PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelu de Leon: "Binabayaran ako para maging ang sama."

Did Angelu de Leon consider Small Laude as peg for donya role in Pulang Araw?
by James Patrick Anarcon
Published Jul 26, 2024
Angelu de Leon asked permission from Mayor Vico Sotto to do Pulang Araw
Angelu de Leon on asking permission from Pasig City Mayor Vico Sotto (not in photo): "Sabi ko, ‘Boss, puwede bang rumaket?’ Sabi ko talaga, it's such a privilege to do this big of a show and I really couldn't let go of it, and at that time, perfect din yung timing kasi wala nang masyadong ginagawa sa City Hall. Nag-start kami nito, December so pa-break na. So, sobrang perfect."
PHOTO/S: James Patrick Anarcon

Pinagsasabay ngayon ni Angelu de Leon ang pagiging konsehal ng Pasig at pagiging aktres.

Bahagi siya ng upcoming Kapuso primetime series na Pulang Araw, na pinagbibidahan nina Alden Richards, Sanya Lopez, David Licauco, at Barbie Forteza.

Sa period drama na ito, gumaganap si Angelu bilang Carmela, ang ina ni Teresita (Sanya) at stepmother ni Adelina (Barbie).

Hindi maganda ang pakikitungo niya kay Adelina dahil siya ay anak sa labas ng asawang si Julio (Epy Quizon) sa kabit nitong si Filipina (Rhian Ramos).

Kontra rin si Carmela sa pag-iibigang mabubuo sa pagitan nina Teresita at Eduardo (Alden), kapatid ni Adelina sa ina.

Pulang Araw starring Alden Richards, Sanya Lopez, David Licauco and Barbie Forteza
Cast of Pulang Araw
Photo/s: James Patrick Anarcon
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Angelu sa press conference ng Pulang Araw sa The Peninsula Manila, sinabi niyang mahirap hindian ang nasabing project.

Kuwento niya, “Actually, noong in-offer sa akin at kinwento slightly, ang unang-una ko talagang ginawa, hindi talaga ako nag-no kasi it's just with a grateful heart that they thought of me.

“And then, noong nangyari na yung magso-storycon at nakita ko na yung buong picture ng show, grateful ako na nandito ako ngayon.

"And parang sabi ko nga, yung pagbabalik after a long time, di ba, parang hindi siya basta-basta?”

Ang Pulang Araw ang comeback project ni Angelu sa GMA-7 pagkatapos ng apat na taon.

Bagama’t huli siyang napanood sa isang episode ng Magpakailanman noong 2023, ang huling teleseryeng ginawa niya sa Kapuso network ay ang Inagaw na Bituin noong 2019. Bida ng huling nabanggit na serye si Kyline Alcantara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang huling series na ginawa ni Angelu ay sa TV5 noong 2021, ang VIVA-produced project na Di Na Muli kasama si Julia Barretto.

Patuloy niya, “Storycon pa lang, nag-iiyakan kami of how good the project is because it's not fictional, it is true to life, there are true people behind it, there were true stories of true Filipinos that went through it.

“So, talagang storycon pa lang, very emotional kaming lahat."

Binanggit niya na maraming war-time stories ng mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay.

Dagdag niya, "Yung mga ganung bagay. Kaya sabi ko, sobrang grateful ko that they thought about me for this role.”

Read: (Updated) GMA Gala 2024 sidelights: Did Alden pay for extension of after-party? Sparkle rep speaks up

aNGELU DE LEON ON ASKING PERMISSION FROM MAYOR VICO

Pero kahit siya ay nagbabalik sa pag-aartista, na nasimulan sa pelikulang Sunny, tuloy pa rin ang trabaho ni Angelu bilang councilor sa second district ng Pasig.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kaya raw kinailangan niyang magpaalam sa kanyang mga boss: si Mayor Vico Sotto at Vice Mayor Iyo Bernardo.

Saad ni Angelu, “Oo, actually yun talaga yung isa ko ring ginawa. Sabi ko, ‘Boss, puwede bang rumaket?’

“Sabi ko talaga, it's such a privilege to do this big of a show and I really couldn't let go of it, and at that time, perfect din yung timing kasi wala nang masyadong ginagawa sa City Hall.

“Nag-start kami nito, December so pa-break na. So, sobrang perfect.

"And siyempre, kay Vice Mayor din. So talagang noong pinagbigyan nila ako, sobrang happy.

"I think God-ordained siya, di ba? Sabi nga, if everything aligns with all aspects of life, talagang you are meant to be.”

