Kaliwa't kanang batikos ang kinahaharap ngayon ng YouTube vlogger na si Gavin Capinpin o mas kilala bilang si Ser Geybin, mula sa fans ng P-pop girl group na BINI.
Ito'y matapos umanong bastusin ni Ser Geybin ang isa sa miyembro ng BINI na si Mikha Lim.
Nag-ugat ito nang mag-live sa TikTok si Ser Geybin noong June 7, 2024, kunsaan sa kalagitnaan ng kanyang pagla-live ay hinalikan niya ang litrato ni Mikha na naka-flash sa projector screen.

Hindi ito nagustuhan ng ilan sa Blooms (tawag sa fans ng BINI). Anila, hindi katanggap-tanggap ang inasal ni Ser Geybin dahil sinexualize umano nito ang member ng sikat na P-pop girl group.
Read: SB19 open to collaboration anew with BINI
Tweet ng isang BINI fan (published as is), "we all can't believe ig? ser geybin, teacher ka pa naman. fan mo ako since pandemic, pero now malalaman ko na binabastos mo ang @bini_mikha namin it's a big NOOOOOO for us! we all deserve your explanation! bakit mo binabastos yung mga pictures ni mikha."

Sabi naman ng isa, "DAPAT KASUHAN SI SIR GEYBIN NG BAWAL BASTOS LAW dahil sa pambabastos kay MIKHA LIM."

Saad pa ng isa, "Real, fan ako ni sir geybin pero Hindi sa part na ganyan na sobrang off na talaga I know bias nya si mikha pero Hindi DAPAT ganyan pota nakaka disappoint parang nakaka bastos talaga."

May ilan ding fans ang idiniin na hindi maganda ang paghalik ng vlogger sa litrato ni Mikha lalo na't mayroon itong girlfriend, na tiyak na hindi rin daw magugustuhan ang kanyang inasal sa kontrobersiyal niyang TikTok live.
Read: Star Magic to take legal action against BINI, BGYO bashers
Pahayag ng isang netizen, "may girlfriend ka geybin, I mean, it's okay if magkakagusto ka kay mikha kase maganda naman talaga sya pero sana naman hindi binabastos, you're a good person ser geybin, we are waiting for your explanation, please wag mong bastosin ulit ang mikha namin."

"Bkt kailangang ikiss yung picture. Okay lang naman na humang, pero may pa kiss kiss pa. Ok lng ba yan kay GF mo," dagdag pa ng isa.

NETIZENS DEFEND SER GEYBIN
Sa kabila ng batikos ay mayroon ding fans si Ser Geybin na ipinagtanggol siya.
Depensa ng isang netizen, "its such a normal fan behavior. marami akong mas nakitang malala within fan girl community especially twowards james reid and daniel padilla. nalagay ba sa panganid si mikha nyan hindi. sa libo libong blooms, sure akoooo may nagyayakap kay mikha bilang unan dyan."

Dagdag pa ng isa, "OA lang talga mag react fans ng Bini. Iba n talga panahon ngayon ang sesensitive masyado. Yung iba maka comment feeling perfect. hayssst."

SER GEYBIN'S GIRLFRIEND BREAKS SILENCE
Dahil sa patuloy na pambabatikos kay Ser Geybin online, hindi na nakatiis ang girlfriend niya—ang YouTube vlogger ding si Elma Asagra.
Nitong Miyerkules, June 12, naglabas ng pahayag si Elma para ipaliwanag ang nangyari at ipagtanggol ang kanyang nobyo.
Ani Elma, dala ng excitement kaya't nagawa ni Ser Geybin ang lapitan at halikan ang litrato ni Mikha.
Ngunit hindi raw ibig sabihin nito na binabastos na ng nobyo ang kilalang P-pop idol.
Masugid daw na tagahanga ng BINI si Ser Geybin kaya naiintindihan niya ang ginawa nito sa TikTok live.
Sinagot din ni Elma ang netizens na nagtanong kung okay lang sa kanyang humanga sa ibang babae si Ser Geybin.
Mababasa sa Facebook post ni Elma (published as is): "This post is about the issue of my boyfriend, Ser Geybin and Bini Mikha. Hindi po para ipagtanggol sya instead to clarify everything po.
"I just want to clarify lang po ang mga nangyari. Gavin is just being fan lang po ng Bini lalo na si Mikha. He just expressed his admiration and for me there’s nothing wrong po with it, the way paano nya po ako supportahan sa mga idol/crush ko po ganun din po ako sakanya.
"Magkaiba lang po kami ng way dahil may kanya kanya po tayong ugali and also that’s him po e being a funny content creator lalo na po pag nakilala nyo sya sa personal.
"So kung tatanungin nyo po ako kung okay lang po ba sakin yun, my answer is YES NA YES. Wala pong problema. Kung hindi mo pa sya kilala try to follow and watch all his videos po para mas makilala and maintindihan nyo po sya."
ELMA APOLOGIZES TO BLOOMS
Kalakip ng paliwanag ni Elma ang paghingi niya ng paumanhin sa lahat ng fans ng BINI na na-offend sa inasal ng boyfriend.
Personal na rin daw humingi ng dispensa si Ser Geybin kay Mikha nang i-message niya ito sa Instagram.
Read: BINI, G22 make impressive performances in China's Show It All
Pahayag ni Elma: "We respect the Bini Fan and we understand your feelings. We’re really sorry po if ganun po yung naging dating sa inyo. Let’s spread love lang po. We just love the Bini and we really support them.
"To our Capinpin Fan, Thank you so much po sa support at pagintindi ng nangyari. Let’s respect and understand each other nalang po.
"Wala po kayong dapat ipagworry guys! We’re good at Bini po. Actually we followed each other pa po bago po may ganyang issue na lumabas and okay naman po kami lahat ‘til now.
"Ser Geybin already messaged Ms. Mikha for what happened and okay naman po ang lahat on both sides. So guys, spread LOVE lang tayo!"
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon ang kampo ni Mikha tungkol sa nasabing isyu.
Read: BINI members Colet, Maloi graduate from senior high school
READ MORE:
