PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ruby Ruiz recalls shooting Bona with Nora Aunor, Lino Brocka

Ruby Ruiz remembers getting paid PHP700 for two-day shooting.
by Jerry Olea
Published Aug 1, 2024
ruby ruiz bona
Ruby Ruiz on scene with Nora Aunor (inset) in Bona: "Nora Aunor daw ang makakaeksena. Sa burol, OK. Namatay ang tatay, lalayas siya, di ba? Pasaway ang ate. Ang linya ko... Pipigilin ko siya. Parang, ‘Ate!’ Ganun, something like that."
PHOTO/S: Jerry Olea / File

Excited si Ruby Ruiz na mapanood ang remastered version ng Bona (MMFF 1980) na closing film ng Cinemalaya Bente: Loob Lalim Lakas.

Ang Bona ay pinagbidahan ng National Artist na si Nora Aunor, sa direksiyon ng National Artist na si Lino Brocka (1939-1991).

Ipapalabas ang Bona sa Agosto 10, Sabado ng 8:30 P.M. sa Cinema 2, 9, 8 and 10 ng Ayala Malls Manila Bay.

Read: Cinemalaya XX top best actress contenders: Marian, Mylene, Jane

nora aunor in bona
Nora Aunor in Bona
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RUBY RUIZ ON SHOOTING BONA WITH NATIONAL ARTISTS NORA AUNOR AND LINO BROCKA

Iyon ang unang pelikula ni Ruby. Gumanap siya roon bilang nakababatang kapatid ni Nora aka Ate Guy, ang Superstar ng local showbiz.

“Kasi si Lino Brocka, siya ang executive director namin that time sa PETA,” kuwento ni Ruby sa birthday party ni Direk Brillante Mendoza noong Hulyo 30, Martes ng gabi, sa Secret Garden, Barangka Drive, Mandaluyong City.

Ang PETA na tinutukoy ni Ruby ay ang Philippine Educational Theater Association, na ang theater center ngayon ay nasa Eymard Drive, New Manila, Quezon City.

Pagpapatuloy ni Ruby, “So, nung company call, sabi niya, ‘O, sino ang gusto ng extra allowance?’ Mga estudyante kami, so magre-raise ka ng hand.

“Pero ako, hinand pick niya, ‘Ay! Wait lang! Parang may hawig ito, puwede, puwede! Puwede ito, may hawig kay Ate Guy!’

“Younger sister ni Ate Guy ang role. Dalawang eksena lang ako. Bilang na bilang ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ruby Ruiz, next Pinay international star kasunod ni Dolly de Leon?

Ang bayad sa kanya sa Bona, PHP350 para sa isang araw.

“Ang laki nun! Two days, naka-PHP700 ako. E, ang baon ko lang noon, PHP25 a day. Ang laki na ng PHP700!” pagbabalik-tanaw ni Ruby.

“College na ako noon. O, e, di parang siyempre, Nora Aunor daw ang makakaeksena. Sa burol, OK.

“Namatay ang tatay, lalayas siya, di ba? Pasaway ang ate. Ang linya ko, hindi ko na maalala, ha, kung na-edit out pero parang hindi.

“Dun sa original, hindi, ha. Pero ewan ko ngayon sa restored.

“Pipigilin ko siya. Parang, ‘Ate!’ Ganun, something like that.

“Iisang linya, call time ko, 7:00 A.M. Siyempre habang sinasabi ko yun, kailangan crayola dahil namatayan kami.

“Call time ko, 7:00 A.M.; pinag-breakfast kami, 7:30. Tapos, mga 8:00 o’clock, nandun ako sa isang sulok.

“Si Mama Lino… hindi ko alam kung sino ang PD noon, kung si Joey Luna ba o whoever, kung sino ang production designer ng Bona.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nag-iikot siya [Lino] dun sa bahay, ‘O, dito ilagay nyo yung ganito, ganito, ganito,’ ganyan. Alam mo naman si Lino, parang hands on sa lahat.

