PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Newbie Matthew Uy gets starstruck with co-stars Bea, Carla

Matthew describes Bea as "diyosa,' Carla as "angelic."
by Glenn Regondola
Published Jul 3, 2024
mathew uy widows war
Newbie Matthew Uy on working with Bea Alonzo and Carla Abellana in Widows' War: "Sobrang ang dali po nilang pakisamahan, at na-starstruck po ako sa kanila. Feeling ko [dati], hindi ko po sila makakausap... parang kabado ako pagdating sa kanila. Pero pag nasimulan mo na po silang makausap, gumagaan ang loob mo, at feeling mo at home ka."
PHOTO/S: Glenn Regondola

Isang malaking karangalan para sa Sparkle artist na si Matthew Uy ang makasama sa teleseryeng Widows' War ang dalawang mahusay na aktres — sina Bea Alonzo at Carla Abellana.

Ginagampanan ni Mathew ang papel bilang si Edward Balay sa nasabing drama-crime-mystery primetime series ng GMA-7 na nagsimulang umere noong Lunes, July 1, 2024.

Read: James Graham, Charlie Fleming shine in Widows' War

Pahayag ng 20-year-old newbie, "Sobrang happy ko po na naka-work ko sina Ms. Bea, at Ms. Carla, lalo na po na ate ko po dito si Ate Carla.

"Sobrang ang dali po nilang pakisamahan, at na-starstruck po ako sa kanila.

"Feeling ko [dati], hindi ko po sila makakausap... parang kabado ako pagdating sa kanila.

"Pero pag nasimulan mo na po silang makausap, gumagaan ang loob mo, at feeling mo at home ka.

"Yun nga po ang pakiramdam ko pag nasa set ako, and feeling ko ay second home ko po siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portalh) si Matthew sa kauna-unahan niyang "Meet and Greet" event para sa kanyang supporters na ginanap sa Fiyo Bagi restaurant, sa Quezon City, noong June 30, 2024.

View this post on Instagram

A post shared by Matthew Uy (@matthewuy_)

MATTHEW UY ON WORKING WITH BEA ALONZO AND CARLA ABELLANA

Ipinagmalaki pa ni Matthew ang naging working relationship nila habang nagti-taping sila sa malalayong location ng proyektong ito. Kung paano nawawala ang pagkailang niya sa dalawang prime actresses, at kung paano sila nagdya-jibe sa isa't isa.

Lahad niya, "May ginagawa po kami sa workshop na tinatawag naming RSBI [Rapid Shallow Breathing Index].

"Ano po yun, parang meditation siya na nire-relax ang whole senses ng katawan mo, na nare-relax ka. So, mas nagiging open ka para makaarte.

"Unang naka-encounter ko po ay si Ms. Bea, at na-starstruck po ako sa kanya, at medyo nahirapan po akong magbitaw ng mga linya.

"Kasi, noong bata pa po ako, siya po kasi yung comfort person ko sa TV. Napapanood ko na siya noong mga Popoy at Basha pa lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, parang andun po yung, 'Hala, Bea Alonzo nasa harap ko, kaeksena ko na!'

"Di po ako nakakapag-in character nung mga panahong yun, kasi sobrang saya ko, po, at ang bilis ng panahon.

"Heto na, nangyayari na."

Pagpapatuloy ni Matthew, "At si Ms. Bea naman po, inintindi niya po ako, kasi di nga po ako nakapag-throw ng lines.

"Hinawakan niya ako, 'Okey lang yan, kaya mo yan, huwag kang kabahan. Huwag kang ma-intimidate sa akin. Relax ka lang.'

"Walang sungit factor. Ayun nga ang nasa isip ko, 'Ms. Bea Alonzo na ito, baka sungitan ako.'

"Pero hindi po nangyari."

How about si Carla?

Sabi ng GMA Sparkle artist, "Ano po siya, nagbibigay siya sa akin ng mga tip, katulad ng kung paano makakapag-throw ng emosyon nang sobrang bilis, kung paano magbitaw ng lines. Ayun po, tinuturuan niya ako.

"Siya po yung madalas na kasama ko."

Pati ang magkaibang angkin na kagandahan ng dalawa ay naipagmalaki rin ni Matthew.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Saad niya, "Magkaiba po sila ng beauty.

"Si Ms. Bea po, ang beauty niya ay para siyang diyosa.

"Si Ms. Carla naman, para siyang... sobrang angelic po ang face. So, para po siyang mga tao sa painting.

"Sobrang ano po ang mukha niya... angelic."

Read: Widows' War, kumusta ang rating ng pilot episode?

MATTHEW UY'S TIME

Dahil nakasama kaagad siya sa isang primetime series, at kasama pa ang ilang mahuhusay sa artista katulad nina Jean Garcia, Jackie Lou Blanco, Timmy Cruz, at Tonton Gutierrez, ibig bang sabihin nito ay mas lamang na siya sa ibang baguhan ng talent arm ng Kapuso network?

widows war cast
The cast of Widows' War
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapakumbabang saad ni Matthew, "Hindi ko po kasi tinitingnan yung ganung point, e.

"Lahat naman kami may sariling time. Lahat naman ay may pagkakakataon na makakuha ng [big] shot.

"Maaaring sa isang araw ay sila naman, ako at ibang araw ay ako naman po [ulit].

"Ang iniisip ko po ay hindi ako nakakalamang. May oras din po para sa kanila.

"Kasi, kung oras ko po ngayon, baka sa ibang araw ay oras naman po nila.

"Iniisip ko na lang na thankful po ako, kasi nabibigyan ako ng ganitong pagkakataon. Ayun po."

View this post on Instagram

A post shared by Matthew Uy (@matthewuy_)

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Newbie Matthew Uy on working with Bea Alonzo and Carla Abellana in Widows' War: "Sobrang ang dali po nilang pakisamahan, at na-starstruck po ako sa kanila. Feeling ko [dati], hindi ko po sila makakausap... parang kabado ako pagdating sa kanila. Pero pag nasimulan mo na po silang makausap, gumagaan ang loob mo, at feeling mo at home ka."
PHOTO/S: Glenn Regondola
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results