Trigger warning: Mention of rape, sexual harassment
Sa pangalawang pagkakataon, nilinaw ni Senator Robinhood "Robin" Padilla ang naging pahayag niya kamakailan tungkol sa sexual rights ng mga lalaki sa usaping pakikipagtalik, na labis pinagdebatehan at pinag-usapan online.
Noong August 15, 2024, sa ginanap na Senate Committee on Public Information and Mass Media hearing, tinanong ng senador ang family lawyer na si Atty. Lorna Kapunan tungkol sa "sexual rights" ng isang lalaki kung "in heat" ito at ayaw ng kanyang maybahay na makipagtalik.
Tanong ni Padilla kay Atty. Kapunan, "Halimbawa po, Atty., siyempre, hindi mo maiaalis sa mag-asawa na ang paniwala, lalo kami, ako, meron kang sexual rights sa asawa mo, e.
"So, halimbawa, hindi mo naman pinipili, e, kung kailan ka yung in heat, ano? So, papano yun, pag ayaw ng asawa mo? So, wala kang ibang paraan talaga, para maano yung lalaki?
"So, paano? Mambabae ka na lang ba? E, di kaso na naman yun.
"Ano ang puwede mong sabihin sa asawa mo na wala sa batas? 'Paano naman ako? Wala ka sa mood. Paano ako, nasa mood?'
"'Paano ako?' Na puwede niyang gawin na nasa batas na wala naman siyang…
"Wala kaming choice bigla, ganun na lang, matulog ka na lang? Ganun?"
Malumanay namang ipaliwanag ni Atty. Kapunan na isyu ito ng psychosocial at hindi na saklaw sa usaping batas.
Pero pilit na tinanong ni Padilla kung ano ang puwedeng gawin ng isang lalaki sa legal na paraan kung sakaling kasuhan siya ng rape ng kanyang misis dahil niyaya niya itong makipagtalik sa mga panahong wala ito sa mood.
Giit niya: "Ganun na lang? 'Will you help me na lang?' Ganun na lang? Mahirap po kasi sa Tagalog, baka bastos ang dating.
"'Matulungan mo ba ako o paano kaya?' Ano yung puwedeng gawin ng babae? Talagang ‘no’ talaga, 'bahala ka diyan sa buhay mo,' ganun?
"Siguro naman, sasang-ayon naman sa akin ang taumbayan na may iba talagang urge ang mga lalaki talaga. May urge na talagang andun, e.
"So, papano yun? Andiyan yung asawa mo to serve you, ayaw niya?
"Anong puwedeng ano para hindi ako mareklamo ng asawa ko? Ano ang puwede kong sabihin sa kanya na, 'Mahal o Babe, ano ba? Please help me?'"
Read: Sen. Robin Padilla: "Wala ka sa mood. Paano ako, nasa mood?"
Ang pahayag na ito ni Padilla ay umani ng kaliwa't kanang batikos online.
Maraming netizens ang sinabihan siyang "bastos" at "walang respeto" sa karapatan ng mga kababaihan.
May iba pang inakusahan ang actor-politician na baka raw ganito ang gawain niya kaya't naitatanong niya ito kay Atty. Kapunan.
PADILLA RELEASES OFFICIAL STATEMENT
Bagay na itinanggi naman ni Senator Padilla.
Sa inilabas niyang pahayag ngayong Lunes, August 19, idiniin nitong hindi niya umano intensiyong bastusin ang kababaihan lalo na ang ipagwalang-bahala ang usaping marital rape.

Ang naging tanong daw niya kay Atty. Kapunan ay "hypothetical" lang at hindi sumasalamin sa sariling karanasan o personal na gawain.
Kalakip nito ang paghingi ng paumanhin sa lahat ng na-offend at nabastusan sa kanyang naging pahayag sa kanilang pagdinig.
Pahayag ni Padilla: "Ako po ay humihingi ng paumanhin at ng inyong mabuting pasensya lalo na po sa mga hindi lubos na nakaunawa sa konteksto ng aking punto ukol sa aming diskusyon ni Atty. Lorna Kapunan sa Senado.
"Ang aking mga katanungan po ay hypothetical base sa sentimiento at realidad ng mga pang-karaniwang Pilipino. Hindi po ito mula sa aking mga personal na gawain, paniniwala o karanasan.
"Ang linya po ng aking pagtatanong ay upang magkaroon ng diskusyon at pagbibigay-linaw. Ito po ang realidad sa tunay na estado ng relasyon ng ordinaryong mag-asawang Pilipino.
"Ang pinang-gagalingan ko po ay upang gabayan ang karamihan ukol sa isyu ng marital rape.
"Kasama na din po dito ang sinasabing “gray area” sa Family at Civil Code kahit pa man mayroon tayong Separation of Church and State."
Bagamat katakut-takot na batikos ang kanya ngayong natatanggap, hindi raw nagsisisi si Padilla na naitanong niya ito dahil naniniwala siyang mahalagang paksa ngayon ang tungkol sa marital rape at sexual harrassment.
