Isa sa itinuturing na pinakamagaling na young actress sa kasalukuyan si Kaila Estrada.
Laging tumatatak ang husay sa bawat karakter na ginagampanan niya, at hinangaan ang galing niya sa mga seryeng Linlang, Can't Buy Me Love at Viral.
Hindi naman dapat pagtakhan dahil nananalaytay sa dugo ni Kaila ang pagiging isang mahusay na artista dahil award-winning actor and actress ang mga magulang niyang sina Janice de Belen at John Estrada.
Read:
Kaila Estrada's best lesson on love: "My mom taught me to choose myself."
Sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa nakaraang premiere night ng That Kind Of Love na ginanap sa SM Megamall Cinema 8 nung nakaraang July 4, inamin ni Kaila na hindi siya nape-pressure dahil nakukumpara siya sa kanyang magulang, kundi dahil baka mabigo ang hangarin niyang makagawa ng sariling pangalan at tatak sa showbiz.
Pag-amin niya, "Defintely there's really pressure kasi siguro it's more of I don't wanna fail.
"More than anything, I think it's that kasi sila naman they have their own journeys in the industry, they have their own strengths.
"Di ko naman kino-compare ang sarili ko sa kanila kasi they've accomplished so much and I can only be half as good as they are.
"Di dun nanggagaling yung pressure, I just don't wanna fail, I just wanna be good."
KAILA ALWAYS WANTS TO MAKE HER PARENTS PROUD
Sa magandang tinatakbo ng career niya sa ngayon, alam ni Kaila na masaya at proud sa kanya ang mga magulang.
Pagpapakumbaba niya, "I think they are proud naman, very matipid sila when it comes to work kasi alam nila na I want to find my own way, to navigate in the industry, and they respect that naman din. I'm sure they're happy."
Dahil parehong dekalibre sila Janice at John bilang artista, tinanong si Kaila kung kanino tingin siya mas higit na nagmana.
Estima niya, "Halo, e.
"I think I'm a lot like my mom, but some people tell me that they see in me my dad also."
Read:
Kaila Estrada overwhelmed by positive feedback for her roles in "Linlang" and "Can't Buy Me Love"
KAILA REVEALS HER PARENTS' ADVICE
Dahil nga mga beteranong artista ang kanyang mga magulang, inamin ni Kaila na maraming payo na ang naibigay sa kanya ng mga ito mula noong pasukin niya ang showbiz.
Saad niya, "Honestly, sobrang dami e, but at the top of my head, it's really to be professional, be on time, stay grounded, always prepare and do your best."

Masaya at labis naman ang pasasalamat ng aktres sa mga komento at puri ng maraming manonood sa husay niya sa pag-arte.
Aniya, "Thank you for saying that, siyempre I'm super grateful.
"Wala talaga akong magsabi kungdi I'm so grateful for all the blessings and I'm looking forward to the next projects that are about to come.
"I still have a lot to work on, a lot to improve so yah, I'm so grateful for the opportunity to be doing these."
KAILA THANKFUL FOR INCLUSION IN THAT KIND OF LOVE CAST
Parte ng pelikulang That Kind Of Love ng Pocket Media Productions Inc. at pinagbibidahan nila Barbie Forteza at David Licauco, masaya si Kaila na nakasama niya sa pelikula ang BarDa loveteam lalo't naging malapit na kaibigan niya ang Kapuso actress.
Pagmamalaki niya, "Sobrang nakaka-proud siyempre, I'm so happy to be part of this really nice rom-com film. Nakaka-miss yung ganitong ka-light na rom-com, yun so I'm happy.
"They're really professional to work with, especially Barbie. Sobra kaming nagjng close after this movie..I just appreciate their generosity and their kindness."
KAILA REVEALS BUCKET LIST OF STARS SHE WANTS TO WORK WITH
Sa ngayon ay maraming artista na hinahangaan niya sa pag-arte ang gustong makatrabaho ni Kaila.
"Sobrang dami, puwede ba lahat? Hahaha.
"God, ang dami! Jodi Sta. Maria, Angelica Panganiban, Angel Locsin, Piolo Pascual, Jericho Rosales, Vilma Santos.
"I mean, they're so many, they're really so many.
"At the top of my head lang yun, pero sobrang dami, kung puwede lahat!"
Tinanong din si Kaila kung nasa bucket list din ba niya na makasama sa isang proyekto ang mga magulang.
"My parents? Siguro in the future, in the future definitely.
"Feeling ko, gusto kong mag-build up on experience.
"I still have a lot to work on. So, siguro pag mas confident na ako sa ginagawa ko, maybe then I'll be open to work with them," paninigurado niya.
KAILA DREAMS OF PLAYING LEAD ROLES SOON
Supporting ang mga roles na ginagampanan ni Kaila sa mga serye at pelikula ngayon, pero pangarap din daw ni Kaila na maging bida rin siya sa proyektong gagawin niya sa hinaharap.
Dalangin niya, "Yeah, I would love that.
"I mean, if it happens one day, I would definitely love that. Who wouldn't, di ba?
"I'm enjoying my time, I'm enjoying any role that I am given, kasi like I've said, I still have a lot to work on. I'm just happy to be casted in anything and be gaining experience."
Read:
Kaila Estrada earns praises for Can't Buy Me Love acting
Kaila Estrada: On her own shining brightly in family of stars
