Tiniyak ni Ana Ramsey na masaya siya sa kanyang kinalalagyan ngayon.
Ito ay matapos niyang madawit sa pagiging kontrobersiyal recently ni Willie Revillame dahil sa pagra-rant nito sa kanyang afternoon variety-game show sa TV5 na Wil To win.
Mainit na pinag-uusapan si Willie sa social media.
Nagkalat ang video clips mula sa Wil To Win kung saan nanenermon siya ng staff, at nagrereklamong pagod na ito kahit kasisimula pa lamang ng show niya sa TV5.
Binabatikos si Willie ng netizens dahil sa anila’y hindi magandang attitude nito sa nagsisimula pa lamang niyang show.
Read:
- Willie Revillame, nagreklamong nahihirapan na sa Wil To Win
- The Win Girls, co-hosts sa show ni Willie Revillame sa TV5
ANA RAMSEY DRAGGED INTO WILLIE’S CONTROVERSY
Sa pagpuna ng netizens kay Willie, nadadawit ang isa sa mga co-host niyang si Ana Ramsey.
Bago ang Wil To Win, highly identified si Ana bilang regular host ng Showtime Online U, ang online show ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.
Tanong ngayon ng netizens, hindi ba nagsisisi ang host at disc jockey sa ginawa niyang paglipat sa show ni Willie?
Ang iba, kinakastigo si Ana kung bakit pa siya lumipat sa anila'y “toxic” na programa.
Ginawan pa siya ng memes, tulad ng screenshot niyang mukhang hindi masaya at may caption na, “yung di mo na alam kung tama pa ba mga desisyon mo sa buhay”
May post pa na ganito (published as is): “worth it ba anna ramsay” “mas mabuti pa sa it’s Showtime”


Mayroon namang recent post si Ana na halatang reaksiyon niya sa ipinupukol na isyu.
“Masaya ako, sana kayo din po. Good night” simpleng post niya sa X noong July 19, 2024.
May netizen na nagbigay ng words of encouragement kay Ana.
Sabi nito: “Tuloy mo lang yan DJ Ana! Ikaw lang din naman inaabangan ko doon. Very proud of you!”
Sagot ni Ana, “aww thank you”


Sa kabila ng isyu, may mga nakukuhang papuri si Ana sa pagiging energetic co-host.
Bukod kay Ana, co-hosts din ni Willie sa Wil To Win sina Cindy Miranda, Christine Bermas, MJ Cayabyab, Roberta Tamondong, Gabrielle Basiano, Boobsie Wonderland, MJ Cayabyab, Donita Nose, Inday Fatima, at Sam Verzosa.
May 10, 2024, nang mag-announce si Ana na lilisanin na niya ang Showtime Online U.
Post niya noon, “Maraming salamat po sa mahigit limang taon ng kulitan at tawanan, Madlang Onliners!
“Sana ay samahan at suportahan ninyo pa rin ako sa panibagong kabanata ng aking paglalakbay. Your Trendy Diva, signing off!”

Lumalabas na career move ang consideration ni Ana sa kanyang paglipat.
Post niya sa X noong May 17, “At the end of the day ang gusto lang naman natin ay mag trabaho, makapag provide para sa pamilya, matupad ang mga pangarap, makapag pasaya at mag silbing insipirasyon.
“Bakit hindi ka na lang maging masaya para sa taong nag susumikap?”

