PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jackie Gonzaga on love life; spotted anew with David Chua

Vice Ganda to Jackie Gonzaga: "I'm proud of you."
by Arniel C. Serato
Published Jul 13, 2024
Jackie Gonzaga on past relationship
It's Showtime co-host Jackie Gonzaga (left) opens up about her lovelife's journey; spotted enjoying karaoke night with Good Will co-star David Chua (right).
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Sa episode ng It's Showtime noong nakaraang Martes, July 9, 2024, napag-usapan nina Vice Ganda at Jackie Gonzaga ang tungkol sa pag-ibig.

Tanong ni Vice kay Jackie, "Paano mo nalamang in love siya sa 'yo?"

Sagot ng co-host, "Nung pinakitaan ka na ng effort."

Sundot ni Vice, "Sa doon mo namalayang mahal ka? Paano mo nalamang hindi ka na niya mahal?"

Sabi ni Jackie, "Yung nanghihingi ka na ng attention. Kasi nung una hindi mo naman hinihingi, kusa niyang binibigay.

"Pero nung dumating sa punto na hinihingi mo na. Tinatanong mo na, 'Bat hindi mo na ito ginagawa? Bat ayaw mo nang gawin?'

"Doon ko nari-realize na, 'Ay, nung una binigay nang kusa, tapos ngayon hinihingi ko na hindi pa binibigay."

Dagdag ni Vice, "Paano mo nasabing, 'Ay, tapos na to?'"

Ayon kay Jackie, "Kasi, ang dami mo nang nabigay ng pagkakataon, pero dumating pa rin sa punto na may ginawa pa rin siya para masaktan ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kahit tinanggap mo na yung mga dating pagkakamali, tapos inulit pa rin yung bagay na makakasakit sa yo, parang, 'Sinasadya na ba to? O hindi mo lang talaga ako mahal?'"

Sundot muli ni Vice, "Kailan mo nasabing, 'Ay, kaya ko nang lumaya at magpalaya?' Kasi minsan, di ba, alam mong tapos na pero ayaw mong maging malaya, di ba?

"Alam mo yun sa sarili mo kung ano yung dapat mong ginawa, yung tama. Pero minsan yung tama, ayaw mo, e, kasi hindi yun ang masarap sa pakiramdam.

"Pero, kailan mo nasabing, 'Ay, palalayain ko na yung sarili ko at palalayain ko na rin siya?'"

Seryosong sagot ni Jackie, "Hindi ko masabi yung makakalaya, pero dumating ako dun sa puntong bibitaw ako, kasi hindi ko deserve na paulit-ulit kang sasaktan. Yun.

"Tinanggap mo na nga lahat ng pagkakamali. Alam niyang masasaktan ka dun, pero bat inulit gawin sa iyo?"

Dagdag na tanong ni Vice, "Kailan mo nasabing, kaya mo na ulit?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Jackie, "Every day, tina-try ko sabihin. Going there. Baby steps."

Saad ni Vice, "I'm proud of you."

JACKIE GONZAGA-TOM DOROMAL RUMORED BREAKUP

Napabalitang break na diumano ang It's Showtime co-host sa longtime boyfriend na si Tom Doromal nitong mga nakaraang buwan.

Mas lalo pang umugong ang isyung hiwalay na si Jackie at Tom dahil, sa isang episode ng “EXPecially for You” ng It’s Showtime, bigla na lamang itong naging emosyunal nang sinabi ni Vice Ganda na “walang closure.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon pa kay Vice, na tumatayo ring manager ni Jackie, “Sabihin mo lang sa akin, anak, kung ready ka na. Sabi ko naman sa 'yo, di ba, ‘I will give you time.’”

Sabi naman ni Kim Chiu, “Mukhang naiiyak si Jackie, Ma.”

Biro ni Vice, “E, kasi nga wala ring closure, charot.”

Read: Ate Girl Jackie Gonzaga opens up about five-year-relationship with Hashtag Tom Doromal

JACKIE SPOTTED BONDING ANEW WITH DAVID

Sini-ship naman si Jackie noon sa co-actor niya sa Good Will ng Net25 na si David Chua.

Samantala, sa Instagram Story ni David noong nakaraang Lunes, July 8, 2024, nagbahagi ito ng bonding moments nila ni Jackie.

David Chua, Jackie Gonzaga party
Photo/s: Courtesy: Instagram. David chua and jackie gonzaga
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hudyat nga ba itong nagkakamabutihan na ang dalawa?

Read: David Chua reacts to Jackie Gonzaga’s rumored breakup

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It's Showtime co-host Jackie Gonzaga (left) opens up about her lovelife's journey; spotted enjoying karaoke night with Good Will co-star David Chua (right).
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results