Maraming tagahanga ng JulieVer loveteam nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ang inaabangan ang pagrampa ng dalawa sa nalalapit na GMA Gala 2024.

Extra-special daw kasi ang gabing iyon para sa dalawa dahil nataong birthday din iyon ni Rayver. The Sparkle actor-TV host will turn 35 on July 20.
Natuwa nga raw si Rayver na sumabay ang GMA Gala 2024 sa kanyang birthday dahil on both occasions ay makakasama niya ang kanyang girlfriend.
"Ako, personally, sobrang saya ako tuwing GMA Gala kasi, siyempre, napakaganda ng date ko palagi.
“Dito ko tine-treasure ang moments ko with her kasi nga iniisip ko na talagang isa siyang malaking… bukod sa malaking event talaga, date night ko iyon kasama si Ms. Julie Anne San Jose. Tapos GMA gala pa," pahayag ni Rayver sa naganap na mediacon for Sparkles World Tour 2024 last June 27 sa Matrix Creation Events.
READ:
Julie Anne San Jose and Rayver Cruz: Better together
JULIE ANNE EXCITED FOR GMA GALA OUTFITS
Nakita na raw ng Kapuso couple ang sketches ng kanilang mga isusuot sa naturang event. Nakapili na rin daw sila ng magiging final outfits nila.

"May mga sketches na from our respective designers.
“Fitting wala pa, wala pong final na damit, but we are very, very excited because this year's gonna be glamorous, and we're very excited as well to spend it with each other and with our friends, with our colleagues.
“For sure this year is gonna be fun," lahad ni Julie.
Inspired nga raw ngayon si Julie dahil, bukod sa magkakasunod na trabaho, malaking bahagi ng happiness niya ngayon ay ang magandang relasyon nila ni Rayver.
JULIE ANNE SEES HERSELF IN RAYVER
Sa isang panayam sa 24 Oras kamakailan, sinabi ng Asia's Limitless Star, sobrang swak ang personality nila ni Rayver at nakikita niya raw ang kanyang sarili kay Rayver.
"Hindi ko nga alam kung bakit hindi kami nag-aaway, e.
“Si Ray kasi parang ako siya, or if I look in the mirror, I see Ray. Para akong nakahanap ng katapat ko or nakahanap ako ng kapareho ko.”
READ:
Wishful thinking: Julie Anne San Jose wants "church wedding"; Rayver Cruz likes "sa ibang bansa"
JULIE ANNE-RAYVER WEDDING SOON?
Sinagot din ni Julie ang tanong kung nasa plano na ba nila ang magpakasal ni Rayver.
Sagot ni Julie, "Of course, we really do talk about it. Marami pa kaming mga pangarap individually, but of course being together, we also want to achieve those dreams together.
“Right now, we're just not forcing things to happen and we're not really rushing. Ako naman kasi, I'm the kind of person na kung sino man yung ka-relationship ko or kung sino man yung other half ko, siyempre yun yung goal ko na gusto ko siya na talaga.”
Sa naging interview noon ni Rayver sa Fast Talk with Boy Abunda, sinabi nito na si Julie na ang nakikita niyang babaeng papakasalan niya.
“Para sa akin kasi, Tito Boy, everything happens for a reason, e, and Siya lang ang nakakaalam noon sa itaas.
“Para sa akin kasi, yung river of hope ko, yung lakas ng loob ko ay nanggagaling kay Julie. So, iniisip ko, may rason kung bakit si Julie, magkasama kami sa Holy Land. And for me, mind, body, and soul, kasal na ako sa kanya,” diin ni Rayver.
JULIE ANNE, RAYVER GEAR UP FOR OTHER SHOWS, TOURS
Bukod sa preparations for GMA Gala 2024, nagsimula na rin daw ang rehearsals nila para sa Sparkle World Tour 2024 sa August.
Dalawang shows ang gagawin ng JulieVer sa Californi, kasama sina Alden Richards, Isko Moreno, Ai-Ai delas Alas, at Boobay. Ito ay sa Anaheim on August 9 at sa San Francisco on August 10.
Makakasama rin ang JulieVer sa September 1 sa Tokyo, Japan, with Bianca Umali, Ruru Madrid, Jillian Wards, Ken Chan, Betong, at special guest na si Ms. Divine Daldal.
Si Julie naman ay naghahanda rin para sa first concert niya with Stell Ajero of SB19 na Julie X Stell: Ang Ating Tinig concert na gaganapin sa New Frontier Theater sa July 27 at July 28.
Magbabalik din si Julie bilang coach sa The Voice Kids.
READ:
Julie Anne San Jose, Rayver Cruz post PDA moments during fishing trip
Rayver Cruz, Julie Anne San Jose trade sweet messages on IG; are they an item?
