PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Arnold Clavio begins therapy after hemorrhagic stroke

Arnold Clavio: "Isang buwan hanggang anim na linggo ang aking rehabilitasyon."
by Arniel C. Serato
Published Jun 20, 2024
Arnold Clavio will be away from television screens for a few weeks
Veteran broadcaster Arnold Clavio gives update after suffering from hemorrhagic stroke: "Mahaba-haba ang laban na ito. Ayon Kay Dr. Greg Dayrit, neurologist, kailangan ko ng 6 na linggong pahinga, rehabilitasyon at therapy, para manumbalik ang dati kong lakas at kilos."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Nagsimula na sa kanyang physical therapy ang veteran broadcaster na si Arnold Clavio matapos ma-diagnose ng hemorrhagic stroke.

Na-stroke si Arnold noong Hunyo 11, 2024, kung saan siya na rin ang nagsugod sa sarili sa Fatima University Medical Center sa Antipolo.

Read: Arnold Clavio recovering from hemorrhagic stroke

ARNOLD CLAVIO HEALTH UPDATE

Sa kanyang Instagram kahapon, June 19, 2024, nagkuwento si Arnold sa mga ginagawang treatment sa kanya ng mga doktor.

Kahit sinasabing "the worst is over," ilang linggo pa siyang sasailalim sa therapy para manumbalik ang kanyang dating lakas.

Lahad ng Saksi anchor (published as is), "June 14,2024, tatlong araw matapos na makaranas ako ng HEMORRHAGIC STROKE nagpasya ang medical team ng @stlukesmedicalcenter na mula sa Acute Stroke Unit (ASU) ay ilipat na ako sa regular room.

"'The worst is over,' sabi nga ni Dr. Vincent Valencia, cardiologist. Ang sarap pakinggan pero it is not yet over. Mahaba-haba ang laban na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ayon Kay Dr. Greg Dayrit, neurologist , kailangan ko ng 6 na linggong pahinga , rehabilitasyon at therapy, para manumbalik ang dati kong lakas at kilos.

"Kaya pagbaba ko sa regular room, sa pangunguna ni Dr. Lyde Alday-Magpantay, espesyalista sa Physica Medicine and Rehabilitation, sinumulan ang aking therapy

"Kabilang dito ang mga maliliit na pagkilos sa mga braso, kamay, binti at paa.

"Dahil sa pagdurugo ng kaliwang bahagi ng aking utak, dulot ng altapresyon, naging mahina ang kanang bahagi ng aking katawan.

"Sinubukan kong humakbang pero umiikot ang aking paligid at muntik-muntikan ako na mabuwal . Wala pa rin akong balanse.

"Kailangan ding maibaba pa ang aking blood pressure at sugar para di na maulit ang pagputok sa aking utak.

"Kaya sinimulan na rin ang akong turukan ng insulin at mga gamot sa blood pressure at pagbaba ng cholesterol."

Arnold Clavio post
Arnold Clavio post
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpasalamat naman si Arnold sa lahat ng nagdarasal para sa kanyang mabilis na paggaling.

Dagdag niya, "Maraming salamat sa inyong pagmamahal at mga panalangin . Malalagpasan ko ito sa inyong tulong at suporta.

"Sana ang aking kuwento ay makapagligtas ng maraming buhay . Tandaan, "mas ligtas ang madalas" na pag-checkup ng inyong blood pressure . Uulitin ko, feeling ok does not mean your ok .

"Listen to your body . God is good. #forever #grateful #trial #health

"Susunod kong kuwento, ang road to recovery."

Arnold Clavio post
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Arnold Clavio reveals slight bleeding in brain after stroke

ARNOLD'S ROAD TO RECOVERY JOURNEY

Ngayong Huwebes, June 20, 2024, muling nagbahagi si Arnold ng kanyang "road to recovery" journey.

Sabi niya, published as is, "Tuloy ang kuwento... Matapos na mailipat ako sa regular room ng @stlukesmedicalcenter, doon na ako sinimulan na dumaan sa physical therapy

"Dahil pagdurugo ng left side ng aking utak na nagdulot ng hemorrhagic stroke, nagresulta ito ng pamamanhid ng kaliwang bahagi ng aking katawan . Natigil kasi ang normal na pagdaloy ng dugo at ang nadale na bahagi ng utak ay ang 'thalamus' area.

"Ang pangunahing tungkulin ng thalamus ay ang maghatid ng mga motor at sensory signal sa cerebral cortex.

"Kinokontrol din nito ang pagtulog, pagkaalerto, at pagpupuyat. Kaya tinuro sa akin ni GK, isang physical therapist, ang iba't ibang ehersisyo sa braso, binti at paa para unti-unting manumbalik sa normal na kilos.

"Aabutin pa ng mula isang buwan hanggang anim na linggo ang aking rehabilitasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa mga nakaranas ng stroke, maaari ninyong sundan ang mga ehersisyo na ipinagawa sa akin para muling bumalik ang sigla ng inyong pangagatawan.

"Sama-sama nating malalagpasan ang pagsubok na ito sa tulong ng inyong mga panalangin at sa makapangyarihan na pangalan ni Hesus. Amen"

Arnold Clavio health update

Arnold Clavio health update
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami naman ang nagdasal na netizens at celebrities para sa paggaling ni Arnold.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran broadcaster Arnold Clavio gives update after suffering from hemorrhagic stroke: "Mahaba-haba ang laban na ito. Ayon Kay Dr. Greg Dayrit, neurologist, kailangan ko ng 6 na linggong pahinga, rehabilitasyon at therapy, para manumbalik ang dati kong lakas at kilos."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results