PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sen. Bong Revilla: Operasyon sa Achilles Heel?

Senator Bong Revilla, napunit ang Achilles heel dahil sa sobrang bilis ng takbo.
by Jojo Gabinete
Published Apr 17, 2024
bong revilla hospitalized
Senator Bong Revilla is currently confined in a hospital after tearing his Achilles heel on the first shooting day of his upcoming film, Alyas Pogi 4.
PHOTO/S: Bong Revilla Facebook

Humihiling ng dasal si Senator Bong Revilla dahil malaki ang posibilidad na operahan siya para sa kanyang napunit o torn Achilles heel.

Ibinalita ni Bong sa mga tagasubaybay nito ang kanyang kalagayan mula sa hospital bed niya sa pamamagitan ng Facebook Live noong Martes ng gabi, Abril 16, 2024.

Nagkaroon ng pinsala sa paa ni Bong dahil sa mabilis na pagtakbo sa unang araw ng shooting niya para sa kanyang bagong pelikula, ang Alyas Pogi 4.

Read: Bong Revilla aksidenteng tinamaan ng baril sa mata sa Walang Matigas Na Pulis taping

“Yung aking Achilles tendon, e, medyo may partial tear kaya kailangan ng operation.

“First day ko ng Alyas Pogi 4, kasama si Ara Mina at Epy Quizon. You know, may mga pangyayari na hindi mo maiiwasan kaya mangyayari talaga yon,” pagbabahagi ng actor-politician na kasalukuyang nakaratay sa isang ospital sa Taguig City.

“Basta importante, ipagdasal nyo po na hindi naman ganoon grabe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero na-MRI na po ako kanina at sinabi nga ng doktor na fifty percent ng aking Achilles heel, e, na-tear dahil sa pagtakbo. Dahil sa sobrang bilis ko raw tumakbo.

“Yun ang sinasabing na hindi na tayo bumabata, tumatanda na, but I am okay.

"Yun nga lang, yung healing time, medyo matagal-tagal. After the operation, medyo three to five months ang healing.”

Read: Bong Revilla on showbiz and political careers: "Battle-tested na."

Hindi naitago ni Bong ang pagkadismaya kaya napakamot siya at nakapagsalita ng “Nakakainis.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May dahilan para hindi matuwa si Bong dahil tiyak na maaapektuhan ng nangyari sa kanya ang mga schedule niya.

Nangangahulugan din ito ng pansamantalang pagkakahinto ng shooting ng Alyas Pogi 4 at ng ibang mga gawain niya bilang aktor at senador.

Sasailalim si Bong sa mga blood test para matukoy ng kanyang doktor kung maaari na siyang operahan para mabigyan agad ng lunas ang napinsala niyang Achilles heel.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Bong Revilla is currently confined in a hospital after tearing his Achilles heel on the first shooting day of his upcoming film, Alyas Pogi 4.
PHOTO/S: Bong Revilla Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results