PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Leo Martinez opens up about closeness with the late Cherie Gil

Leo Martinez describes relationship with the late actress
by Bernie V. Franco
Published Jul 20, 2024
Leo Martinez with inset photo of Cherie Gil
Leo Martinez asked about relationship with ex-partner Cherie Gil before she passed away. Leo and Cherie had a short-lived romance and have a son together.
PHOTO/S: GMA Network

May maiksing paglalarawan ang veteran actor na si Leo Martinez tungkol sa dating nakarelasyong aktres, the late Cherie Gil.

Sina Leo at Cherie ay nagkaroon ng short-lived romance at nagkaroon ito ng bunga — si Jeremiah David "Jay" Gil Eigenmann, 37.

Read: Get to know Jay Eigenmann, eldest son of the late Cherie Gil

Sa U.S. nakabase si Jay at nagtatrabaho bilang isang sound engineer.

Pero sa kabila ng maiksing relasyon, napanatili raw ni Leo ang closeness nila ni Cherie, hanggang sa pumanaw ang aktres noong August 5, 2022.

Si Cherie ay 59 anyos nang bawian ng buhay dahil sa endometrial cancer.

Read: Award-winning actress and primera contravida Cherie Gil dies at 59

Nabanggit ni Leo ang tungkol sa "very close" na ugnayan nila ni Cherie sa Tonight with Boy Abunda interview niya noong July 17, 2024.

Inusisa sa interview si Leo kung naniniwala siyang malakas ang sex appeal ng mga lalaking komedyante katulad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ko alam. Hindi naman ako babae, e," may birong sagot ni Leo.

Pagkatapos ay sinundot siya ng tanong kung attracted siya sa "strong women."

"Maybe," maiksing sagot ni Leo.

At saka magkasunod na binanggit ni Boy Abunda ang current wife ni Leo na si Gina Valenciano, kapatid ni Gary Valenciano, at dating nakarelasyong si Cherie.

Tinanguan ni Leo ang dalawang babaeng binanggit.

Sundot pang tanong ni Boy kay Leo: "How was your relationship before our friend, Cherie, passed on?"

Sagot ni Leo, "Before... ay, close na close kami... Even Cherie and Gina are close. Very...

"I'll show you a picture na silang dalawa ang..." pag-volunteer ni Leo.

Pagkatapos ay ipinakita sa katabing LED screen ang hugging photo nina Cherie at Gina.

Ito rin ang ipinost na photo ni Gina nang pumanaw si Cherie, patunay sa kanilang friendship.

Sa puntong iyon ay binanggit ni Leo na kahit ang kanyang mga anak ay may magandang ugnayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At saka yung mga anak ko, they grew up na magkakapatid sila," diin ni Leo.

Si Leo ay may anim na anak — dalawa sa unang babaeng inibig, isa kay Cherie, at tatlo kay Gina.

Proud si Leo sa pagsasabi kung ilang anak meron siya sa tatlong babaeng kanyang nakasama.

Katuwiran niya, "Kasi makasalanan na nga ako, ayoko nang dagdagan yung pagiging ipokrito pa."

Read: Leo Martinez opens up about son with Cherie Gil and his other children

GINA AND CHERIE WERE BEST OF FRIENDS

Sa YouTube interview ni Snooky Serna kay Leo noong January 2024, ibinahagi rito ng beteranong aktor na "best of friends" sina Gina at Cherie.

Matapos ang short-lived romance ni Leo kay Cherie, nakarelasyon at kalaunan ay pinakasalan si Gina.

Sa pagri-rate sa kanyang sarili, sinabi ni Leo na siya ay 9 bilang isang asawa at 10 naman bilang isang ama.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Leo Martinez asked about relationship with ex-partner Cherie Gil before she passed away. Leo and Cherie had a short-lived romance and have a son together.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results