Isiniwalat ng talent manager na si Jojo Veloso na ang Salawahan ang huling Vivamax project na kanyang talent na si Angeli Khang dahil mapapanood na ito sa mainstream movie projects ng Viva Films.
Read: Angeli Khang, kinasuhan dahil sa pagpu-post ng "explicit scenes" ng Vivamax movies
Nagkaroon ng pagkakataon ang Cabinet Files na makausap si Jojo sa media conference ng Dilig at siya ang nagsabing ang Salawahan (na mag-uumpisa ang streaming sa Pebrero 2, 2024) ang huling pelikula ni Angeli para sa Vivamax.
Nag-umpisa ang acting career ni Angeli noong 2021 bilang suporta ni AJ Raval sa Taya, at dito napansin ang husay niya sa pag-arte.
Mula noon, nagkasunud-sunod na ang mga proyekto ni Angeli sa Vivamax at naging paborito siya ng award-winning director na si Mac Alejandre.
Read: Angeli Khang pinuri ng dalawang award-winning directors
Hindi nakaligtas sa mga executive ng Viva Films ang acting ability ni Angeli.
Ayon kay Jojo, mismong si Boss Vic del Rosario ang nagsabing panahon na para tumawid ang 22-year-old sexy actress sa paggawa ng mainstream movies.
Ang nalalapit na pagbibida niya sa mainstream movie projects ng kanyang home studio ang katuparan ng pangarap ni Angeli na makawala mula sa kanyang sexy image at makilala bilang mahusay na aktres.
Read: Angeli Khang will not stop doing sexy roles until she wins acting award
Napapanood sa Indonesia ang mga pelikula ng Vivamax kaya popular sa naturang bansa si Angeli at matibay na pruweba ang mga artikulo tungkol sa kanyang mababasa sa wikang Bahasa.
Sa mga alaga ni Jojo, si Angeli ang kauna-unahang mabibigyan ng oportunidad na lumabas sa mainstream movies ng Viva Films.
Read: Pinoy Sexy Movies 2023: Who are the new Vivamax Queens and Los Hubaderos?
Pero idinagdag niyang nakalinya at susunod na rin ang kanyang ibang mga alaga, gaya nina Azi Acosta at Benz Sangalang, na nagpakitang-gilas din sa pag-arte.
Si Ayanna Misola ang isa sa mga talent ni Jojo na nag-aambisyon ding mapanood sa mainstream movie na pangunahing dahilan ng paghinto niya sa pagtanggap ng Vivamax projects.