Naku, ilang buwan nang tapos ang isang TV series, pero hindi pa pala bayad lahat ng talents?
Ito ang nasagap na tsismis ng isang Maritess sa MRT (Metro Rail Transit).
Akalain ba namang isa sa mga pasahero pala ay extra actor sa TV series, at sa pakikipag-usap niya nang malakas gamit ang cell phone, narinig ng madlang people ang kanyang problema: Hindi pa niya natatanggap ang talent fee.
MORE BLIND-ITEM CLUES
At binanggit pa niya ang title ng TV series. Sikat ito.
Okay naman ang feedback ng viewers. Pero bakit delayed ang pagbabayad sa mga talents?
Read:
Aktor, dyinowa ang kaibigan ng kanyang girlfriend
Sikat na showbiz couple, tatlo na ang anak
At akalain ba namang ang isa sa katabi ng extra actor sa MRT ay isa palang legit na Maritess?
Siyempre, bilang tsismis ang kanyang narinig, nag-focus daw talaga siya sa kinukuwento ni extra actor. Kulang na nga lang ay interbyuhin niya ito.
Naisip din ni Maritess, mga extra lang kaya ang hindi bayad o pati mga sikat na artista?
Kung sila lang, kawawa naman.
Kung tutuusin, mas kelangan nila ng pera kesa sa mga sikat ng bida na may mga endorsements at iba pang projects.
Read:
Showbiz couple, nagbunga na ang pag-career magka-baby
Rich personality, delayed magbayad ng upa sa bahay?
Sana naman ay ma-release na ang bayad nila.
At sana, wag naman maging norm na ibinibitin ng production ang talent fees ng mga artista—sikat man o extra.
Hindi kasi ito ang unang pagkakataon na na-delay ang pagbabayad sa mga talents. Yung iba pa nga, since last year pa yung inaantay na talent fees.
Gusto mo ng clue? Basta maraming vowels sa title ng series, yun na!