PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

2 ex-cops under custody for Geneva Lopez, boyfriend murder

DILG: "Malaki ang kinalaman nila dito sa kaso ni Geneva at ni Yitshak."
by Arniel C. Serato
Published Jul 8, 2024
DILG presents persons of interest in Geneva Lopez, Yitshak Cohen's case
Department of Interior and Local Government Secretary Benjamin "Benhur" Abalos Jr. (center, seated) and Philippine National Police's top officials in a media briefing earlier today July 8, 2024, presented two ex-policement allegedly involved in the killings of aspiring Pampanga beauty queen Geneva Lopez and Israeli boyfriend Yitshak Cohen (not in photo).
PHOTO/S: Screenshot from GMA News on Facebook

Nasa kustodiya na ng pulisya ang limang persons of interest sa pagpatay sa aspiring beauty queen na si Geneva Lopez at Israeli boyfriend nitong si Yitshak Cohen.

Sina Geneva at Yitshak ay misteryosong naglaho noong June 21, 2024 sa Capas, Tarlac.

Pagkatapos ng dalawang linggo, natagpuan ang mga bangkay nila sa isang hukay sa may Capas din.

Read: Missing beauty queen, Israeli boyfriend found dead in Tarlac

Two EX-POLICEMEN, 3 OTHERS in custody

Sa isinagawang briefing ngayong Lunes, July 8, 2024, sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin "Benhur" Abalos, Jr. na nasa kustodiya na ng pulisya ang ilang persons of interest.

Saad ng kalihim, "Yung tatlong taong nabanggit ko ay nasa kustodiya ng kapulisan sa ibang kaso.

"Pero malaki ang kinalaman nila dito sa kaso ni Geneva at ni Yitshak.

"Ang mga naaresto ngayon under police custody ay si Michael Guiang.

"Siya po ay dating miyembro ng PNP pero siya ay na-dismiss noong February 2020, AWOL.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At ang pangalawa ay si Rommel Abuso, dati ring miyembro ng Phillippine National Police pero na-dismiss sa serbisyo noong 2019, again AWOL.

"At merong isang sibilyan na nasa custody rin ngayon, ang pangalan ay Jeffrey Santos.

"So, itong tatlong ito, kasama ang dalawang taong nag-voluntary surrender sa kapulisan, si 'Alyas Junjun' at 'Alyas Dondon.'

"At meron pang dalawang at-large."

DILG Secretary Benhur Abalos presenting persons of interest in Geneva Lopez, BF's case
Photo/s: DILG on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paglilinaw ni Secretary Abalos, "By the way, I would like to emphasize na itong dalawang taong ito ay matagal nang tinanggal sa serbisyo ng ating pamahalaan."

LAND DISPUTE?

Sa ginanap na media briefing, sinabi ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) director Maj. Gen. Leo Francisco na maaring pinatay ang magkasintahan dahil sa pagtatalo sa lupa.

Saad ni Franciso, "Yung magnobya ay nagkaroon ng pagkakataon na makipagkita kay Guiang, dahil si Guiang ay may isinanlang lupa kay Geneva at gusto nang bawiin ni Geneva yung lupa kay Guiang.

"In the same manner, sinabi ni Guiang na may buyer din yung lupang isinangla niya at ipapakilala niya ito kay Geneva, itong si Abuso as buyer."

Kasunod daw nito ay nagkita ang apat at binaril ng dalawang dating pulis sina Geneva at Yitshak.

Doon daw sa sasakyang nasunog binaril ang dalawa.

Read: SUV linked to Geneva Lopez, boyfriend disappearance found

"So, makikita niyo it's a planned activity... so there was that plan of killing.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"So, makikita niyo, ayaw ibigay ni Guiang yung kanyang isinanlang lupa kay Geneva, na gusto nang bawiin ni Geneva.

"And we are collating some more evidence and statement dahil tinitiyak namin na dito nagsimula sa motibo na ito yung pagpatay sa magnobya na ito."

Nakatakdang maghain ng reklamo ang CIDG sa piskalya laban sa mga nasabing persons of interest.

Read: Belongings of missing Pampanga beauty queen found

GENEVA LOPEZ, YITSHAK COHEN FOUND DEAD

Si Pampanga Governor Dennis "Delta" Pineda ang nagkumpirma na ang mga nahukay na bangkay noong umaga ng July 6, 2024 ay kina Geneva nga at Yitshak.

Nahukay ng mga awtoridad ang mga bangkay sa isang quarry site sa Barangay Sta. Lucia sa Capas, Tarlac.

Ayon sa post ni Governor Pineda (published as is), “Malungkot ko po na ibinabalita sa inyo na natagpuan na ang mga bangkay ng kabalen natin na si Geneva Lopez at ang kanyang kasintahan na si Yitshak Cohen sa isang lugar sa Sta. Lucia sa Capas, Tarlac, pagkatapos silang mawala ng dalawang Linggo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kinumpirma po ito ng pulis base sa kasuotan at gamit ng mga biktima.

“Ipagdasal po natin ang kanilang kaluluwa. Nakikiramay po ako sa mga pamilya.

“Patuloy po akong tutulong sa paghahanap ng hustisya para kay Geneva at Yitshak.”

Nauna na rito, nag-alok ang gobernador at si Vice-Governor Lilia Pineda ng isang milyong pisong pabuya sa lehitimong makapagbibigay ng impormasyon sa nawawalang magkasintahan.

Bago ang pagkumpirma na mga labi nga nina Geneva at Yitchak ang natagpuan, ang beauty queen at ang kasintahan nito ay dalawang linggo nang nawawala.

Read: Reward money for Geneva Lopez, boyfriend now at PHP1.4M

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Department of Interior and Local Government Secretary Benjamin "Benhur" Abalos Jr. (center, seated) and Philippine National Police's top officials in a media briefing earlier today July 8, 2024, presented two ex-policement allegedly involved in the killings of aspiring Pampanga beauty queen Geneva Lopez and Israeli boyfriend Yitshak Cohen (not in photo).
PHOTO/S: Screenshot from GMA News on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results