PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Contis, Yen Santos unfollow each other on Instagram

Is this really the end for Paolo and Yen?
by Arniel C. Serato
Published Jun 20, 2024
Paolo Contis, Yen Santos not following each other anymore on Instagram
NOT ONLY RUMOR? Paolo Contis unfollows Yen Santos on Instagram months after their rumored breakup.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Tinapos na ba nina Paolo Contis at Yen Santos ang kanilang relasyon?

Ito ang tanong ng marami dahil napansin ng ilang mapanuring mata ng netizens na matapos ang ilang buwang hindi na pag-follow ni Yen kay Paolo sa Instagram, ang aktor naman ngayon ang hindi na rin nagpa-follow sa aktres.

Yen Santos zero following
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Parehong zero followings sila ngayon sa Instagram.

Paolo Contis zero following

PAOLO-YEN UMORED BREAKUP

Unang nagkaroon ng espekulasyon sa estado ng relasyon nina Paolo at Yen nang binigyan ng malisya ng netizens ang paghalik ng aktor sa dating co-host nito sa Eat Bulaga! na si Arra San Agustin noong November 1, 2023.

Noong panahong iyon, nasa TAPE Inc. pa ang pag-aari ng noontime show at wala pa sa TVJ nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagkibit-balikat lamang ni Paolo noon ang isyu. Bahagi lang daw iyon ng sketch ng kanilang segment sa show.

Read: Paolo Contis, ipinagkibit-balikat ang pagli-link sa kanila ni Arra San Agustin

November 22, 2023, tiniyak ni Paolo na sila pa rin ni Yen.

Nilalagyan lamang daw ng malisya ng iba ang video nila ni Arra na galing sa isang eksena sa Eat Bulaga! na pinagmulan ng mga haka-hakang may namamagitan sa kanilang dalawa.

Ginawa ni Paolo ang paglilinaw sa live guesting niya sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7.

Para matapos na ang isyu na nag-uugnay sa kanila ni Arra, pinili ni Paolo na magsalita sa "Talk or Dare" segment ng afternoon showbiz talk show ni Boy Abunda.

"Talk or dare, kayo na ba ni Arra San Agustin, kayo pa ba ni Yen?" diretsahang tanong ni Boy kay Paolo.

“Yes, kami pa ni Yen," sagot ng Kapuso actor-TV host.

"And alam mo yung kumakalat sa amin ni Arra, it’s an edited video of a portion in Eat Bulaga! and it was maliciously edited.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“It’s parang skit love triangle ni Arra, ako at saka si Ken played by Betong [Sumaya]. And they just keep on posting the…“

Read: Paolo Contis tiniyak na sila pa rin ni Yen Santos; nilinaw ang viral video nila ni Arra San Agustin

March 14, 2024, sa 40th birthday ni Paolo, nag-post ng kanyang birthday message ang girlfriend niyang si Yen.

Sa Instagram post nito noon, nagbahagi si Yen ng ilang larawan at short video ni Paolo.

Una ay screenshot ng isang lumang show ni Paolo noong bata pa ito na ang eksena ay naglalaba.

Ang pangalawa ay video ng birthday celebration ng aktor kung saan nag-blow ng kandila si Paolo.

Ang pangatlo ay larawan nina Yen at Paolo.

Mensahe ni Yen sa caption: "screaming happy 40th birthday to my best friend! [woman and mam holding hands emoji]

"thank you for everything you do. [heart emoji]"

Read: Yen Santos posts “screaming happy 40th birthday” message for “best friend” Paolo Contis

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PAOLO CONTIS ON "QUIET" RELATIONSHIP WITH YEN SANTOS

Labis na ikinalungkot ni Paolo na nabatikos nang husto ng publiko ang relasyon niya kay Yen.

Sa panayam sa aktor ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, na lumabas noong April 21, 2024, sinabi ni Paolo na tila napapaligiran ng labis na galit ang kanilang pag-iibigan ni Yen.

Ani Paolo, “It’s sad to say na super na-demonize kami pareho in terms of, parang super laki...

"Katulad nga ng sinabi mo pagdating mo kanina, ‘O, the world’s hatest man.’

"Natuto na ako. And aminin naman natin, there is too much hate for me to post things.

"Parang sa akin, so what? As long as quiet yung sa aming dalawa, then so be it."

Kaya raw pinili na lamang nilang gawing “quiet” ang relasyon nilang dalawa at malayo sa mapanuring mata ng publiko.

Saad ni Paolo, “I guess, being in a quiet relationship, feeling ko mas may ano siya, may advantage because she is a very private person as well.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nilinaw naman ng aktor na wala siyang ikinumpara kay Yen. Baka raw kasi sabihin ng mga tao na ang pinatutungkulan niya ay ang ex-girlfriend na si LJ Reyes.

