Marami ang kinilig nang makitang magkasama sa GMA Gala 2024 sina Kyline Alcantara at Kobe Paras sa Manila Marriott Hotel sa Pasay City, Sabado ng gabi, Hulyo 20, 2024.
Noong Mayo 2014 pa natunugan ng showbiz fans ang closeness ng Kapuso actress at ng basketball player, kaya naman marami ang nag-aabang sa totoong relationship status nila.
Read: Kobe Paras reposts Kyline Alcantara's Instagram photo
At sa naganap na GMA Gala kagabi ay nasaksihan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na sabay na naglalakad ang dalawa.
Nakakapit pa ang nakangiting aktres sa braso ng binata.
Ngunit sa red carpet sa simula ng event ay hindi sila sabay naglakad.
Mag-isang pumasok si Kyline sa ballroom ng Marriott Hotel Manila.
Marami ang namangha sa kanyang gown na may symmetrical silver cording na gawa ng foreign brand na Cult Gaia.

Samantala, kasabay naman ni Kobe ang kanyang nakatatandang kapatid na si Andre Paras.

KOBE PARAS The FanBoy
Sa eksklusibong panayam ng PEP kay Kobe sa red carpet, sinabi nitong last minute ang imbitasyon niya para sa GMA Gala.
Gayunpaman, tinulungan siya ng isang kaibigang designer para sa kanyang dashing outfit.
“So I messaged my dear friend Chynna Mamawal, whose an amazing designer. She actually styled me today.
"And, you know, I feel so grateful that with the limited time that I gave her, she was able to come out with this amazing masterpiece,” saad ng 26-year-old basketball player.
Suot din niya ang mga alahas galing sa jewelry shop ng kanyang ninang na si Suzette Ayson.

Tanong ng PEP, bakit ang kapatid niyang si Kobe ang kasabay sa red carpet, at hindi ang sinumang ka-date niya?
“I got invited last minute, so I don’t know, sino ba ito?” pag-iwas niya.
Sa puntong ito ay diretsahan nang tinanong ng PEP si Kobe kung bakit hindi niya sinamahan si Kyline.
Sagot niya, “fanboy” lang siya ng aktres sa gabing iyon.
“For tonight, I’m just a boy who is a fan.
"And, you know, I think this is her first time walking alone. So, you know, she deserves every spotlight.
"And I know tonight she’s gonna look amazing,” pahayag ni Kobe.
Ano nga ba ang nagustuhan niya sa Shining Inheritance star?
“She’s very ambitious,” sagot ni Kobe.
“She is phenomenal with what she does. I get motivated seeing her do what she loves.”
"GREAT FRIEND" KYLINE ALCANTARA
Samantala, sa hiwalay na panayam ng GMA News Online sa parehong event, itinanggi ni Kobe na malalim na ang ugnayan nila ng Kapuso celebrity.
“Great friends” lang daw sila sa ngayon.
“We are great friends. Bakit girlfriend agad? Nagtanong na ba ako?” sagot ni Kobe sa tanong ng GMA News Online.
Unang naghinala ang fans sa closeness nina Kyline at Kobe noong nag-interact ang dalawa sa kani-kanilang Instagram accounts noong Mayo.
Nag-comment kasi si Kobe ng heart emoji sa isang post ni Kyline.
Bago nito ay nahuli silang may parehong post tungkol sa isang restaurant sa Makati sa parehong araw.
Noong June naman ay namataan ang dalawang magka-holding hands habang namamasyal sa BGC sa Taguig.
FANS' REACTION
Maraming fans ang kinilig sa sweetness nina Kyline at Kobe sa GMA Gala.
@pepalerts Kyline Alcantara & Kobe Paras #PEPatGMAGala2024 #GMAGala2024 #EntertainmentNewsPH #NewsPH ? original sound - PEP.ph
Makikita ito sa comments ng netizens sa Tiktok post ng PEP tampok ang dalawa (published as is):
“Pwd na ata ako matulog solve na ako omg! ang kilig ko talaga d ko na Kaya... tooooo” sabi ng isang TikTok user.
“bakit kinikilig ako sa kanila sobrang lakas ng chemistry nila” comment naman ng isa.
“layag na sila” sabi naman ng isa pa.