PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Producer Lara Morena promotes film with watch-and-win scheme

"Hindi ako maaalarma na magiging first and last day lang yung movie namin."
by Rommel Gonzales
Published Jun 23, 2024

lara morena as producer of sagrada luna
Lara Morena's first movie as a movie producer is Sagrada Luna, which will be out in cinemas starting July 24, 2024.
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Isa na ring producer si Lara Morena dahil kasosyo siya, sa pamamagitan ng company niyang Aphrodite Productions, sa pelikulang Sagrada Luna sa direksiyon ni Jose "JR" Olinares.

Kaya tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lara, naaalarma ba siya na tila nalulugi na muli ang mga pelikulang lokal na ipinapalabas sa mga sinehan dahil sa kawalan ng mga nanonood?

Gulat na tugon ni Lara, “Ay, talaga? Hindi ako aware, ha.”

Paliwanag niya, “Pero for me siguro, yung sa amin naman hindi naman ako maaalarma kasi iyon nga, meron kaming promotion na ginawa, yung scheme talaga na ginawa like this one, watch and win."

Ang tinutukoy na promo ni Lara ay ang paglalaan ng proceeds o kikitain ng pelikula para sa F1KD Program na naglalayong tumulong sa mga kabataan at estudyanteng nangangailangan ng pinansiyal na tulong at suporta. Nasa poster ang kumpletong mechanics ng raffle.

Sabi pa niya, “So hindi ako maaalarma na magiging first and last day lang yung movie namin kasi partnership kami with F1KD program.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Lara Morena on comeback of talk shows
Photo/s: Rommel Gonzales

PATRONAGE OF LOCAL MOVIES, HIT AND MISS

Pero bilang artista, ano ang saloobin ni Lara tungkol sa kawalan ng interes at kakayahan ng publiko na manood ng mga pelikula sa sinehan?

Lahad niya, “Bilang artista medyo nakakalungkot, siyempre, kasi siguro hindi pa talaga ganun ka-ano yung mga tao para panoorin yung mga pelikulang Pilipino.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“But para sa akin siguro kung, nasa pelikula rin iyon kasi, e. Like ako, alam ko naman kung maganda o hindi, biased ako, e.

“Kumbaga kung ano yung, like, eto, yung mga pamangkin ko, kapag pinapanood ko sila ‘Anong ginagawa mo dito?’

“Ako mismo ang nagsasabi sa kanila na hindi maganda yung akting nila. ‘Anong ginagawa mo diyan?’

“Pinapagalitan ko sila, ganun.”

Pamangkin ni Lara ang mga Vivamax female stars na si Angela Morena, Micaella Raz at Stephanie Raz na kasali rin sa Sagrada Luna.

Read: Tatlong pamangkin ni Lara Morena, sinundan ang kanyang yapak sa pagpapa-sexy sa pelikula

Pagpapatuloy pa ni Lara, “Yung ngayon kasi, parang mas gusto ng Pinoy is mga Hollywood ano, aminin naman natin.

“Ako, hindi naman ako talaga nanonood ng news o ano wala naman ako na national TV na pinapanood sa atin. More on Netflix, HBO, Disney, di ba, or Amazon Prime.

“Pinoy talaga siguro, hindi pa ganun na ka-ready. Pero kung may movie talaga na mag-hit lang talaga, you’ll never know, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Like lagi kong sinasabi one time big time lang talaga kapag nagustuhan talaga ng manonood yung pelikula kakalat iyan e, magba-viral yan, e.

“Sasabihin nila, ‘Uy panoorin natin, maganda raw’, ganito, ganyan.

“So I guess nasa ano rin yan ng ano, kung paano i-market yung movie."

LARA MORENO's PLEA FOR MORE SHOWBIZ TALK SHOWS

Isa sa himutok ni Lara ay ang kawalan ng showbiz-oriented talk shows tulad ng Startalk at The Buzz na uso at sikat noong araw.

Dati raw ay lumalagari pa sila sa pag-guest sa iba-ibang talk show para lamang mag-promote ng pelikula.

Aniya, "Wala na, hindi kagaya nung panahon namin, like andami naming mga TV guestings.

"Wala na ngayon, e. Wala ng talk show, hindi na napo-promote nang mabuti yung pelikula. Wala na.

“Wala na ng tulad ng S-Files. Di ba alam mo naman ang showbiz, gusto nila konting ano lang, konting isyu kakagatin na ng masa iyan, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala na tayong ganun. Siguro kung mabalik lang natin yung mga ganung TV program, makakatulong, makakatulong iyan sa industriya natin.

“Na mahikayat pa yung mga you know, yung mga Philippine viewers na panoorin nila yung mga pelikulang Pilipino.

“Kung mabalik lang iyon it will help big time talaga na bumalik ang pelikulang Pilipino, totoo iyan.”

Ang partner ni Lara na si Paolo ay naging host ng defunct GMA-7showbiz talk show na S-Files.

NOT ALL HAVE INTERNET CONNECTION

Pero nawala man ang mga talk shows sa TV, pumalit naman ang ang iba-ibang social media platforms na siyang pinagpo-promote-an ng mga proyekto.

Pero ayon kay Lara, “Iba pa rin … okay, yung mga nasa probinsiya, hindi naman lahat may social media, meron silang mga local channel na they can ano, di ba?

“Kahit yung mga ano lang, trailer ng pelikula we don’t have that like before. Wala na, wala na talaga.”

Dati kasi ay inaabangan talaga ng publiko ang weekend para tumutok sa mga showbiz talk shows.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Oo yung mga pasabog na balita.”

At ise-segue sa promo ng mga upcoming movies.

“Oo, alam naman natin iyon.”

May mga lugar na walang internet, pero may local TV channels.

“Oo, sana mabalik,” pagsang-ayon ni Lara.

Samantala, bukod kay Lara ay starring din sa Sagrado Luna sina Rash Flores, Alexa Ocampo, Simon Ibarra, Leandro Baldemor, at Jeffrey Santos.

Nasa pelikula rin sina Ada Hermosa, Audrey Avilla, Chester Grecia, at Amabella De Leon.

Mula sa Pinoyflix, magbubukas ito sa mga sinehan sa July 24.

Ang promo naman na binanggit ni Lara tungkol sa pelikula at para sa F1KD Program ay simple: bumili lamang ng ticket para sa red premiere night ng Sagrado Luna (sa July 18, 4 P.M., sa SM Megamall Cinema 8) at may pagkakataon nang manalo ng mga malalaking premyo.

Nakapanayam ng PEP.ph si Lara sa mediacon at pirmahan ng Memorandum Of Agreement o MOA sa pagitan ng Pinoyflix Entertainment Production at TFOE-PE Inc. kung saan dumalo ang National President Eagle Kuya Ronald delos Santos, Secretary General Eagle Kuya Allan Corpuz, Board of Trustee/Peil Director Eagle JM Llames, at Board of Trustee Kuya Yuri.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula naman sa Pinoyflix Entertainment Production ay dumalo ang direktor ng pelikula na si Jose Olinares at production manager na si Sam Faj. Calaca.

Ginanap ang pirmahan at mediacon nitong June 5 sa Eagles National Office sa Panay Avenue, Quezon City.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lara Morena's first movie as a movie producer is Sagrada Luna, which will be out in cinemas starting July 24, 2024.
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results