PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dennis Trillo unbothered by negative comments after hacking issue

Dennis: “Ayaw mong bumaba sa level na hindi naman karapat-dapat para sa yo.”
by Rose Garcia
Published Aug 11, 2024
dennis trillo pulang araw presscon
Dennis Trillo on possibility of being hated because of his villain role in Pulang Araw: “Dun mo makikita kung gaano ka ka-effective. Kung talagang okay ang pagganap mo, kung maaapektuhan sila. Kung ano ang mararamdaman nila kapag napanood nila.”
PHOTO/S: Arniel C. Serato

Kahit isang sikat na artista si Dennis Trillo, hindi gaanong bukas ang aktor sa pagbabahagi ng kanyang personal na buhay.

Kaya nagulat ang marami nang maging aktibo siya sa social media, sa pamamagitan ng TikTok, kung saan ipinakita niya ang kanyang funny side.

Read: Dennis Trillo on his TikTokerist era: "Natatawa rin ako sa mga pinaggagagawa ko, sa totoo lang."

Ngunit kaakibat nito ay binuksan din ni Dennis ang sarili sa mundo kung saan bawat post niya ay maaaring purihin o punahin ng netizens.

Ano ang reaksiyon ni Dennis sa pamba-bash na natatanggap niya sa social media?

“Wala naman, kumbaga, parang unbothered lang dahil nangyayari talaga yung mga yon, hindi natin maiiwasan.

"Yung mga tao, nagsasabi ng hindi magaganda, lalo na't hindi nila naiintindihan kung ano talaga ang mga totoong nangyari,” pahayag ni Dennis nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon na inihanda ng GMA-7 para sa kanya noong August 6, 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DENNIS TRILLO ON "MAY ABS PA BA?" ALLEGED COMMENT

Kung noong una ay papuri ang karamihan ng komento sa kanyang posts, nakatanggap siya ng matinding pamba-bash dahil sa komentong "May ABS pa ba?" na nabasa sa TikTok post ng aktor.

Mabilis naglabas ng opisyal na pahayag ang kanyang management, ang Aguila Management Entertainment, na hindi siya ang nag-post nito dahil na-hack umano ang account ng aktor.

May mga naniniwala na na-hack nga ang TikTok ni Dennis, at meron din namang hindi.

Read: Did Dennis Trillo really ask, "May ABS pa ba?"

Kaugnay nito, may ilang aktor na ginawan ng parody ang "May ABS pa."

“May mga nakita na ako... pero huwag na nating pangalanan,” nakangiting reaksiyon ni Dennis.

May napagtanto raw si Dennis dahil sa insidenteng iyon.

Aniya, “Ang reaksiyon ko lang dun, napakaimportante pala ng bawat comment ng isang tao.

"Totoo man o hindi, napakalaki ng epekto niyan sa ibang tao, lalo na at hindi alam kung ano ang konteksto talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagulat daw siya na naging big deal ang isang komento katulad nun, kahit na hindi iyon galing sa kanya.

Sabi ni Dennis, “Siyempre, lahat may freedom para mag-comment. Lahat may freedom para sabihin kung ano man ang opinion nila. Kailangan siguro mag-ingat lalo na sa mga sasabihin.”

Ayon sa aktor, unang beses daw niyang ma-bash sa social media.

“Grabe talaga, first time kong ma-bash. Kasi, wala naman talaga akong naging kaaway o ginagawa.

"Hindi ko na lang pinapansin. Kasi, hindi rin naman makakatulong sa yo kapag pinansin mo ang mga ganyan.

“Ayaw mong bumaba sa level na hindi naman karapat-dapat para sa yo.”

DENNIS MEETS ABS EXECS AND STARS

Nang dumalo si Dennis si GMA Gala 2024 noong July 20, 2024, nakadaupang-palad ni Dennis ang ilang ABS-CBN executives at mga host ng Kapamilya noontime show na It’s Showtime.

Kumusta ang naging pagkikita nila, lalo pa't bago pa lang noon ang isyung "May ABS pa ba?" comment diumano ng Kapuso actor.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Lahad ni Dennis, “Oo, alam niyo, pagpasok pa lang namin, sina Vice Ganda, mga member ng It’s Showtime ang nakita namin.

"So, okay naman. Sabi pa nga niya [Vice], ‘Uy, congrats!’ 'Congrats saan?' 'Meron tayong MMFF, nakasama tayo.'

