May ipinakilalang bagong miyembro ng kanyang pamilya ang fur parent na si Jodi Sta. Maria.
Sa kanyang Instagram nitong Martes, August 13, 2024, ibinida ni Jodi ang cute na cute na puppy na pinangalanan niyang Zandro o Z.

Read: Jodi Sta. Maria, Fernando Zobel de Ayala show love for rescued animals
JODI STA. MARIA RESCUES ABANDONED PUPPIES
Ayon kay Jodi, nasa taping sila ng upcoming ABS-CBN drama series na Lavender Fields sa isang location.
Medyo maaksiyon daw ang mga eksena nila kasama ang direktor na si Manny Palo, gayundin ang kanyang co-star na si Albert Martinez.
Pagbabahagi ng aktres (published as is): "Hello everyone! Meet the newest member of my fur family – Zandro or Z!
"Yesterday sa taping I noticed a small movement from afar. Hindi ko masyado pinansin kasi nagba-block si Direk Manny ng scene.
"So when it was time for us to move to position for our car chase scene, lo and behold… may dalawang puppy just a little over a month old on top of a concrete barrier sa tulay.
"They were scared and didn’t know what to do obviously they had been abandoned. Baka mahulog."
Hindi raw nagdalawang-isip si Jodi na bumaba at kunin ang dalawang tuta.
Naging extra pa nga raw ang mga ito bigla sa isang eksena na kinunan.
Saad ng aktres, "Without hesitation bumaba ako sa picture vehicle at kinuha ang dalawa. Sinakay sa kotse at isinama muna sa car scene. O di ba instant artista sila?
"The chocolate brown colored puppy was adopted by Direk Manny which he named Lav. I got this cutie and named him Zandro — kasi si Kuya Albert Martinez ang kasama ko when I found him."
"Zandro Fernandez" ang pangalan ng karakter na ginagampanan ni Albert sa Lavender Fields.
Dagdag ni Jodi, "After pack-up I headed home with the newest member of our family. You are safe now little Z. Mommy will love and protect you PS."
Payo naman ng aktres sa fur parents, ipakapon ang kanilang mga alaga kung ayaw ng mga itong mag-anak nang mag-anak.
Aniya, "If you have pets, you can have them spayed or neutered if you don’t want them to bear offsprings.
"May low cost na spaying/neutering naman po or sometimes libre pa.I do hope na maging responsible po tayo sa pag-aalaga ng pets."
View this post on Instagram
Hanga naman kay Jodi ang maraming pet lovers na celebrities ding gaya niya, tulad nina Carla Abellana, G Tongi, Rita Avila, at Sandino Martin.


JODI STA. MARIA RESCUED A CAT IN JANUARY
Noong January 2024, hinangaan din ng netizens si Jodi dahil kinupkop nito ang isang ligaw na pusa na pagala-gala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.
Sa mga mensaheng ipinost niya sa X (dating Twitter), ikinuwento ng aktres kung paano napasakamay ang pusang pinangalanan niyang Naia (pronounced as Naya).
Ayon kay Jodi, napansin niya si Naia na ngumingiyaw sa airport. Pakiramdam daw niya ay humihingi ito ng tulong at pagkain sa mga pasaherong dinadaan-daanan lang siya.
Mababasa sa tweet ng aktres (published as is), "Poor kitty now has a new home. Found this kitten at the airport.
"She kept meowing as if asking for humans to feed and help her.
"It was raining too so she must have been cold. Kawawa coz nababangga siya ng cart ng passengers."
Kuwento ni Jodi, binulyawan pa siya ng isang pasahero nang akma niyang pigilan ang mga dumadaan na banggain ang pusa.
Aniya, "Napagalitan pa ako ng isang pasahero kasi pinigilan ko yung cart niya kasi nga madadaanan yung kuting.
"But I super understand naman kasi everyone was rushing to get home from their flights.
"Sabi ko lang 'Manong pasensya na po may pusa po kasi.' Then he told me 'wag niyo kasing iwan kung saan-saan alaga niyo,' then he stormed off.
"In my head, hindi ko siya alaga…magiging alaga palang.
"So I got her, took her home and named her Naia, pronounced as Na-ya kasi sa NAIA Terminal 1 ko siya nakuha."
Read: Jodi Sta. Maria melts netizens' hearts for rescuing stray cat at NAIA
JODI STA. MARIA'S MISSION IN LIFE
Tila ginawa nang misyon ni Jodi sa buhay ang mag-rescue ng mga pusa.
Noong 2015, masayang ibinahagi ni Jodi sa social media ang aniya'y "family day" ng kanyang mga alaga.
Ilan sa mga ito ay ang mga pusang sina Miracle, Destiny, Freedom, Harmony, Charity, at Serenity.
Meron din siyang alagang aso noong si Bear at isang hamster.
Caption niya sa kanyang post noon, "Family Day! Thirdy bottle feeding Miracle and Destiny.
"Lourdes trying to make Freedom and Harmony behave.
"Mama holding Charity and Serenity.
"Our doggie Bear who thank God doesn't have an identity crisis being with the kitties."
View this post on Instagram
