Natatawa lamang si Ara Mina sa kakaibang reaksiyon ng netizens sa biglaang pag-deactivate ng kapatid na si Cristine Reyes ng Instagram account nito.
Miyerkules ng gabi, August 14, 2024, kumalat sa social media ang usap-usapang hindi na nila mahanap ang Instagram account ng akrtres.

Sa Viber, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ara ngayong araw, August 15, 2024, kung ano ang nangyari sa kanyang kapatid at nag-deactivate ito ng account.
Natatawang sabi niya, "Ayaw niya muna mag-social media."
Dagdag pa ni Ara, masyadong naka-focus si Cristine sa pelikulang The Kingdom na official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024.
Bida sa The Kingdom sina Vic Sotto at Piolo Pascual. Co-stars dito sina Cristine, Sue Ramirez, at Sid Lucero.
Ito ay sanib-puwersa ng APT Entertainment, MZET TV Productions, at MQuest Ventures.
Read: MMFF 2024: May mga nagbabalik at may mga bagong kumbinasyon
ARA ON CRISTINE AND MARCO
Nag-alala rin ang netizens dahil tila hindi magkasama si Cristine at boyfriend na si Marco Gumabao sa ika-30 kaarawan ng aktor, kagabi, August 14.
Pero paniniguro ni Ara, "Ok sila, walang problem, she’s concentrating lang sa movie na ginagawa niya.”
At ngayong hapon ng Huwebes, nag-post si Cristine sa kanyang Facebook Story ng pagbati sa boyfriend.
Saad niya, "Mahal ko yan. 30 na yan siya.."

MARCO GUMABAO: "NOT SO DIRTY THIRTY"
May post naman si Marco sa kanyang Instagram ng pagbati sa sarili.
Bahagi ng kanyang caption, "Not so Dirty Thirty
"Grabe, parang kailan lang 29 palang ako, ngayon 30 yrs old na
"Of course I wanna thank God for all the blessings that he has given me.
"Also all the trials, hardships and lessons that came in my life because that’s what made me to the man I am today."
View this post on Instagram
Read: Cristine Reyes shows sweet photos with boyfriend Marco Gumabao
