PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ronnie Liang speaks up about viral video with Harry Roque

Ronnie Liang: “Wala ho kaming ugnayan!"
by Rommel Gonzales
Published Jun 25, 2024
ronnie liang harry roque issue
Ronnie Liang speaks up about viral video with former presidential spokesperon Harry Roque: “Natawa, at the same time siyempre nalungkot dahil nahaluan ng ibang konsepto. Nakita niyo naman, kinrop siya, may mga tao pa kasi actually kasama, may babae pa nga sa right side. At may mga tao sa likod ng kamera.”
PHOTO/S: Rommel Gonzales / Twitter

Nagbigay ng paglilinaw ang singer at army reservist na si Ronnie Liang tungkol sa viral video kung saan makikita silang magkasama sa tabing-dagat ni former presidential spokesperson Harry Roque.

Sa isang bahagi ng video ay sinabi ni Roque, "Maya-maya tingnan natin kung mapapa-topless natin si Ronnie Liang... Ako magta-topless ako."

Tumawa lamang ang singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ronnie Liang reveals where income from albums and social media goes

RONNIE LIANG-HARRY ROQUE VIRAL VIDEO

Ayon kay Ronnie, noong pang July 2022 kinunan ang video kung saan nag-uusap sila ni Roque.

“As far as I remember, July 2022 yung video na napapanood niyo sa social media na kumakalat kung saan kasama ko ang former presidential spokesperson Atty. Harry Roque.

“At mapapansin niyo naman sa video na in-interview niya ako or… ginuest niya ako sa kanyang vlog.

“Pero to be clear, wala tayong kaugnayan sa butihing presidential spokesperson.

"It just happened na nandun po ako bilang isang reservist ng Philippine Army para tumulong sa pag-distribute ng relief goods.

"At the same time, nakatanggap po tayo ng invitation mula sa local government ng Dinagat Islands Governor Nilo Demery Jr.," saad ni Ronnie nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Tender Loving Cakes restaurant, sa Panay Avenue, Quezon City, Lunes ng gabi, June 24, 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa pampang o tabing-dagat daw sila noon ni Roque.

Lahad ni Ronnie, “Tinawag ako, ‘Ronnie, puwede ka bang ma-invite?’ Parang ganun.

"Tayo naman ay accommodating. Mabait naman si Atty. Harry Roque, accommodating.

“Kaya kahit na, halimbawa, ngayon pa lang nagkita-kita, ganun na siya talaga magsalita.

"Hindi lang po sa akin, sa lahat ng tao kasi siya ay ma-PR din naman dahil spokesperson nga."

Iyon daw ang unang beses na nakilala nang personal ni Ronnie si Roque. Hindi pa raw sila nag-meet kahit minsan sa nakaraan.

Aniya, “Nagkataon din na in-invite ako to serenade yung mga nabagyo.”

Isa ang Dinagat Islands sa mga lugar na sinalanta ng Category 5 na bagyong Odette noong Marso 2022.

Read: Ronnie Liang within reach of becoming a commercial pilot

RONNIE LIANG ON HARRY ROQUE'S VLOG

Bakit naroroon din si Roque, samantalang tapos na noon ang termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte?

Tugon ni Ronnie, “Na-invite din siguro siya. Doon na po kami nagkakilala.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Tsaka nung nandun naman, hindi naman kami masyadong nag-uusap. Kung kausapin naman ako, sumasagot naman ako.”

On the spot o spontaneous daw siyang inimbitahan ng dating spokesperson na mag-guest sa vlog nito.

Ano ang naging content ng pag-uusap nila sa vlog ni Roque na may titulong "The Spox Hour"?

“Base sa pamagat ng kanyang vlog, ‘Wholesome pa ba si Ronnie Liang?’" natawang sabi ni Ronnie.

“Pero ang pinaka-content is yung pagiging piloto ko, reservist, yung pagse-serve natin sa bayan during the pandemic, at saka yung educational background.

“Some things that’s very... maybe interesting to the public.

