PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Luis Manzano spotted in a political event in Batangas

Luis Manzano on politics: "Wala talaga, wala kami napag-uusapang pamilya."
by Arniel C. Serato
Published Jul 12, 2024
Luis Manzano stil not running in Lipa
TV host Luis Manzano spotted with stepfather Secretary Ralph Recto in San Jose, Batangas earlier today, July 12, 2024. Is he courting voters there?
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Nagpaparamdam na nga ba sa Batangas ang TV host-actor na si Luis Manzano?

Ngayong araw, Biyernes, July 12, 2024, spotted si Luis kasama ang kanyang stepfather na si Finance Secretary Ralph Recto na dumalo sa tila isang political event sa San Juan, Batangas.

Naroon din si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na katabi nina Secretary Recto at Luis sa upuan.

Nalalapit na ang filing of certificate of candidacies kaya hindi maiwasang isipin na tila sasabak na sa pulitika ang Kapamilya TV host.

Sa kanyang Instagram Story, may ni-repost si Luis na post ng isang netizen mula sa San Jose, Batangas.

Luis Manzano in Batangas
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa isa pang netizen, namahagi si Secretary Recto ng assistance para sa mga magsasaka, mangingisda, at mga pamilyang nangangailangan sa bayan ng San Jose.

Luis Manzano in Batangas

Biro naman ni Luis sa isang post, "Kung sakali po na ako ay tatakbo, umaambon pa lang, may ayuda na agad" -Luis Manzano HAHAHAHAHAHA LARO"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Luis Manzano in Batangas

Read: Ralph Recto says wife Vilma Santos might return to politics

#TEAMTALINOATPUSO

Sa post ni Luis sa Instagram, sinamahan niya ito ng hashtags na may kinalaman sa pulitika.

Buong post niya, "SenCongSec. Ralph Recto at Kuya Lucky Manzano, dumating na para sa malaking pagtitipon natin ngayong araw.

"#TeamTalinoAtPuso #BagongBatangas #OneBatangas"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
View this post on Instagram

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano)

Natuwa naman ang mga Batañgueno dahil sigurado raw silang maayos si Luis pagdating sa trabaho.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Netizens on Luis Manzano being spotted in Batangas
Netizens on Luis Manzano being spotted in Batangas
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LUIS MANZANO: "NAG-REPRESENT KAY MOMSKI"

Sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Luis ngayong araw, July 12, kung simula na ba ito ng pag-iikot niya sa Batangas.

Napapabalita kasing sasabak na rin sa pulitika si Luis.

Sabi niya sa PEP, kinatawan lamang niya ang inang si Vilma Santos.

Aniya, "Nag-represent kay Momski lang muna."

Dagdag pa ni Luis, hindi pa napag-uusapan sa kanilang pamilya ang tungkol sa pulitika.

Abala rin daw siya sa bagong show niya sa ABS-CBN na Rainbow Rumble.

Saad niya, "Wala talaga, wala kami napag-uusapang pamilya, mas nagre-represent lang muna ako kay Momski, may Rainbow Rumble pa ako na ginagawa."

Matatandaang sa contract signing niya sa Kapamilya network noong July 2, 2024, sinabi ng TV host na hindi niya isinasara ang pagkakataong pasukin din ang pulitika o public service sa mga susunod na taon.

Pahayag ni Luis, "Lahat tayo may obligation to serve. In what capacity? It depends kung ano yung ibinigay sa yo ng Diyos. Depends on the cards dealt.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Did I ever say no to politics before? Sabi ko, 'Hindi pa, hindi pa.'

"So, hindi na lang magugulat kung tawagin ako ng public service itong darating na taon."

Nasa isip talaga niyang darating ang araw na sasabak din siya sa pulitika?

Aniya, "Yes, I'm very much open to politics.

"Pero yun nga, ang gusto ko... kasi masyado natin iniisip na pulitika yan.

"If I do run, it has to be about public service."

Read: Luis Manzano not closing doors on politics

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV host Luis Manzano spotted with stepfather Secretary Ralph Recto in San Jose, Batangas earlier today, July 12, 2024. Is he courting voters there?
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results