Moving on na si Dominic Roque halos tatlong buwan mula nang maghiwalay sila ng ex-fiancée na si Bea Alonzo.
Sa panayam ni Dominic sa Saksi nitong Lunes, May 21, 2024, kinumusta siya matapos ang kontrobersiyal na breakup nila ni Bea.
Matipid niyang sagot, "I'm okay. Yeah, I'm happy, actually. Everything is okay."
Imbes na malugmok, itinutuon daw ni Dominic ang kanyang atensiyon sa pag-aasikaso sa negosyo niya at paggawa ng content sa kanyang social media account.
Aniya, "Yung mga ginagawa ko, the usual, work and travel also.
"I've been doing contents for myself, for my social media, and I've been going around for the Philippine group na motorcyle."
DOMINIC'S PHONE LOCK SCREEN
Nausisa rin si Dominic tungkol sa lock screen ng cellphone niya.
Kamakailan ay naispatan ang litrato ni Bea, kasama ang alaga nitong aso, sa lock screen ng cellphone ni Dominic.
April 11, 2024, kumalat sa social media ang kuhang video ng isang netizen habang nagpapa-picture kay Dominic sa isang event.
Hawak noon ng aktor ang kanyang cellphone. Nang itaas niya ang kamay para mag-peace sign nang bumukas ang kanyang cellphone at nahagip ang lock screen nito.
Sa lock screen, makikita si Bea, na nakasuot ng puti at nakahiga habang katabi ang alaga nitong kulay puti ring maltese dog.

Read: Spotted: Bea Alonzo in Dominic Roque's phone lock screen
Ngayon, si Bea pa rin ba ang lock screen ng cellphone niya?
Natatawang sagot ni Dominic, "Wala, iba na."
DOMINIC-BEA BREAKUP
Ngayong taon sana nakatakdang ganapin ang kasal nina Bea at Dominic, pero naudlot ito dahil sa nakakagulat nilang desisyong tapusin ang kanilang relasyon sa hindi pa malamang dahilan.
Sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7 noong February 6, unang kinumpirma ng host na si Boy Abunda ang balitang hiwalay na ang dalawa.
Nagdesisyon ang dalawang tapusin ang relasyon halos pitong buwan matapos mag-propose si Dominic kay Bea.
Naganap ang engagement ng dalawa sa Las Casas Filipinas de Azucar sa Quezon City, noong July 18, 2023.
Read: Dominic Roque to Bea Alonzo: “I want to spend my whole life with you, forever.”

Ayon kay Boy, base sa kanyang sources ay nag-usap muli sina Bea at Dominic. Ngunit wala raw umanong katiyakan kung magkakaayos pa sila.
Saad niya, “As a matter of fact, from good sources, kagabi or noong isang gabi lamang ay nag-usap ulit si Bea at saka si Dominic.
"They’re trying to understand each other but they’re going through a rough patch.
"Magkakabalikan ba ito o magtatagumpay ba sa panunuyo si Dominic? We don’t know.
"Wala hong makakasagot ng katanungan na ito but, of course, my prayer is that may God grant them what is best for them."
Read: CONFIRMED: Bea Alonzo and Dominic Roque break up; call off engagement
February 11, sina Bea at Dominic na ang nagsapubliko sa malungkot na kinahinatnan ng kanilang relasyon.
Sa pamamagitan ng Instagram at Facebook, ibinahagi ni Bea ang mutual decision nila ni Dominic na maghiwalay na.
Sabi sa kanilang joint statement: "After much thought, consideration, and care, we have mutually decided to amicably end our engagement.
"It was not an easy decision.
"We wanted to have more time to carefully deliberate and pray about it, but there have been many speculations, questions, and insults.
"Unfortunately, some even confirmed our breakup without our consent, and some created ridiculous stories that had no basis and were utterly false, so we felt the need to share this announcement with great sadness, for our peace of mind and our families."
Read: Bea Alonzo, Dominic Roque mutually end their engagement
Sa hiwalay na imbestigasyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), napag-alamang may iba't ibang dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon.
Ang First at Second Sources ang nagkumpirma sa PEP.ph na tinuldukan na nina Bea at Dominic ang higit na apat na taon nilang relasyon.
Nakalap ito ng PEP.ph sa pagitan ng February 1 - February 5, 2024.
May Third Source na nakausap ang PEP.ph na alam ang tungkol sa breakup, pero nagsabing hindi sarado ang pagbabalikan ng couple kung maayos nila ang kanilang problema.
Naniniwala ang Third Source na mabuting direktang marinig kina Bea at Dominic ang anumang kumpirmasyon ng breakup dahil ang mga ito raw ang tanging nakakaalam ng kanilang buhay pag-ibig.
Read: Bea Alonzo and Dominic Roque: A Relationship Timeline
Sa pagsisiyasat ng PEP.ph, lumalabas na panay sensitibo ang mga hinihinalaang isyung nakapalibot sa biglaang pananamlay ng pag-iibigan ng dalawang kilalang showbiz personalities.
Tinatayang nagsimulang magkaproblema ang couple pagbalik galing sa kanilang holiday vacation sa Japan na nangyari noong December 26, 2023 hanggang first week ng January 2024.
Read: Why did Bea Alonzo and Dominic Roque call off their engagement?
Bea-Dominic RECONCILATION RUMORS
April 13 tuluyan nang binura ni Bea sa kanyang Instagram ang mga litrato nilang magkasama ni Dominic, kasama na rito ang joint statement nila tungkol sa kanilang hiwalayan.
Pahiwatig ito na walang katotohanan ang mga haka-hakang nagkabalikan sila.
Read: Netizens ask: Is Bea Alonzo wearing her engagement ring again?
Nagkaroon kasi ng mga espekulasyon na muling nagkakamabutihan ang dalawa dahil napansin ng mapanuring netizens na, diumano, suot muli ni Bea ang kanyang engagement ring.
Noong March 9, 2024, nag-post si Bea sa Instagram ng isang video slide show ng mga larawan niya habang iniendorso ang isang skincare brand.
Dito, kapansin-pansin ang singsing na suot niya sa kanyang kaliwang kamay.
Read: Netizens ask: Is Bea Alonzo wearing her engagement ring again?
Nasundan pa ito noong April 2 nang mag-post ng ilang larawan si Bea tungkol sa mga kaganapan ng kanyang buhay noong Marso.
Iba't ibang litrato ang naka-post: May kuhang selfie niya, may kuhang kasama niya ang isang bata; may kuha mula sa tribute party para sa starbuilder na si Johnny Manahan, sa pagsasama nila ng mga dating kapwa Star Magic artists; isa pang solo picture, isang birthday party, sa paglalaro niya ng tennis, ang kanyang alagang aso, at ang pagbisita niya sa isang sikat na library sa South Korea.
Caption ni Bea, "Thank you, March [calendar emoji]"
Kapansin-panisn ang pag-like ni Dominic dito.
April 3, si Dominic naman ang may post tungkol sa mga kaganapan sa kanyang buhay noong nakaraang buwan.
Kasama rito: May larawang may hawak siyang bata, may nakikipaglaro sa mga ito sa dalampasigan, ang pagkain, ang paglalaro ng tennis, ang family bonding, ang panonood ng isang tennis game sa Ateneo, at ang bonding kasama ng mga Kapuso stars.
Caption niya, "Marso [heart emoji]"
Read: Netizens react to Bea Alonzo and Dominic Roque twinning posts
