Naku, mukhang panahon talaga ng taggipit.
Aakalain mo bang ang namumroblema sa pagbabayad ng bills ay hindi lang mga ordinaryong tao kundi maging mga artista rin?
Merong isang ACTOR na parating kelangan i-remind para magbayad ng rent.
Actually, hindi siya nakakabayad buwan-buwan. At minsang naningil si landlord, para raw nakikipaglaro ng taguan si ACTOR, ayon sa nakasaksi.
Meron ding ACTRESS na dati namang namroblema sa matitirahang bahay kaya ang ginawa niya ay nakiusap sa kakilala na bigyan siya ng maliit na space sa bahay nito.
Read:
Showbiz couple, nagbunga na ang pag-career magka-baby
Aktor, nabuking ang tangkang pamboboso ng photographer
RICH PERSONALITY, DELAYED DIN SA PAGBABAYAD NG UPA?
Pero nakakagulat ang latest info na natisod ng isang source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Ang unang info na nakaka-shookt: ang bahay na tinitirhan pala ni RICH PERSONALITY ay hindi kanya, kundi inuupahan niya?
Medyo nakaka-confuse ito. Teka, since shala ang source, gamitin natin ang term na ginamit niya: "Bewildering."
Kasi kung ang pagbabasehan ay ang social-media feeds ni RICH PERSONALITY, aspirational ang lifestyle niya, as in mapapa-"sana all" ka.
Yun pala, renter siya sa mansion na tinitirahan?
Wala namang masama sa pagrerenta. May popular couple nga na nagrenta dati habang pinapagawa ang kanilang mansion.
Yun lang, ang buong akala kasi ng pipol ay sariling bahay ni RICH PERSONALITY ang kanyang tinitirhan.
At yun talaga ang impression: RICH siya.
Read:
Blind item: Handler ng singer, nag-attitude sa school event
Two-timing actor, nasampal ng controversial personality
At ito pa ang nakaka-shookt, este, bewildering: Delayed daw lagi ang bayad ni RICH PERSONALITY sa upa.
Why kaya?
A. Dahil ba sa super busy niya kaya nakakaligtaan?
B. Dahil ba late lang din ang dating ng kanyang kaperahan?
C. Dahil kaya sa overspending?
D. Dahil kaya sa isang bad influence?
Bahala na kayong mamili ng answer sa multiple-choice question na ito.
Pero sana, magsilbing reminder ito sa kahit sino na malaking bagay ang pagkakaroon ng sariling bahay.
Kaya kesa bumili ng kung anu-anong branded stuff o magumon sa anumang luho o bisyo, magtabi ka para sa future house mo.
Wag ding kalimutan na mas mainam mamuhay nang ayon sa kakayanan.