PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mutya ng Pilipinas Pampanga candidate, boyfriend missing

Geneva Lopez and Yitshak Cohen were reported missing by her relatives.
by Arniel C. Serato
Published Jun 24, 2024
Mutya ng Pilipinas Pampanga 2024 candidate Geneva Lopez missing
Mutya ng Pilipinas Pampanga Organization announces that one of the candidates of their pageant, Geneva Lopez, and her boyfriend Yitshak Cohen are reportedly missing: "It is with serious concern that we announce the disappearance of Ms. Geneva Sarita Lopez, one of the official candidates for this year's Mutya ng Pilipinas Pampanga 2024 representing Sto. Tomas, Pampanga who has been reported missing since June 21."
PHOTO/S: Courtesy: Mutya ng Pilipinas Pampanga on Facebook

Ipinaalam ng Mutya ng Pilipinas Pampanga Organization sa publiko na nawawala ang isa nilang kandidata sa ongoing beauty pageant — si Geneva Lopez ng Sto. Tomas, Pampanga.

Kasamang nawawala ni Geneva ang kanyang Israeli boyfriend na si Yitshak Cohen.

Mutya ng Pilipinas Pampanga 2024 candidate Geneva Lopez

Ibinahagi ito ng organisasyon sa kanilang Facebook page ngayong umaga ng Lunes, June 24, 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Cory Quirino, pabor ba sa mga pagbabago sa beauty pageants?

"REPORTED MISSING SINCE JUNE 2021"

Ayon sa announcement ng Mutya ng Pilipinas Pampanga Organization, walang anumang activities ang pageant noong araw na ito ay napabalitang nawawala, June 21, 2024.

Katuwang din daw sila sa local police sa paghahanap sa kinaroroonan ng aspiring beauty queen.

Bahagi ng pahayag: "URGENT Notice to the Public!!!

"It is with serious concern that we announce the disappearance of Ms. Geneva Sarita Lopez, one of the official candidates for this year's Mutya ng Pilipinas Pampanga 2024 representing Sto. Tomas, Pampanga who has been reported missing since June 21.

"We would like to clarify that we had no official schedule of activities during the said date as it was alloted for the candidates' rest .

"The Mutya ng Pilipinas Pampanga Organization assures the public on the frequent monitoring with police authorities for any updates regarding her whereabouts."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nanawagan din sila sa publiko na nakakita sa magkasintahan na ipaalam agad sa kinauukulan.

Gayundin ang dasal at panalanging ligtas si Geneva at ang Israeli boyfriend nito.

Dagdag pa sa pahayag, "We enjoin the public to assist us in any information that might lead to the resolution of this case.

"Let's continue to hope and pray for her safety as well as her Israeli boyfriend, her companion on the day she went missing"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GENEVA LOPEZ, BOYFRIEND REPORTED MISSING ON JUNE 21, 2024

Ayon sa ulat ng TV Patrol Weekend kahapon, June 23, 2024, sinabi ng Angeles City Police Office na mismong mga kaanak ni Geneva ang nag-report sa kanila sa pagkawala ng 27-year-old beauty pageant candidate.

Kasama rin daw nawawala ang boyfriend nitong si Yitshak.

Mutya ng Pilipinas Pampanga 2024 candidate Geneva Lopez and boyfriend Yitshak Cohen
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang dalawa ay parehong naninirahan sa Barangay Malabanias, Angeles City, Pampanga.

Dagdag pa sa ulat, kinukumpirma pa ng mga kaanak ni Lopez kung sa kanila ang sunog na sasakyan na natagpuan sa Capas, Tarlac.

Hindi na umano makontak ang dalawa mula pa noong June 21.

Sabi pa sa balita, nagpaalam si Geneva sa mga kamag-anak na pupunta ng Capas, Tarlac, para makipagkita sa nagsanla sa kanila ng lupa noong 2021.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa insidenteng ito.

Noong October 2023, iniulat din ng mga kaanak ang pagkawala naman ni Miss Grand Philippines 2023 candidate na si Catherine Camilon.

Hanggang ngayon ay hindi pa siya natatagpuan.

Read: Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon "missing" according to mom, sister

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mutya ng Pilipinas Pampanga Organization announces that one of the candidates of their pageant, Geneva Lopez, and her boyfriend Yitshak Cohen are reportedly missing: "It is with serious concern that we announce the disappearance of Ms. Geneva Sarita Lopez, one of the official candidates for this year's Mutya ng Pilipinas Pampanga 2024 representing Sto. Tomas, Pampanga who has been reported missing since June 21."
PHOTO/S: Courtesy: Mutya ng Pilipinas Pampanga on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results