PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

David Chua reacts to Jackie Gonzaga’s rumored breakup

"Dapat muna natin respetuhin yung pinagdadaanan niya."
by Arniel C. Serato
Published Jun 1, 2024
David Chua asked about Jackie Gonzaga's rumored breakup
Fans start shipping David Chua and Jackie Gonzaga who are now paired as a love team in season four of the Net25 show "GoodWill."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Sini-ship naman ng netizens ngayon si Jackie Gonzaga sa actor-director na si David Chua.

Ito ay matapos mapabalitang break na diumano ang It's Showtime co-host sa longtime boyfriend na si Tom Doromal.

Read: PEP BEST BETS 2024: The Pairs We Ship

Sa Instagram nitong nakaraang May 28, 2024, nag-post si David ng sweet photos nila ni Jackie na kasama niya sa sitcom na GoodWill ng Net25.

“Hey there Baby!” pa ang caption ng post niya.

View this post on Instagram

A post shared by DAVID CHUA (@daviduychua)

Komento ni Jackie, "hey there."

David Chua-Jackie Gonzaga conversation
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya naman kinilig ang ilang netizens.

Netizens on David-Jackie picture

DAVID showing support to jackie

Sa pamamagitan ng Viber messaging, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si David tungkol sa post niyang ito.

Aniya, “Ah, yun po yung song noong nakita po ninyo yung picture sa Instagram na pinost ko po, yun po yung title nung napili naming song, 'Hey There Baby,' kaya ho baby, ang caption doon. Yun lang po yun.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Actually, hango ang "hey there baby," sa 2020 collab song ng rap group ng Ex-Battalion at ng rappers na sina JRoa at Skusta Clee. Ang titulo ng kanta ay "Kakaiba."

Aware ba si David na may usap-usapang hiwalay na diumano si Jackie sa boyfriend nito of eight years na si Tom?

Sagot ni David, “Nakita ko po sa balita, sa news na nagkahiwalay nga sila, alam ko matagal sila, e.

“Di naman po namin napag-usapan nang masinsinan.

“Ako lang po e gusto ko lang gumabay sa kanya. Kasi alam ko ang pakiramdam ng... alam ko matagal sila, e. Hindi ko lang alam ilang taon, pero nanggaling rin ako sa ganung relasyon. Eight years po kami noon ng aking ex.

“Kaya gusto ko siyang gabayan. Gusto ko siyang supportahan sa kung ano man ang gusto niyang gawin sa buhay ngayon.”

Mai-in love naman kaya siya kay Jackie kung sakali?

Sagot ni David, “Sino ba namang hindi mapu-fall kay Jackie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa ganda ba naman ni Jackie, sa pagiging cowboy niya. Matagal ko nang hinahanap yung ganung klaseng babae, yung cowboy.

"Yung kahit saan mo dalhin na willing, kahit saan mo pakainin ay kumakain ng kahit anong pagkain, hindi maarte."

Pero, hindi raw muna ito inisip ni David. Nais lang muna niyang tulungan sa proseso ng healing si Jackie kung totoong hiwalay na nga ito kay Tom.

Read: David Chua reveals why he remains an “elusive” bachelor

Dagdag niya, “So, pero siyempre... e, dapat muna natin respetuhin yung pinagdadaanan niya.

"Dapat muna nating alalayan si Jackie sa kanyang mga pangarap sa buhay, kahit na nakamit na niya ang pinapangarap niya. Pero, proseso yung pinagdadaanan niya ngayon, e. Sa kanyang love life. Kung hiwalay na nga talaga sila.

"Pero kung magkabalikan naman po sila, ako sabi ko nga sa kanya, basta saan siya masaya.

"Pero hindi naman din ako papayag na masaktan pa siya ulit, dahil alam ko yung ganung pakiramdam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya sabi ko sa kanya, kami po, kasama ng Goodwill cast e sumusuporta po kay Jackie.”

SPECULATIONS ON JACKIE-TOM BREAKUP

Mas lalo pang umugong ang isyung hiwalay na si Jackie at Tom dahil naman sa isang episode ng “EXPecially for You” ng It’s Showtime, bigla na lamang itong naging emosyunal dahil sa sinabi ni Vice Ganda tungkol sa “walang closure.”

Ayon pa kay Vice, na tumatayo ring manager ni Jackie, “Sabihin mo lang sa akin, anak, kung ready ka na. Sabi ko naman sa 'yo, di ba, ‘I will give you time.’”

Sabi naman ni Kim Chiu, “Mukhang naiiyak si Jackie, Ma.”

Biro ni Vice, “E, kasi nga wala ring closure, charot.”

Read: Ate Girl Jackie Gonzaga opens up about five-year-relationship with Hashtag Tom Doromal

EXPLORING A LOVE TEAM IN GOODWILL

Nagbigay naman ng bagong update si David sa show niyang GoodWill.

Wala na nga ba si Devon Seron sa show? Ibig bang sabihin, si Jackie na ang pumalit dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: David Chua confirms “getting-to-know-each-other” stage with Devon Seron

Sagot ni David, "Season 3 pa lang po ng GoodWill, nandun na po si Jackie bilang si Kristy.

"Hindi naman po pumalit pero siya po nadagdag sa cast po ng GoodWill.

"Ang season ender po kasi ng Season 3, nagkaigihan si Devon Seron, ang pangalan niya si Sarah, ang character name niya doon, at saka si Piolo Pascual, ang pangalan niya si Nathan.

Read: David Chua hindi nagdalawang-salita kay Piolo Pascual

"So sinubukan muna namin ng mga writers na i-explore muna yung Lloyd, yung ginagampanan ko, i-explore muna natin na kung si Lloyd and Kristy mag-work."

Bukod kay Jackie, may isa pa raw aktres na napakaganda rin daw ng kutis ang papasok sa show.

Ang GoodWill ay ang weekly show nina David at iba pang celebrities na mapapanood tuwing Linggo, 4 P.M., sa Net25 bago ang Korina Interviews.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fans start shipping David Chua and Jackie Gonzaga who are now paired as a love team in season four of the Net25 show "GoodWill."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results