GORGY RULA
Nakatakda nang bumalik sa Pilipinas si Vilma Santos mula sa ilang linggong bakasyon niya sa Amerika.
Ang narinig namin ay sisimulan na niya ang pelikulang ididirek ni Dan Villegas. Ang pagkakaalam ko, ang Mentorque Productions ang magpo-produce nito.
Ito kaya ang isusumite ng Mentorque sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF)?
Read: MMFF 2024: bibida sina Vice Ganda, Vic, Vilma, Judy Ann?
Sabi ni Ate Vi nang tinext ko siya habang nasa Amerika siya, wala siyang alam kung isasali ito sa MMFF. Pero gustung-gusto raw niya ang film project na ito.
“Alam mo, I’m so excited also the one of Direk Dan Villegas,” pakli ni Ate Vi sa ipinadalang voice message niya sa akin.
“Actually, yung pagkakagawa nila ng script ni Direk Tonette [Jadaone], dream project ko yun.
“Iyon yung matagal ko nang gustong gawin. Nung nag-pitch sila sa akin ng istorya, na-in love ako sa istorya, kasi dream project ko yun.”
IS THIS FOR MMFF 2024?
Tinanong ko nga siya kung para rin ba ito sa MMFF.
“Pang-MMFF? Hindi pa namin napag-uusapan yun.
"Everything will be confirmed pagbalik ko. But, everything seems to be so exciting. Yun lang.
“Maganda. So, let’s hope for the best,” sambit ng Star For All Seasons.
Read: Vilma Santos meets Dan Villegas, Antoinette Jadaone for a movie pitch

JERRY OLEA
Kung totoong itong kay Direk Dan Villegas ang unang gagawin ni Ate Vi, paano na kaya ang unang napabalitang gagawin nila ni Judy Ann Santos na ididirek ni Chito Roño?
Ang pagkakaalam namin ay isasali rin ito sa MMFF 2024. Alin kaya ang ipa-prioritize ni Ate Vi?
Read: Vilma Santos at Judy Ann Santos, magsasama sa horror film ni Chito Rono
Sabi ni Ate Vi, “Judy Ann yan, my God! And Judy Ann, hello!
"Gusto raw niya akong makasama, and gustung-gusto ko rin siyang makasama.
"Of course, Direk Chito Roño pa yan, bakit hindi?
“Open pa yung offer. Alam ko, may inaayos pa, but… siguro mapipinal ito pagkabalik ko sa atin. Dun lang magkaroon ng pinal.
“Pero maganda, Diyos ko! It’s such an exciting ano yan, offer yan na movie. Pero ipa-finalize pa yan.”
Sana, meron talaga siyang matutuloy na pelikulang panlaban sa MMFF.
Maganda pa ring mapanood natin uli sa Metro Manila Film Festival ang isang Vilma Santos movie.
Read: Vilma Santos may isiniwalat tungkol sa sampalan scene nila ni Claudine Barretto sa 'Anak' movie
NOEL FERRER
Significant ang anumang susunod na pelikulang gagawin ni Ate Vi.
Sa gitna ng lahat ng pag-uusap ukol sa kanyang nomination sa pagiging Pambansang Alagad ng Sining, her best weapon really is a good work.
Basta support tayo sa anumang susunod na hakbang ni Ate Vi, because she really deserves and gives us the best always.
