Unti-unti nang nakukumbinsi ang netizens na may espesyal ngang namamagitan sa Kapuso actress na si Kyline Alcantara at basketball player na si Kobe Paras.
Matapos ang hinihinalang dinner date nila noong nakaraang linggo, ngayong Huwebes, May 30, 2024, ay muling naintriga ang netizens nang mag-comment at i-repost ni Kobe sa kanyang Instagram Stories ang bagong upload na picture ni Kyline sa Instagram.
Sa mga litrato, makikita si Kyline na nakasuot ng gray romper short habang nakaupo sa isa ring gray couch.
Sa comments section ng post na ito ni Kyline, kapansin-pansin ang pagkukomento ni Kobe ng smiling face with heart-eyes emoji.

Ni-repost din ni Kobe sa kanyang IG Stories ang nasabing post ni Kyline.
Wala siya ibang inilagay rito kundi white heart emoji.

NETIZENS REACT
Dahil sa pagku-comment at repost ni Kobe, marami sa mga tagahanga nila ni Kyline ang nakukumbinsi sa balitang magkarelasyon na ang dalawa.
Komento ng isang netizen (published as is), "Iba deeen. Sino-soft launch ka na mhie ni Kobe."
Sabi pa ng isa, "Wala na, minyday na wala na may nag wagi na."
Kinikilig namang saad ng isa, "omg totoo ang chismis hahahahaha."
Dagdag pa ng isa, "Confirmed. Tapos na ang pila."
KYLINE-KOBE DATING RUMORS
Noong May 19, nagsimulang pag-usapan kung may namamagitan kina Kyline at Kobe.
Ito'y matapos mapansin ng mapanuring netizens ang pagkakahawig ng larawang ipinost nila sa kani-kanilang Instagram account.
Nag-post si Kyline sa Instagram ng mga larawang kuha niya, habang siya ay kumakain. Kabilang sa in-upload niya ang larawan ng mga chef sa loob sa isang kilalang restaurant sa Makati City.

Tanging smiling face with hearts emoji ang inilagay na caption dito ni Kyline.
Ang interior ng restaurant na kinainan niya ay nahahawig naman sa Instagram Stories na ipinost ni Kobe noong araw ring iyon.
Makikita rito ang picture ng nakatayong chefs sa kitchen area habang may dalawang wine glass at bulaklak sa lamesa.
Walang kahit na anong caption na inilagay si Kobe.

Dahil dito, marami sa tagahanga ng dalawa ang natuwa sa posibleng relasyon mayroon sila, gayong sina Kyline at Kobe naman daw ay parehas single ngayon.
Read: Are Kyline Alcantara and Kobe Paras dating?
KYLINE ALCANTARA'S PAST RELATIONSHIP
Ang Kapuso actor-TV host na si Mavy Legaspi ang huling nakarelasyon ni Kyline.
Bukas sa publikong sabihin nina Kyline at Mavy na nagsimula silang matalik na magkaibigan hanggang sa maging opisyal silang maging magkasintahan.
Read: Kyline Alcantara unfollows Legaspi family on Instagram
Ngunit noong November 2023, nabalot ng kontrobersiya ang kanilang relasyon nang mapabalitang naghiwalay na sila.
Hanggang ngayon ay wala pang isinasapublikong dahilan sina Kyline at Mavy kung bakit sila naghiwalay.
Read: Kyline Alcantara-Mavy Legaspi relationship: A timeline
Ngunit nagsimulang mapansin ng netizens ang kanilang breakup nang tila magpatutsadahan online si Kyline at ang ina ni Mavy na si Carmina Villarroel, bagay na hindi nagustuhan ng ilang netizens, partikular ng mga tagahanga ni Kyline na tinawag na "mama's boy" si Mavy.
Read: Kyline Alcantara, Carmina Villarroel both post cryptic message about “peace”
Nadawit din ang ang co-host ni Mavy sa defunct noontime show na Tahanang Pinakamasaya (dating Eat Bulaga!) na si Dasuri Choi sa hiwalayan nila ni Kyline.
Si Dasuri ang itinuturong third party umano sa relasyon noon nina Mavy at Kyline.
Read: Kyline Alcantara admits she is hurting but is moving forward
Hanggang noong February 24, 2024, sa pamamagitan ng vlog sa YouTube, mariing pinabulaanan ni Dasuri na may relasyon sila ni Mavy at siya ang sumira sa relasyon ng dalawa.
KOBE PARAS'S PAST RELATIONSHIP
Samantala, sa pagkakaalam ng publiko, si Erika Rae Poturnak naman ang huling naging kasintahan ni Kobe.
Mismo ang ina ni Erika na si Ina Raymundo ang nagkumpirma sa PEP.ph (Philippine Enertainment Portal) noong March 17, 2023, na hiwalay na sina Erika at Kobe.
Ito ay sa kabila ng walang tuwirang pag-amin ang dalawa tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon.
Read: Ina Raymundo confirms breakup of daughter Erika Poturnak, Kobe Paras
Ayon kay Ina, LDR o long-distance relationship ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa.
"No, they're not together," pagkumpirma ni Ina.
Diin pa niya, "Basta wala na, yun lang. Hindi nag-work. Long distance does not work.
"It's a mutual decision. They're good, no bitterness, nothing."
Noong June 2022, nang unang mapansin ng netizens na may epesyal na relasyong namamagitan kina Kobe at Erika.
Read: Ina Raymundo’s daughter Erika Rae Poturnak spotted with Kobe Paras
Ito'y matapos nilang magbahagi sa Instagram ng mga larawan nilang magkasama habang nagbabakasyon sa Bali, Indonesia.
Read: Kobe Paras, Erika Poturnak get cozy in Bali "with love"
Pero pagsapit ng September 2022, nag-unfollow sila sa isa't isa sa Instagram matapos nilang magbakasyon sa California.
Read: Kobe Paras, Erika Poturnak unfollow each other on Instagram
Nag-follow back din sila kalaunan, pero sinasabing nag-unfollow-an uli noong January 2023.
Read: Kobe Paras, Erika Poturnak end “short-lived” romance?
Hanggang noong June 17, 2023, napabalitang nagkabalikan sina Kobe at Erika nang maispatan silang magkasama sa isang airport sa Siargao.
Read: Are Kobe Paras and Erika Poturnak back together?
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang pahayag sina Kyline at Kobe tungkol sa kanilang relasyon o ugnayan.
