Pagsampa pa lamang sa entablado, hindi na napigilang maging emosyunal ng P-pop girl group na BINI nang makita ang hindi magkamayaw nilang fans na dumalo sa kanilang third anniversary
Ginanap ang tinawag nilang "National BINI Day" sa One Ayala Mall sa Makati City noong June 11, 202. Dinaluhan ito ng mahigit walong libong tagahanga, ayon sa tala ng pamunuan ng mall.
@pepalerts @BINI PH and TikTok personality @zoozoo did a rendition of the P-pop girl group’s hit song “Salamin, Salamin.” #HappyBINIDay #PEPNews #NewsPH #EntertainmentNews ? original sound - PEP.ph
Sa dami ng dumalong Blooms (tawag sa fans ng BINI), hindi napigilang maiyak ng sikat na P-pop group na kinabibilangan nina Jhoanna Robles, Aiah Arceta, Colet Vergara, Maloi Ricalde, Gwen Apuli, Stacey Sevilleja, Mikha Lim, at Sheena Catacutan.
Read: Vlogger Ser Geybin under fire for "disrespecting" BINI Mikha
Ayon sa grupo, ito na ang pinakamalaki at pinakaengrandeng pagdiriwang ng kanilang anibersaryo magmula nang mag-debut sila noong June 11, 2021.
Nag-debut ang BINI sa pamamagitan ng single na "Born To Win."

Ayon kina Sheena at Stacey, kung babalikan kung paano sila nagsimula ay hindi aakalaing mararating nila ang kasikatang tinatamasa ngayon.
Noong nagdiwang daw kasi sila ng first anniversary, tatlumpung (30) Blooms lamang ang dumalo at naki-celebrate sa isa sa pinakamahalagang araw nila bilang grupo.
"We had thirty Blooms noong first anniversary po namin," mangiyak-ngiyak na saad ni Sheena.
Pagpapatuloy ni Stacey, "Opo, every year, talagang lume-level up yung pag-celebrate namin ng aming anniversary.
"Parang nung first year po, thirty Blooms lang po yung na-accommodate po.
"Second year naman po, may mga taong dinadaanan lang.
"Pero ngayon, hundred Blooms na talaga yung nandito.
"Super thankful po kami sa lahat ng nagmamahal sa amin and sa mga magmamahal pa."
Read: SB19 open to collaboration anew with BINI
Sabi naman ni Maloi, masaya na sila noon sa tatlumpu nilang fans. Kaya ngayon ay halos hindi sila makapaniwalang umabot na sa libu-libo ang nakakakilala at umiidolo sa kanila.
Saad ni Maloi, "Hindi po talaga kami makapaniwala, kasi sa thirty na tao noon, kahit isa nga lang ang pumunta, masayang-masaya na kami. Pero ngayon, sandamakmak na tao na po.
"We can't wait po na maglakbay pa kasama nila [fans] sa magiging journey namin in the future.
"Siyempre, isa yung Blooms sa mga reasons kung nasaan kami ngayon.
"We are really grateful na kasama namin sila ngayon sa pag-grow and pag-celebrate namin ng aming third anniversary."
BINI MEMBERS EXPRESS GRATITUDE TO THEIR FANS
Sa halos dalawang oras na itinagal ng "BINI Hour," walang patid ang pasasalamat ng grupo sa kanilang fans na bumiyahe pa mula sa malalayong lugar para makita at makasama sila.

Mensahe ni Aiah, "Super grateful po kami, hindi talaga namin in-expect na sa third year anniversary namin, ganito karaming tao. Like, marami pang tao came from different parts of the Philippines.
"Kaya, thank you guys, hindi kami magri-reach ng third year kundi dahil sa inyo."
Pahayag naman ni Mikha, "Siyempre, mahal na mahal ko yung Blooms. I'm very grateful na you all came here from different parts of the Philippines just to see us.
"We hope na lagi kayong nandiyan para sa amin sa journey na ito.
"Isa talaga ito sa pinapangarap namin, na makasama namin kayo bawat taon. And sana makasama namin kayo sa mga susunod pang mga taon."
Read: Star Magic to take legal action against BINI, BGYO bashers
Dagdag ni Gwen, "Blooms, thank you for coming into our life. Sobrang thankful kami sa inyo so more years sa atin."
Katulad ng kanyang co-members, labis na kasiyahan at pagpapasalamat din ang nararamdaman ni Colet sa kanilang fans.
Aniya, "Blooms, thank you talaga for coming. Para akong ano.. .siguro parang multo yung iba na nandito. Ganun yung pakiramdam ko sa sobrang daming tao, para silang hindi totoo."
Read: BINI members Colet, Maloi graduate from senior high school
JHOANNA IN TEARS EXPRESSING GRATITUDE TO THEIR FANS AND ABS-CBN BOSSES
Maliban sa kanilang fans, hindi rin nakaligtaan ng lider ng grupo na si Jhoanna na pasalamatan ang mga taong unang nagtiwala sa kanila—ang ABS-CBN at Star Magic bosses.
Pahapyaw pang binalikan ni Jhoanna kung paano sila ipinaglaban ng ABS-CBN na manatili sa kanilang pangangalaga sa kasagsagan ng pandemya at pagsasara ng kanilang network dahil sa hindi na-renew na prangkisa.
@pepalerts BINI @mimasaur turns emotional expressing gratitude to their fans and ABS-CBN bosses. #HappyBINIDay #PEPNews #NewsPH #EntertainmentNews ? original sound - PEP.ph
Emosyunal na mensahe ni Jhoanna: "Noong mga nakaraang araw, hindi siya madali for us kasi hindi naging madali ang preparation for our concert kasabay ng guestings and shows namin.
"Pero nawala ang pagod namin tonight, maraming salamat po.
"Hindi namin ine-expect na mangyayari to, kung anong mayroon tayo ngayon sa loob ng tatlong taon.
"Mas naiiyak ako kasi nakikita ko yung mga bosses namin sa ABS-CBN. Kung alam niyo lang ano ang ipinaglaban nila for us.
"Noong dumaan ang shutdown and pandemic, sino ba kami para ipag-stay ng management, di ba? Pero pinili nilang maniwala at magtiwala sa amin.
"So, maraming-maraming salamat po sa ABS-CBN. Maraming-maraming salamat po."
Sa huli, may iniwang mensahe at pakiusap si Jhoanna sa kanilang fans.
Aniya, "Sana mas dumami pa tayo. Panatilihin natin itong healthy environment natin.
"Let’s avoid negativity and let’s avoid comparison. Let’s keep this empowered world for all."
Read: BINI, G22 make impressive performances in China's Show It All
Sa nasabing event, opisyal na ring inanunsyo ng BINI na bukod sa kauna-unahan nilang BINIverse solo concert na gaganapin sa New Frontier Theather sa Cubao, Quezon City, sa June 28 hanggang 30, nakatakda na rin nila itong dalhin sa iba't ibang panig ng Pilipinas, maging sa ibang bansa.
Magkakaroon ng concert ang BINI sa Baguio, Cebu, General Santos City, at sa North America.
@pepalerts Who’s your favorite @BINI PH duo/ship? #HappyBINIDay #PEPNews #NewsPH #EntertainmentNews ? original sound - PEP.ph