Saad niya: "Ang mga sensitibong paksa na ito ay kailangan nating talakayin at pag usapan para maisaayos at mailagay sa tama ang batas.
"Ang pagtatalik (sex) ng mag-asawa ay may epekto sa mental health, emosyon, pisikal at kabutihan ng pagsasama.
"Kaya't nararapat po na ito ay ating bigyan linaw para sa usaping karapatang pangtao, kababaihan man po o at kalalakihan, kasal man o hindi."
PADILLA clarifies position on marital relations
Hindi ito ang unang beses na maglabas ng salobin si Padilla matapos pag-usapan ang kanyang naging pahayag sa pagdinig.
Noong August 16, nagpaliwanag na rin siya sa pamamagitan ng Facebook post. Dito ay idiniin niya ang magkaibang paniniwala ng isang Kristiyano at Muslim pagdating sa marital relationship.
Hindi lingid sa kaalaman ng iba na isang Muslim si Padilla.
Read: Robin Padilla defends "sexual rights" question against critics
Sabi niya sa kanyang Facebook post (published as is): "Una sa lahat wala akong sinabi na ok na pilitin ang asawang babae sa pagtatalik
"San po ba don sa pagdinig?
"Pangalawa, ang sabi ko Paano kaming mga lalaki na naniniwala sa sexual rights kapag kami ay in heat.
"Not drunk
"Not violent
"Not under influence of any drugs or liquor
"Plain love and lust
"Pangatlo, bakit po namin nasabi na sexual rights
"Ito po yun
"Lumaki po ako sa biblia
"Malinaw po don na ang babae ang nagpapasakop sa lalaki
"Paul’s teaching on sex within marriage is extraordinary. He says that husband and wife should give one another their conjugal rights (1 Cor. 7:3). Each has a right to enjoy sex and each has an obligation to help the other enjoy sex as well. Both spouses should receive joy and pleasure in a healthy sexual relationship. Husbands and wives should view the marriage bed in such a way that each spouse both gives and receives in the sexual union.
"Sa isang muslim
"In Islam, the husband should have intercourse with his wife according to what satisfies her, so long as that does not harm him physically or keep him from earning a living.
"The husband is obliged to treat his wife in a kind and reasonable manner. Part of that kind and reasonable treatment is intercourse, with tradition stipulating that couples should not forego intercourse for longer than four months, though some prominent scholars have prescribed a more stringent minimum frequency of sexual intercourse as a religious obligation for husbands; Ibn Hazm prescribed once a month and Al-Ghazali prescribed once every four days.According to other scholars, there is no time limit.
"However, most scholars say that it is obligatory on women alike not to refuse their husbands if they call them, so long as the woman who is called is not menstruating or sick in such a way that intercourse will be harmful to her, or observing an obligatory fast. If she refuses with no excuse, then she is cursed."
PADILLA: "Wala akong sinabi na ok ang pilitin ang babae"
Ipinaliwanag din ni Padilla ang tanong niya tungkol sa pakikipagtalik.
Ang nais lamang daw niya ay maging malinaw kung paano mairaraos ang seksuwal na pangangailangan ng isang lalaki na hindi naman masasabing pinilit niya ang kabiyak.
Dagdag niya, "Kayo po ay mambabatas din at palagay ko naman batid niyo ang ibig sabihin ng pagdinig / hearing
"Makikinig sa mga resource speaker
"Paano ako Makikinig kung hindi ako magtatanong
"Paano sila magsasalita o magiging speaker kung ako ang magpapaliwanag
"Bakit pa ako Kumuha ng resource speaker at nagtatanong po ako bilang ang guest ko ay lawyer hindi pastor o imam
"Siya ang makakasagot sa tanong ko kung Ano ang sinasabi ng batas ng tao sa marital obligation.
"Hindi nga rape ang punto ko
"Ang punto ay kung Ano ang puedeng gawin ng asawang lalaki para maging legal ang paghingi ng sex ng isang lalaki at hindi maging rape
"Wala akong sinabi na ok ang pilitin ang babae
"Hindi lahat ng Tao ay maka estado"
Ipinaliwanag din niyang medyo mayroon nang pagkakaiba ang itinuturo ng Bibliya sa mga umiiral na batas ngayon.
Aniya, "Very religious ang mga Pilipino Iba po kasi ang katuruan ng religion at state
"Para po maging maliwanag sa taong bayan na ang family code ng 1988 ay hindi na ay sumasangayon sa sinasabi ng biblia.
"Icheck po ninyo ang binago ng 1988 family code
"Baka hindi po niyo napanood ng buo ng tinalakay namin ng panauhin na abogado ang patungkol sa pro simbahan ng family code bago ito binago ng estado nong 1988
"Wala po kayong dapat ipag alala sa aming paniniwala dahil kasama rin po sa aming paniniwala ang hindi pagpilit sa asawang babae sa pagtatalik."