Sabi pa ni Paolo, “Wala. Again, you people don’t know what happens behind closed doors.

“So, kung ano man yung mga nakikita ko dati, iba rin yung mga nakikita ko ngayon.

“Yung sa amin, it works because we're both quiet with our personal lives.”

Read: Paolo Contis on “quiet relationship” with girlfriend Yen Santos: “Super na-demonize kami pareho.”

PAOLO CONTIS ASSURES STEADY RELATIONSHIP WITH YEN SANTOS

Nitong nakaraang May 6, 2024, naiulat na pagod na pagod na si Paolo na sumagot sa tanong kung sila pa ba ni Yen.

Dalawang linggo pa lang ang nakararaan noon nang sinabi ni Paolo na magkakahiwalay silang magkasintahan dahil paalis siya papuntang Bicol para sa shooting ng pelikulang gagawin niya sa Mavx Productions.

Nung umalis siya pa-Bicol ay umuwi muna ng Cabanatuan si Yen dahil walang kasama ang aktres sa Maynila kaya pansamantala silang nagkahiwalay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong nakabalik na ang Kapuso actor sa Manila, back to work na raw siya para mag-taping sa Bubble Gang. Nakauwi na rin daw si Yen.

Pinagdududahan na naman silang magkahiwalay dahil sa ini-scoop sa isang blog na dinelete daw ni Yen ang birthday IG post niya kay Paolo.

Noong nakaraang Marso ang kaarawan ni Paolo at marami ang pumik-ap sa post ni Yen nang binati ito sa kanyang kaarawan. Pero tinanggal na pala ito ni Yen.

In-assume ng iba na hiwalay na silang dalawa.

Tinanong ng PEP Troika kay Paolo ang tungkol dito, at aware pala siyang tinanggal ni Yen ang birthday post nito sa kanya. Matagal na raw natanggal ang birthday post na iyon, hindi raw alam ng aktor kung ano ang dahilan.

Tila hindi na siya naninibago sa pag-delete ni Yen ng ibang ipinu-post nito sa Instagram, dahil hindi lang daw yung birthday post ang natanggal, kundi meron pang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang in-assure ni Paolo sa PEP Troika, sila pa rin ni Yen at okay raw sila. Mas gusto rin nilang tahimik lang.

Read: Paolo Contis, pagod na sagutin kung break na sila ni Yen Santos

Noong araw ring iyon, napansin ng ilang netizens ang pag-unfollow ng aktres sa Kapuso TV host-actor sa Instagram.

Yen Santos unfollowed Paolo Contis on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit kung susuriin, tanging si Yen lang ang nag-unfollow sa aktor dahil si Paolo ay nananatili pa ring nasa following list niya si Yen.

Paolo Contis still follow Yen Santos on IG last May 6, 2024

May 13, 2024, lalo pang uminit ang isyung hiwalayan sa kanilang dalawa.

Pero, pawang “no comment” lang ang sagot ni Paolo sa PEP Troika ukol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa katunayan, safe na safe ang mga sagot ni Paolo nang sandali siyang nakapanayam sa red-carpet premiere ng pelikula niyang Fuchsia Libre ng Mavx Productions.

Hindi niya kasama si Yen sa premiere night na ginanap sa SM Fairview noong araw na iyon. Mga co-stars lang niya na sina John Arcilla, Khalil Ramos, at ang director nilang si RC delos Reyes ang dumating sa event.

Read: Paolo Contis at Yen Santos, hiwalay na nga ba?

YEN SANTOSREPOSTS HEAR EVANGELISTA'S QUOTE

Usap-usapan naman sa social media ang post sa Instagram Stories ni Yen noong May 24, 2024.

Ito'y matapos niyang ibahagi sa IG Stories ang video clip ng interview ng kapwa aktres na si Heart Evangelista sa Fast Talk With Boy Abunda.

Dito ay tinanong ng host na si Boy Abunda kung ano ang maipapayo ni Heart sa kanyang younger self.

Saad ni Heart sa video, "If I were to speak to who I was before, [I would say] stop giving away your heart like it’s candy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Treasure yourself. Love yourself. Treasure your heart and your soul. Because that’s what’s gonna save you in the end."

Bagamat walang caption na inilagay si Yen sa kanyang shared post, maliban sa naka-tag na username na @riverayanna, umani pa rin ito ng samu't saring reaksiyon mula sa netizens.

May ilan ring kinonekta ang pagshe-share ni Yen ng pahayag ni Heart sa napapabalitang hiwalayan nila ni Paolo.

Read: Yen Santos "love yourself" shared post intrigues netizens

Habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang reaksiyon sina Paolo at Yen tungkol sa usap-usapang hiwalay na sila.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
NOT ONLY RUMOR? Paolo Contis unfollows Yen Santos on Instagram months after their rumored breakup.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results