PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bea Alonzo denies initiating breakup with Dominic Roque

Bea Alonzo: "Hindi ako ang nakipag-break."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jun 13, 2024
Bea Alonzo denies initiating breakup with Dominic Roque
Bea Alonzo (right) on breakup with Dominic Roque (left): "Hindi ako ang nakipag-break... Pero huwag na natin pag-usapan yon. Let's leave it in the past, and it's amicable. Okay naman kami."
PHOTO/S: Screengrab @GMA Network

Ang aktor na si Dominic Roque ang nakipag-break sa ex-fiancée niyang si Bea Alonzo.

Taliwas ito sa kumalat na impormasyong si Bea ang nagdesisyong hindi na ituloy ang nakaplano nilang kasal ni Dominic ngayong taon.

Ito ang inamin ni Bea sa panayam ni Nelson Canlas na umere sa 24 Oras ngayong Huwebes ng gabi, June 13, 2024.

Read: Dominic Roque now "okay" after breakup with Bea Alonzo

Naungkat ang tungkol dito nang mapag-usapan ang dagok na pinagdaanan ni Bea nang maghiwalay sila ni Dominic, at kung paano niya hinarap ang samu't saring akusasyon sa dahilan ng breakup.

Isa raw sa nais tuldukan ni Bea ay ang kumalat na tsismis na siya ang tumapos sa higit apat na taon nilang relasyon ni Dominic.

Saad ni Bea: "Doon ako siguro mas naapektuhan, kasi maraming nag-i-spread ng false narratives about my life.

"And when you're going through something really difficult in your life, and you have other people narrating it for you in a different way, very different from the way you see it, and very different from the truth, sobrang sakit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi, yes, it affects you because it's one thing to go through something silently, like a very, very huge heartbreak.

"But it's another thing to be going through it in front of the public na iba yung narrative."

Read: Bea Alonzo flexes new look after breakup with Dominic Roque

Sundot ni Nelson, "And people forget na ikaw yung nakipag-break. Ikaw yung unang naapektuhan, e."

Sa puntong ito nilinaw ni Bea na hindi siya ang tumapos sa relasyon.

Pagkontra ng aktres, "Actually, that's false.

"That's false. Hindi.

"Hindi ako ang nakipag-break."

Mahihinuhang pati si Nelson ay nagulat sa rebelasyon ni Bea kaya muli niya itong tinanong: "So, hindi ikaw ang nakipag-break?

Sagot ni Bea: "Oo. Pero huwag na natin pag-usapan yon."

Ninais ni Bea na huwag nang ungkatin ang paghihiwalay nila ni Dominic bilang respeto na rin daw sa kanilang pinagsamahan.

Sabi niya, "Let's leave it in the past, and it's amicable. Okay naman kami.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"I think it would be disrespectful to the relationship and to the other person to talk about it.

"It's a very sensitive topic, and gusto kong bigyan ng respeto at gusto kong iwan sa magandang paraan what we had."

Bea Alonzo denies initiating breakup with Dominic Roque
Photo/s: Screengrab @GMA Network bea alonzo

BEA-DOMINIC BREAKUP

Apat na buwan na ang nakalilipas mula nang isapubliko nina Bea at Dominic na hiwalay na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

February 11, 2024, nag-post ang dalawa sa social media para kumpirmahin ang kanilang desisyong tapusin na ang kanilang relasyon halos pitong buwan matapos mag-propose ni Dominic kay Bea.

Read: Bea Alonzo, Dominic Roque mutually end their engagement

Naganap ang engagement ng dalawa sa Las Casas Filipinas de Azucar sa Quezon City, noong July 18, 2023.

Read: Dominic Roque to Bea Alonzo: “I want to spend my whole life with you, forever.”

Sa pamamagitan ng Instagram at Facebook, ibinahagi ni Bea ang mutual decision nila ni Dominic na maghiwalay.

Sabi sa kanilang joint statement: "After much thought, consideration, and care, we have mutually decided to amicably end our engagement.

"It was not an easy decision.

"We wanted to have more time to carefully deliberate and pray about it, but there have been many speculations, questions, and insults.

"Unfortunately, some even confirmed our breakup without our consent, and some created ridiculous stories that had no basis and were utterly false, so we felt the need to share this announcement with great sadness, for our peace of mind and our families."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Dominic Roque invites Kathryn Bernardo to his wedding to Bea Alonzo; admits falling out with Daniel Padilla

WHAT PEP KNOWS ABOUT BEA-DOMINIC BREAKUP

Sa hiwalay na pagsaliksik ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), napag-alamang may iba't ibang dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

Tatlong sources ang nagdetalye sa PEP kung ano ang nangyari sa pagmamahalan nina Bea at Dominic.

May First at Second Sources ang PEP na nagkumpirmang tinuldukan na nina Bea at Dominic ang higit na apat na taon nilang relasyon.

Nakalap ng PEP ang mga impormasyon sa pagitan ng February 1 - February 5, 2024.

May Third Source na nakausap ng PEP na alam ang tungkol sa breakup, pero nagsabing hindi sarado ang pagbabalikan ng couple kung maayos ang kanilang problema.

Naniniwala ang Third Source na mabuting direktang marinig kina Bea at Dominic ang anumang kumpirmasyon ng breakup dahil ang mga ito raw ang tanging nakakaalam ng kanilang buhay pag-ibig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bea Alonzo and Dominic Roque: A Relationship Timeline

Sa pagsisiyasat ng PEP, lumalabas na panay sensitibo ang mga hinihinalang isyung nakapalibot sa biglaang pananamlay ng pag-iibigan ng dalawang kilalang showbiz personalities.

Tinatayang nagsimulang magkaproblema ang couple pagbalik galing sa kanilang holiday vacation sa Japan, na nangyari noong December 26, 2023 hanggang first week ng January 2024.

Read: Why did Bea Alonzo and Dominic Roque call off their engagement?

Kabilang sa mga nausisa ng PEP sa Tatlong Sources ang tungkol sa prenup agreement. Ito ang kumalat noong dahilan umano ng hiwalayan ng dalawa.

Dito napag-alaman ng PEP na totoong pinag-usapan nina Bea at Dominic ang pagkakaroon ng prenup agreement.

Ayon sa First Source, ang prenup agreement ang simula ng di nila pagkakaunawaan, hanggang magdesisyon silang maghiwalay sa huli.

Kinontra ito ng Second Source ng PEP.

Ayon sa Second Source, si Dominic ay "willing to sign" ng prenup agreement.

Ibig sabihin, naiintindihan ni Dominic ang karapatan ni Bea na protektahan ang properties at assets na na-accumulate niya habang dalaga pa siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tila hudyat din ito ng pagpapatunay ni Dominic ng kanyang malinis na intensiyon sa pagpapakasal kay Bea.

Read: Bea Alonzo says being bigger star than boyfriend Dominic Roque nonissue to them both

May Third Source ang PEP na nagpapatunay na hindi naging isyu sa dalawa ang prenup.

Ni-reveal nito na bago pa magbakasyon ang dalawa sa Japan ay naayos na umano ang prenup agreement.

Hindi naman idinetalye ng Third Source kung ang ibig sabihin ng "naayos na ang prenup agreement " ay natapos na nilang lagdaan ito o natapos lamang nilang pag-usapan ito.

Isa pang lumutang na anggulo noong bagong hiwalay sina Bea at Dominc ay ang tungkol sa gastos sa kanilang kasal.

Sabi ng First Source ng PEP, hindi nagkasundo sina Bea at Dominic sa logistics ng wedding.

Hindi malinaw kung si Bea mismo, o isang taong malapit kay Bea, ang may isyu sa hatian nina Bea at Dominic sa gastusin ng kanilang destination wedding.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nalaman ng PEP mula sa Second Source na sa Italy sa Europa ang dapat sana'y wedding venue.

Pero tikom ang bibig ng Second Source kung may naging pagtatalo kina Bea at Dominic sa wedding expenses.

Maging ang Third Source ay walang kumpirmasyon sa isyu ng wedding expenses.

Ang sabi lang ng Third Source ay hindi ito kumbinsidong isyu ng pera ang mitsa ng hiwalayan.

Kung titingnan daw kasi ang dating history ng aktres, hindi naging kunsiderasyon sa aktres kailanman ang social status sa pagpili ng nobyo.

Isa pang lumutang na dahilan ng hiwalayan ay may kinalaman sa mga taong nakapaligid kay Bea.

Sabi ng First Source, tutol kay Dominic ang ina ni Bea na si Mary Ann Ranollo.

Tugma ito sa impormasyong ipinarating ng Second Source sa PEP.

Ngunit kinontra ito ng Third Source.

Taliwas daw kasi ito sa nakita niyang closeness ni Dominic sa pamilya ni Bea.

Sa pagsusuri ng PEP sa dating history nina Bea at Dominic, makikitang malapit nga ang pamilya nila sa isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagay na kinumpirma ni Bea sa eksklusibo niyang panayam sa PEP noong August 2021. Dito ay sinabi niyang boto ang kanyang ina kay Dominic.

Read: Bea Alonzo-Dominic Roque love story: From friends to lovers

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo (right) on breakup with Dominic Roque (left): "Hindi ako ang nakipag-break... Pero huwag na natin pag-usapan yon. Let's leave it in the past, and it's amicable. Okay naman kami."
PHOTO/S: Screengrab @GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results