong choice. Kailangan mo talagang sundan kung ano yung daloy or yung takbo ng panahon,” pagmamatwid ni Eric.

“Kung yan ang uso, at kung yan ang kailangan, then kailangan matuto ka. Ako, masasabi ko na old school pa rin ako pero with the digital age, kailangan matuto ka.

“Of course hindi pa rin ako magaling mag-ano ng mga social media, yung mga ganyan. Hindi pa rin ako masyadong magaling magganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kamukha ng mga editing na digital, wala, hanggang shoot lang ako talaga.

“Pero since yan ang uso, digital na tayo ngayon, you have to be abreast of the changing times.”

Read: Quizon brothers, aminadong di kayang pantayan ang komedya ng yumaong amang si Dolphy

DID ERIC QUIZON EXPERIENCE BEING DISRESPECTED?

Sa tinagal-tagal niya sa local showbiz, may pagkakataon bang pakiramdam niya ay na-disrespect siya?

“Meron naman…”

Pero malaking bagay na anak siya ni Dolphy, kaya hindi siya puwedeng basta balewalain.

“Well, suwerte ako, anak ako ni Dolphy. Talagang kumbaga, parang everything was laid out to me in a silver platter,” lahad ni Eric.

“Pero siyempre, may mga tao pa rin na maliit ang tingin nila sa mga artista. Na ang tingin nila, parang, ‘Artista lang kayo.’ Parang ganun. ‘Wala kayong masyadong alam.’ Parang ganun.

“So I remember na being interviewed before. Tinanong ako before, there was a group of writers. It was an exclusive interview for a newspaper. Isa sa mga top newspapers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tinanong nila ako, ‘So, Eric, Atenista ka. Sa pagsali mo sa showbiz, hindi ba nakakabobo?’

“Sabi ko talaga, ‘Alam mo, when you’re bobo, you’re bobo. Hindi porke’t naging artista ka, e, magiging bobo ka na.’

“Pag bobo ka, bobo ka talaga. Wala kang magagawa dun.

“Puwede kang matuto, yes. Puwede mong alamin plus acknowledge the fact na medyo limited ka, mag-aaral ka. Alamin mo kung ano yung dapat mong gawin.

“Pero kung sasabihin nyo sa akin na magiging bobo ako dahil naging artista ako, that’s not true.

“So, yun ang sinasabi ko. Parang ang pag-aartista ngayon, yes, nili-limit ka. Pero nasa sa yo yun, e, kung ili-limit mo ang sarili mo.”

Si Eric ang magdidirek ng 7th The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) na nakatakda sa Hulyo 7, Linggo ng 7:00 p.m., sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Pasay City.

Ang delayed telecast ay sa Hulyo 14, Linggo ng gabi, sa ALLTV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eric Quizon on being a reluctant actor when he started showbiz in the late '80s: "Nung nag-umpisa ako, wala naman talaga akong planong mag-artista. Gusto kong magdoktor. In-offer-an lang ako ng tatay ko ng kotse. Ha! Ha! Ha! Ha! Kaya umoo ako."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results