Nakahanap ng kakampi ang BINI member na si Gwen Apuli sa katauhan ng Broadway star na si Lea Salonga.
Kaugnay ito ng recent post ng member ng all-female P-pop group tungkol sa invasion of privacy ng ilan sa kanilang fans. Nanawagan si Gwen na sana ay respetuhin ang private time nila.
Sa kanyang X account, ipinost ni Gwen ang insidente.
Dismayado raw siya sa pagkatok ng ilang Blooms (tawag sa BINI fans) sa kanilang kuwarto para magpa-picture.
Ang siste, private time and space daw iyon ng grupo.
Himutok ni Gwen (published as is): “Nakakalungkot. Palala na ng palala.”
"I really hope everyone respect people’s privacy yung personal time we’re trying to adjust eh kase wala ganon na talaga, pero kahit privacy na lang, we appreciate your love and support and we always try na mapagbigyan kayo sa pagpapicture but pleasee… not to the point you’ll go knock our rooms just for picture [praying emoji]."
Read: BINI Gwen calls for privacy after fans knocked on their rooms
Kasalukuyang nasa Canada ang BINI para sa kanilang concerts doon bilang bahagi ng kanilang BINIverse world tour.
LEA SALONGA: RESPECT BOUNDARIES
Ginamit naman ni Lea Salonga ang kanyang Instagram account para magpakita ng suporta sa hinaing ni Gwen.
Ni-repost ng original Miss Saigon star ang screenshots ng tweets ni Gwen.
Prangka ang mensahe ni Lea sa ginawang post.
Sabi niya (published as is): “SAY IT WITH ME… RESPECT BOUNDARIES!”
Sundot pa ni Lea, marahil ay kamuhian siya sa kanyang opinyon pero dapat lamang i-call out ang maliit gawain ng fans tulad ng invasion of privacy.
“Hate me all you want for beating the drum loudly about this (I’ll gladly be the villain in your story) but the entitlement and disrespect is just too much! the ladies of Bini are human beings!”

LEA PREVIOUSLY SUPPORTED BINI AIAH
Hindi ito ang unang beses na nagpahayag ng suporta si Lea sa BINI.
July 7, 2024 ay nag-post sa Instagram ang isa pang BINI member na si Aiah Arceta tungkol sa naranasang pangha-harass sa isang bar sa Cebu.
May kumalat na noong video kung saan sinunggaban siya ng isang lalaki at inilapit ang mukha nito sa singer.
Sa pamamagitan ng Instagram, pinuna rin ni Aiah ang aniya'y lihim na pagkuha ng kanyang mga larawan at ipinu-post online nang walang permiso niya.
Ikinabahala rin ni Aiah ang paglalagay ng real-time location niya sa mga ipinost na larawan ng nasabing supporters.
Sa kanyang post ay hiniling ni Aiah na irespeto sana ang personal time niya with family and friends.
Ni-repost noon ni Lea ang statement ni Aiah.
Dagdag na pahayag ni Lea: "Yes to setting boundaries!!!!!!!"
LEA'S UNPLEASANT ENCOUNTER WITH FAN
Hindi naman kataka-takang personal para sa international singer-actress ang isyu pagdating sa paglampas sa boundaries ng fans.
Read: Lea Salonga supports BINI Aiah's call for asserting boundaries
Taong 2023 ay nag-viral ang video ng isang content creator na pumasok sa dressing room ng aktres na ginagawa noon ang Here Lies Love sa Broadway Theatre sa New York, USA.
Marespeto man, pero kita sa mukha ni Lea na hindi niya nagustuhan ang ginawang panghihimasok ng nagpakilalang “fan” na humihingi ng picture kasama siya.
Sa kanyang guest appearance sa New York Live TV noong July 26, 2023, nagsalita si Lea ukol sa paghingi ng privacy mula sa fans.
Bahagi ng kanyang pahayag, "We're human beings. First of all, we need to rest, we need to take time for ourselves.
"When we say goodbye, when we make our curtain call, we head back to the room, that's it."
Read: Lea Salonga addresses dressing-room incident with Pinoy fans in Broadway