“Tapos dahil may mga humor naman si Atty. Harry, meron siyang mga nasasabing, ‘Tingnan natin kung mapapa-topless natin si Ronnie Liang!’

“Kasi base sa location, dagat kasi, magsu-swimming. And siya naman din, nag-joke siya na pati daw siya, magta-topless.”

Hindi naman daw naghubad si Ronnie during the interview. Ni hindi na nga raw siya nakapag-swimming noon dahil limitado ang oras ng paglalagi niya sa Dinagat Islands.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
ronnie liang harry roque vlog
Ronnie Liang and former presidential spokesperson Harry Roque in a July 2022 vlog.
Photo/s: Screen grab from Twitter

MALICIOUS COMMENTS

Dahil sa naturang video ay kumalat ang malisyosong isyu na, diumano, “alaga” ni Roque si Harry.

Kumalat ang nasabing video kasunod ng pagkakaugnay ni Roque kay Mister Supranational Philippines 2016 AR De La Serna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: AR De La Serna, ano ang tunay na ugnayan kay Harry Roque?

Ano ang naging reaksiyon ni Ronnie nang biglang nag-trending ang naturang video nila ni Harry?

“Natawa ako nung pinanood ko!

“Kasi actually, hindi ko ho napanood yung buong vlog, noon ko na lang talaga napanood nung nag-viral na. ‘Ito pala, may ganito pala!’

“Nakalimutan ko na nga na pinagta-topless pala niya ako, e!” at muling natawa si Ronnie.

Pagpapatuloy niya, “Natawa, at the same time siyempre nalungkot dahil nahaluan ng ibang konsepto.

"Nakita niyo naman, kinrop [cropped] siya, may mga tao pa kasi actually kasama, may babae pa nga sa right side. At may mga tao sa likod ng kamera.”

Wala raw malisya ang pagsabi ni Harry tungkol sa pagta-topless ni Ronnie.

“Ang logic or common sense, kung may malisya hindi niya sasabihin iyon in front of the camera. Sasabihin niya, ibubulong niya, 'Puwede ka bang…'

“Hindi, e. It’s just, parang for entertainment purposes, the way I understand ha, nung napanood ko yung video.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala naman daw magagawa si Ronnie kung nilagyan ng ibang kahulugan ng ibang netizens ang video, pero isa ang tinitiyak niya...

“Wala ho kaming ugnayan!" diin niya.

"Nandun lang ho talaga ko para mag-serve. Para mag-volunteer para kantahan yung mga nabagyo, at the same time tumulong mag-distribute ng mga relief goods doon dahil nasalanta talaga ang Dinagat Islands."

Read: "Bawal Judgmental" guesting ni Harry Roque kontrobersiyal sa Twitter

SECOND MEETING

Matapos ang insidenteng iyon ay nagkita raw silang muli ni Roque nang naimbitahan siyang kumanta sa birthday party ng dating presidential spokesperson.

Lahad ni Ronnie: “Kinuha niya yung number nung road manager ko kasi nakita naman niya akong mag-perform, natuwa yung mga tao.

“Nag-inquire siya sa mga events kung puwede akong ma-invite. I was invited nung birthday niya, ginawa sa clubhouse somewhere… I forgot the name, na kumanta at the same time mag-host.”

Kailan iyon?

“Hindi ko na ho matandaan pero kapapanalo pa lang yata nina BBM and VP Sara that time,” pagtukoy ni Ronnie kina Pangulong Bongbong Marcos at Bise-Presidente Sara Duterte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang naramdaman niya na nabigyan ng malisya ang video at ginagawan pa ng meme ng kung sino?

“Well, natawa ako kasi alam naman nating wala.

"No. 2, nalungkot dahil merong... may goal yung nag-edit, to attack someone, nadamay lang ako.

“Kasi in-edit niya at saka ang haba ng video kung mapapanood niyo, iyon lang ang kinut niya.

“Pero, I dunno kung ang purpose is comedy lang or ma-monetize yung Facebook niya, magkaroon ng traction, pero iyon.”