Pero tinanong din siya ng PEP.ph kung ano ang masasabi niya sakaling merong bumatikos sa kanyang hindi niya ginagawa ang trabaho niya bilang konsehal dahil napapanood siya sa TV.

Paliwanag ni Angelu, “Siguro, to justify, may tinatawag na work-life balance. Feeling ko, yung work ko is pagiging konsehal, yung ‘and’ ko, yung in between [work] at saka life, yung pagiging artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre, yung life ko is yung family life and personal time with my family. So, I think it's just a matter of priorities.

“And I think my work would speak for itself. Ang hirap naman magbuhat ng bangko, di ba, pero basta, alam naman ng mga Pasigueno yun.”

Read: Jhong Hilario seeks legal recognition of divorce from ex-wife

PORTRAYING CARMELA in pulang araw

Sa isang banda, ang Pulang Araw din ang comeback ni Angelu sa paggawa ng kontrabida roles. Huli pa niyang kontrabida role ay sa 2018 afternoon series na The Stepdaughters.

Dito naman sa Pulang Araw, isa siyang donya na dinidikta ang lahat ng gagawin ng kanyang anak, at mapang-api sa kanyang stepdaughter. Kontra rin siya sa pagpasok nina Teresita at Adelina bilang mga performer sa bodabil.

Nang biruin siya ng isang press na hindi na raw mahirap sa kanyang gumanap bilang donya, natatawang sagot ni Angelu, “Well… waaah!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag niya, “I think, pinakamahirap lang talaga sa kanya is yung outfit change pero itself, marami akong pegs. Marami akong mga tita pegs!”

Tinanong din siya kung isa ba ang socialite-vlogger na si Small Laude sa kanyang mga pegs, nakangiting sagot ni Angelu, “Oo, mga ganun…

“Basta marami, marami yan, maraming-marami akong mga tita na pegs na, ‘Ah, ganito pala silang mga donya.”

Pero naaaliw din daw si Angelu sa pagganap ulit bilang kontrabida pagkatapos ng halos anim na taon.

“I think, sabi ko nga, madali siya in a sense na nakakatawang isiping binabayaran akong maging ang sama. Gusto mo yun? Hahaha!”

Ang madalas naman na mga kaeksena ni Angelu ay sina Alden, Barbie, Epy, at Sanya na gumaganap bilang kanyang anak.

Sa kanilang apat, si Sanya lang ang unang beses na makakatrabaho ni Angelu sa Pulang Araw, pero “fortunate” daw siya na naging anak niya ang Kapuso actress sa teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa katunayan, ikinatutuwa ni Angelu ang samahan nila sa set lalo pa’t hindi madali ang proyektong kanilang ginagawa.

Aniya, “Very grateful kasi unang-una, yung professionalism nila, yung respeto nila, hindi lang sa craft nila kung hindi sa katrabaho nila is something else.

“So, I think it makes the work lighter kahit in truth, hindi siya madaling gawin. I think lahat kami nun, magsasabi na hindi siya madaling taping. Hindi siya yung parang easy breezy lang.

“Unang-una, meron kang mga lengguwahe, meron kang mga wikang Tagalog na talagang unang take, lagi kaming take two, take three kasi nabubulol kami sa pagsasalita ng Tagalog.

“Yung mga damit, sa sikat ng araw, naka-velvet ka [pero] dapat, hindi ka nagpapawis. Hindi siya madali. Marami kayong makikitang factors dito na masasabi niyong hindi siya minadali at hindi siya puchu puchu.”

Sa huli, masasabi ni Angelu na talagang na-miss niyang gumawa ng teleserye.

“Sobra. Nakaka-miss lahat siya, yung ganito, yung presscon, yung paggawa, early call time, pagpunta sa location. Nakaka-miss siya lahat kaya grateful talaga ako na part ako ng Pulang Araw.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magsisimulang mapanood ang Pulang Araw sa Netflix ngayong Biyernes, July 26, at sa GMA-7 sa Lunes, July 29.

Ito ay sa ilalim ng punong panulat ni Suzette Doctolero at direksyon ni Dominic Zapata.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelu de Leon on asking permission from Pasig City Mayor Vico Sotto (not in photo): "Sabi ko, ‘Boss, puwede bang rumaket?’ Sabi ko talaga, it's such a privilege to do this big of a show and I really couldn't let go of it, and at that time, perfect din yung timing kasi wala nang masyadong ginagawa sa City Hall. Nag-start kami nito, December so pa-break na. So, sobrang perfect."
PHOTO/S: James Patrick Anarcon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results