PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bong Revilla walking again after foot injury

"Puwede nang magsayaw uli."
by Melba R. Llanera
Published Jul 16, 2024
bong revilla
Bong Revilla is thankful for fast recovery from accident. "After two months and two weeks, heto nakakalakad na tayo."
PHOTO/S: @bongrevillajrph on Instagram

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpakita muli si Senator Bong Revilla pagkatapos ng kanyang aksidente.

Matatandaang napunit or nagka-rupture ng kanyang achilles tendon sa shooting ng Layas Boy Pogi 4 nitong Abril 2024.

Senator Bong Revilla with an inset photo of him after his recent surgery
Photo/s: Gorgy Rula

Read: Senator Bong Revilla, posibleng maoperahan dahil sa napunit na Achilles heel

Nitong July 7, dumalo ang action star kasama ang kanyang misis, si Congressman Lani Mercado, sa nakaraang 7th Eddy's Awards Night na ginanap sa grand ballroom ng Manila Marriott Hotel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam ng (Philippine Entertainment Portal (PEP) sa mag-asawa, ibinalita ng mag-asawa ang mabilis na recovery ni Sen. Bong pagkatapos ng halos tatlong buwan na pagpapagaling nito.

Masayang pahayag ng senador, "After two months and two weeks, heto nakakalakad na tayo.

"Salamat sa aking mga doktor, sa aking therapy, napakabilis na recovery. Actually, marami ang nagugulat kung bakit nakakalakad na ako.

"Parang di naoperahan, akala parang ordinaryong pilay lang, pero talagang putol ang aking Achilles tendon.

"Sa awa ng Diyos, nagpapasalamat ako sa mga nagdasal, at least heto puwede nang magsayaw uli ng Budots. Hahahaha."

Saad naman ni Congresswoman Lani, "Siyempre malungkot, dobleng lungkot.

"Kasi maraming bagay na pinaghahandaan siya. He wanted to do a film na dapat sana ay maging entry for the Metro Manila Film Fest.

"Alam ko yung pakiramdam niya, plus yung recovery period, yung operasyon, nandiyan yung mga agam-agam, nandiyan yung worry, yung pag-aalala.

"Pero sa awa ng Diyos, mahuhusay ang mga doktor, marami ang nanalangin kaya hayan, two months and a half week, naglalakad na, wala ng boot."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BONG REVILLA'S speedy RECOvery

Sa pagpapatuloy ni Senator Bong, kailangan na lang daw niya ng dalawang buwan para tuluyan na nang gumaling.

Masuwerte na raw siya dahil yung iba, umaabot ng isang taon bago gumaling nang lubusan.

Sabi niya, "Give me another two months, kaya ko nang tumalon. Ang total healing talaga is one year.

"Pero sa bilis ng recovery ko because of the technology nowadays, mas mabilis siya.

"Nagte-theraphy pa rin ako almost every day kaya mabilis ang recovery ko. May awa ang Diyos."

Pagkukumpirma pa ng actor-politician, "Malay mo mapapanood niyo ako sa Tolome, duma-dive na uli. Yes, babalik kami, season 3."

Tolome ang karakter niya sa sitcom na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

BONG REVILLA resumes shoot

Sa mabilis niyang paggaling, disiplina, determinasyon, at positibong pananaw lang daw ang kailangan.

Aniya, "Disiplina talaga, mind over matter. Sinasabi nga nila kailangan slow but sure, sabi ko no, fast but sure.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kasi it's all in the mind, pagka bineybi ko ya, mahihirapan akong maka-recover nang ganun kabilis."

Ang tanong, magpapa-double na ba siya kapag may mga actions scenes siyang gagawin sa pelikula o sitcom?

Tugon niya, "Bihira ako magpa-double, di ba? Bihira, pero puwede siguro. Depende. Kung kaya ko, I'll do it pa rin.

"Titingnan natin iyan. Dalawang buwan, two months siguro ide-delay muna. Yung mga comedy, yung mga dialogue, puwede nang i-shoot yun, three weeks.

"Pero yung mga action scenes, ide-delay ko para nasa kundisyon si Tolome."

Nanghihinayang man na di na matutuloy na masali sa darating na Metro Manila Film Festival ang Alyas Pogi 4, siniguro naman ni Senator Bong na sa susunod na taon ay isasali na niya ang pinasikat na action film.

Patapos na pahayag niya, "Sayang, kasi dapat mayroon akong Alyas Pogi 4. Siguro for next year na, di ko na kakayanin.

"Siyempre pag pelikula mas intense yung action, e, although yung mga ginagawa ko for television, intense din yung action, pero marami tayong magagawang paraan para magawa natin yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang importante, mapasaya natin ang mga viewers."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bong Revilla is thankful for fast recovery from accident. "After two months and two weeks, heto nakakalakad na tayo."
PHOTO/S: @bongrevillajrph on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results