“Pagpunta nila sa isang kuwarto, sa isang sulok… nakita niya ako, nasa isang sulok. ‘Uy! Sino ‘to?!’

“Paglingon kong ganyan, ‘O, Ruby, anong ginagawa mo?’ ‘Nag-i-internalize po.’ ‘Gagah! Mamayang alas siete o alas otso ng gabi pa kukunan ang eksena mo!’”

Read: Nora Aunor, wala sa special screening ng Bona sa Cannes

a scene from bona
Ruby Ruiz (right, partly hidden) with Rustica Carpio (left, partly hidden) and Nora Aunor (center) in a scene from Bona.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RUBY RUIZ ON DOING A SCENE WITH NORA AUNOR

Na-intimidate ba siya na si Nora ang makakaeksena niya?

“Hindi. Kasi, pinalaki kami sa PETA na makapal ang mukha, e,” kaswal na tugon ni Ruby.

“Pero kailangan, hindi ka ma-intimidate kung prepared ka. Kaya nga alas siete pa lang ng umaga, nag-aano na ako, di ba?

“Hindi pa uso yung karga-karga noon.”

Take 1 noon si Ruby sa eksena with Nora?

“Opo. Hindi ka puwedeng maging cause of ano pag si Lino Brocka ang direktor.”

Todo-iyak si Ruby nang pumanaw si Lino noong Mayo 22, 1991.

“Iyak ako nang iyak noon. Hu! Hu! Hu! Hu! Lahat kami,” pagbabalik-tanaw ni Ruby.

“May mga pinag-promise-an niya, ‘Ibi-build up ko kayo!’ Yun ang iniiyak namin. ‘Paano na, nategi?!’ ‘Kailangan mabuhay si Mama!’

“Kulang na lang, pumunta kami sa East Avenue din.”

Sa East Avenue, Quezon City naaksidente si Direk Lino, kasama si William Lorenzo. Isinugod si Direk Lino sa East Avenue Medical Center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Showbiz History: The great Lino Brocka questions MMFF 1977 winners; walks out in protest

lino brocka lapida
National Artist Lino Brocka
Photo/s: File

LIFE AFTER LINO BROCKA'S DEATH

Paano siya naka-move on sa pagpanaw ni Direk Lino?

“After nun, wala na…”

Pinangarap niyang maging sikat na artista?

“No, hindi sikat. Yung parang makikilala as good actors. Kasi yun lang naman ang pangarap ng mga taga-teatro, e,” pagtatapat ni Ruby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang alam naman namin yung look… yung parang limitation… noon kasi, sikat, Hilda Koronel. Idol namin yan.

“So, kailangan maputi ka, mestisa. E, lahat yon, parang hindi kami nagpo-fall dun.

“Pero gusto naming makilala na good actors.”

Kasama rin si Ruby sa Cinemalaya XX entry na The Hearing, kung saan tampok sina Mylene Dizon, Nor Domingo, Ina Feleo, Enzo Osorio, Angie Castrence, Marvin Yap, Rom Factolerin, Rome Mallari, at Ruslan Jacob Asumbrado, sa direksiyon ni Lawrence Fajardo.

Excited din siyempreng magsyuting si Ruby sa MMFF 2024 entry na The Kingdom, starring Vic Sotto, Piolo Pascual, Sid Lucero, Sue Ramirez, and Cristine Reyes, sa direksiyon ni Michael Tuviera.

Nang ipabatid kay Ruby na may in-offer sa kanyang role sa The Kingdom, ang tanong lang niya ay kung may eksena ba na kasama niya si Piolo.

Nang sabihing oo, agad-agad na tinanggap niya ang proyekto.

Read: MMFF 2024: May mga nagbabalik at may mga bagong kumbinasyon

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruby Ruiz on scene with Nora Aunor (inset) in Bona: "Nora Aunor daw ang makakaeksena. Sa burol, OK. Namatay ang tatay, lalayas siya, di ba? Pasaway ang ate. Ang linya ko... Pipigilin ko siya. Parang, ‘Ate!’ Ganun, something like that."
PHOTO/S: Jerry Olea / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results