Kaliwa't kanang batikos ang natatanggap ngayon online ng TV host-actress na si Toni Gonzaga, matapos niya umanong balewalain ang mga napagdaanang sexual harassment ng Vivamax actress na si Angeli Khang.
Noong August 4, 2024, in-upload sa YouTube channel ni Toni ang panayam niya kay Angeli, kunsaan napag-usapan nila ang mga karanasan ng aktres bilang isang kilalang sexy star.

Kabilang sa mga natanong ni Toni ay kung may pagkakataon bang pakiramdam ni Angeli ay naaabuso at napagsasamantalahan siya ng mga kaeksena niyang lalaki sa tuwing kinukunan ang mga intimate scene.
Bagay na sinagot naman ni Angeli: "Yes, a lot. Lalo na sa last, last movies ko."
Read: Angeli Khang, kinasuhan dahil sa pagpu-post ng "explicit scenes" ng Vivamax movies
Pagbabahagi ng Vivamax actress, may mga pagkakataong pakiramdam niya ay sinasamantala ng kanyang co-star ang mga eksena nilang kinukunan, lalo na kung ito ay sex scene.
Aniya, "May times na habang naka-plaster, natatanggal yung plaster kasi tumitigas.
"Tapos bago pa mag-take yung direk, hinahalikan na ako. After mag-take, hinahalikan pa rin ako."
Read: Angeli Khang huling pelikula na sa Vivamax ang Salawahan
Sundot na tanong sa kanya ni Toni, "So, anong gagawin mo?"
Sagot ni Angeli, "Ako, sa isip ko, 'Basta one take, go mo na.' Tapos, after, doon na lang ako magrereklamo kay Direk."
Komento dito ni Toni, "E, kasi lalaki pa rin sila, e. Make-carried away talaga sila sa eksena."
NETIZENS REACT TO TONI'S COMMENT
Marami sa netizens ang hindi nagustuhan ang naging komento ni Toni sa mga pang-aabusong pinagdaanan ni Angeli sa set.
Tila pagpapakita raw kasi ito ng pangungunsinti sa mga lalaking mapang-abuso sa industriya ng showbiz.
Read: Toni Gonzaga: unbothered by controversies, uncowed by critics
Tweet ng isang netizen (published as is), "i f*ck*ng loath toni gonzaga. imagine asking a woman if she felt victimized in which she replied yes. and yet, you still watered it down by saying “lalaki sila”. toni did not just dismiss that woman’s trauma, but she also justified rape culture and all these horrible men."
Sabi ng isa, "i feel so bad like this woman is talking about how uncomfortable she is with her co-workers and being taken advantage of and toni basically goes boys will be boys..."
"What the hell were you thinking when you said this...??? Toni Gonzaga, you're a woman too, you can't just say na, "syempre lalaki, naccarried away," NO?? Pag bastos ang isang lalaki, bastos lang talaga sila. Walang rason; walang magiging enough excuse for THAT behavior," dagdag pa ng isa.
Read: Sandro Muhlach sexual harassment complaint, didinggin sa Senado
May ilan ding hindi natuwa sa tila pagsasawalang-bahala ni Toni sa usaping rape at harassment dahil matapos niyang sumagot kay Angeli ng "E, kasi lalaki pa rin sila, e. Make-carried away talaga sila sa eksena" ay iniba na nito ang kanilang usapan.
Nanggagalaiting saad ng isang netizen (published as is), "kafrustrate yung interview ni Toni with Angeli Khang, ang gandang diskusyon na sana tungkol sa harassment at abuso na nangyayari sa loob ng Vivamax pero dinismiss lang nya na "eh kasi lalaki" tapos biglang nag change topic wtf??"
Dagdag pa ng isa, "Toni explicitly ignoring the part where the guest was taken advantage on set is giving stupid."
Read: Gerald Santos on why he is speaking up amid Sandro Muhlach issue
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay mapapansing edited na ang interview ni Angeli kay Toni.
Wala na sa YouTube channel ni Toni ang video clip kunsaan maririnig na sinabi niya kay Angeli na, "E, kasi lalaki pa rin sila, e. Make-carried away talaga sila sa eksena."
Si Toni ay asawa ng direktor at producer na si Paul Soriano.
Read: Niño Muhlach gets emotional at Senate hearing on son's ordeal