"Bigla kong naalala. So, okay naman.”

Ang tinutukoy ni Vice ay ang pagkakapili ng mga pelikula nila ni Dennis sa Metro Manila Film Festival 2024.

Si Vice ang bida sa And The Breadwinners Is..., habang si Dennis naman ay tampok sa Green Bones.

Read: MMFF 2024: May mga nagbabalik at may mga bagong kumbinasyon

Biniro namin si Dennis kung wala bang nagpakita ng abs sa kanya sa GMA Gala?

“Wala, wala, formal na event kasi!” natawang sabi niya.

Read: Dennis Trillo breaks silence on viral "May ABS pa ba?" comment

DENNIS TRILLO ON ALDEN RICHARDS

May sariling title na si Dennis Trillo bilang "Kapuso Drama King."

Pero sa kabila nito, tila isa siyang baguhang artista sa pagbibigay papuri sa co-actors niya sa GMA primetime series na Pulang Araw. Tinawag nga niyang "superstar" si Alden Richards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi rin naman matatawaran ang mga natanggap na awards at recognitions ni Dennis bilang isang mahusay na aktor.

“Well, hindi ganun ang tingin ko sa sarili ko,” pagpapakumbaba niya.

“Sobrang grounded ko na person. Siyempre, gusto nating maging humble palagi.”

Sila raw ni Alden ay nagkasama na sa eksena, dahilan para humanga pa siya rito.

Lahad ni Dennis, “May mga nagawa na kaming eksena. Intense na eksena, torture scene, actually.

"Dun ko nakita yung dedication ni Alden. Nasa isang location kami na parang pugon talaga, sobrang init.

"Wala rin siyang reklamo kaya siguro palagi rin siyang blessed sa sipag at effort na ginagawa niya."

DENNIS TRILLO AS A VILLAIN

Bilang lider ng mga sundalong Hapon sa Pulang Araw, aminado si Dennis na wala pa siyang makitang magandang ginawa ng karakter niyang si Colonel Yuta Saitoh.

Handa na rin daw siyang maraming Pinoy ang posibleng magalit sa karakter na ginagampanan niya at magsisimulang mapanood sa August 21.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Dennis Trillo elated about villain role in Pulang Araw

“Oo, handa na!” natawang sabi niya.

“Dun mo makikita kung gaano ka ka-effective. Kung talagang okay ang pagganap mo, kung maaapektuhan sila. Kung ano ang mararamdaman nila kapag napanood nila.”

dennis trillo pulang araw
Dennis Trillo as Colonel Yuta Saitoh in Pulang Araw
Photo/s: GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon, ang ginawa raw niyang rape scene sa Pulang Araw ang hindi niya makalilimutan at pinakanahirapan siya. Sa buong karera niya sa pag-arte, ito ang unang beses na nakagawa siya ng rape scene.

“First ko yon na gumawa ng rape scene at siyempre, hindi lang basta eksena na ganun. Ito yung mga pinagdusahan ng mga ninuno natin.

"Ang bigat, lalo na i-recreate ng mga moments na yun. Talagang mabibigat, talagang nakaapekto rin sa mga pagkatao ng marami.”

Patuloy pa ni Dennis, “Nire-rehearse namin. Parang sayaw.

"'Dito tayo, tapos eto ang dialogue, tapos lilipat tayo sa ganito... ganun.'

"Isang mahabang eksena yon. Siguro kulang-kulang limang oras kinunan."

Ang karakter ni Sanya Lopez bilang Teresita ang ni-rape ni Dennis sa Pulang Araw.

May kuwento si Dennis sa nangyari kay Sanya habang kinukunan nila ang maselang eksena na iyon.

“Alam niyo, may time na yung eksena, tapos na ang rape scene, si Sanya nakahiga na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Alam niyo yung kung kailan tapos na ang eksena, si Sanya, kukunan na lang siya nang nakahiga sa sahig. Natusok siya ng pardible na nakausli sa sahig. Talagang bumangon.

“Doon ko nakita ang professionalism niya, hindi niya ininda. Tinuloy niya lang ang eksena.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Trillo on possibility of being hated because of his villain role in Pulang Araw: “Dun mo makikita kung gaano ka ka-effective. Kung talagang okay ang pagganap mo, kung maaapektuhan sila. Kung ano ang mararamdaman nila kapag napanood nila.”
PHOTO/S: Arniel C. Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results