Dagdag pa ni Ronnnie, “Siyempre isang karangalan pa rin, that time, na siyempre he was still the former presidential spokesperson, in-invite ka to be a guest sa vlog.”

Nag-reach out ba siya kay Roque o si Roque sa kanya pagputok ng isyu?

“Wala, walang reach out na nangyari. To be honest!” at natawa si Ronnie.

“I was expecting na mauna sana siya na mag-ano kasi siya yung… pero tahimik lang ako dun, hindi ako kumikibo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sinabi ko lang [sa video], ‘Gabaha ang guwapa diri Dinagat,’” na ang ibig sabihin daw ay maraming magandang babae sa Dinagat Islands.

Pagpapatuloy pa ni Ronnie, “Inaasahan ko lang na baka mag-ano ng statement si Sir, kasi alam naman niya na wala, na in-invite niya lang ako mag-guest sa vlog.

“So I was advised by some people to give statement na. Kasi sabi nga sa universal practice na 'silence means yes.'

“So, at least, I’m saying no, wala po, none, negative.”

Read: Singer Ronnie Liang gives his opinion about Kamikazee issue in Sorsogon

RONNIE LIANG'S MESSAGE TO HARRY ROQUE

May mensahe ba siya sa nag-edit ng video?

“Sana gumawa ka din ng isa pang version naman na ipakita mo yung tunay. Hindi lang yung na-crop, para patas, patas po.

“Siguro gamitin niyo naman yung music ko na background para ma-promote din,” natawang sabi ni Ronnie.

Bagong kanta ni Ronnie na available ngayong Hulyo for download at streaming ay ang revival niya ng "Himala" ng Rivermaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano naman ang mensahe niya kay Roque?

“Sir! Salamat sa pag-interbyu, sa… iyon lang, salamat po," at muling tumawa si Ronnie.

"Salamat po, isang karangalan na mainterbyu niyo. At thank you for being that accommodating sa amin. Dahil po doon, iyon nga, nabigyan kayo ng ibang interpretasyon o ng isyu."

Pakli pa ng singer, “We cannot judge him.”

Kung sakaling muli siyang imbitahan ni Harry sa vlog nito, papayag ba si Ronnie?

“If ngayon? Hindi. Hindi muna,” sagot niya.

Palalamigin muna raw ni Ronnie ang isyu.

“Oo, kasi... tapos idadaan ko sa management para siguro baka puwedeng may honorarium… joke!”

Pero kung sakali nga raw may honorarium ay ilalaan niya iyon para sa mga batang ipinaoopera niya na may cleft lip, cleft palate o bingot na isa sa mga adbokasiya ni Ronnie sa kanyang Ronnie Liang Project Ngiti Foundation.

Read: Ronnie Liang on Project Ngiti foundation: "Hindi ko naman akalain na maraming buhay na mababago."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inamin ni Ronnie na nasaktan siya sa pang-iintrigang ang foundation niya ay funded diumano ng opisina ng dating presidential spokesperson.

“Na hindi naman po," diin niya,

"Unang-una, unauthorized pa ako na tumanggap ng donation. To be clear, bawal pa po akong tumanggap ng anumang pera o donasyon from anyone.

“Ang puwede pa lang, e, kagaya niyan, ang ginagawa ko ay nagpa-fundraising concert po ako.

"Yung mga kinikita ko sa YouTube channel ko, sa Facebook, and portion of my talent fees and royalties from my albums, iyon po yung ginagamit kong funds pang-opera ng mga batang may cleft.

“Iyon po yun. Kasi inaano nila na ginamit ko raw ang pera ng taumbayan. Sila naman…

“I-audit nila ako kasi,” paghahamon pa ni Ronnie.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ronnie Liang speaks up about viral video with former presidential spokesperon Harry Roque: “Natawa, at the same time siyempre nalungkot dahil nahaluan ng ibang konsepto. Nakita niyo naman, kinrop siya, may mga tao pa kasi actually kasama, may babae pa nga sa right side. At may mga tao sa likod ng kamera.”
PHOTO/S: Rommel Gonzales / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results