PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jeric Raval speaks up anew on daughter AJ Raval’s alleged child

Jeric Raval: "Ilang beses na namin sinagot yan."
by Arniel C. Serato
Published Aug 28, 2024
Jeric Raval on true identity of young girl spotted with AJ and Aljur Abrenica
At the premiere night of his latest film Mamay: A Journey to Greatness, The Marcos Mamay Story, actor Jeric Raval was asked about the young girl spotted with his daughter AJ Raval and boyfriend Aljur Abrenica at an event.
PHOTO/S: Arniel Serato / Facebook

Nilinaw ng action star na si Jeric Raval na isa sa mga apo niya ang batang babaeng kasama ng anak niyang si AJ Raval at boyfriend nitong si Aljur Abrenica sa isang event.

Ayon kay Jeric, anak ito ng isa sa 18 anak niyang si Ace Raval.

Tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jeric, "May lumabas na picture with AJ and Aljur na may kasamang bata, sino yung bata?"

Tugon niya, "Ilang beses na namin sinagot yan.

"Alam niyo, ang dami kong apo, thirteen, magpu-fourteen na apo ko.

"So, yung mga apo ko, sabay-sabay yan, maliliit na batang maliit.

"Mga one of my apos siguro ang kasama."

Nakita niya ba yung picture?

"Oo, natawa lang ako."

Diin ni Jeric, "Apo ko doon sa anak ko, si Ace, yung rapper."

Aljur Abrenica and AJ Raval with a young girl
Photo/s: CTTO
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagli-live in na ba sina AJ at Aljur?

Tanggi ni Jeric, "No, hindi."

Dagdag pa niya, "Si AJ, sa akin nakatira niya."

Nakausap ng PEP.ph at ilang media si Jeric sa premiere night ng pinagbibidahan niyang pelikula, ang Mamay: A Journey to Greatness, The Marcos Mamay Story.

Ito ay biopic ni Nunungan, Lanao del Norte Mayor Marcos Mamay.

Bida rin sa pelikula si Ara Mina bilang asawa ni Jeric.

Jeric Raval, Ara Mina, and Mayor Marcos Mamay
Photo/s: Arniel Serato
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(Jeric Raval, Ara Mina, and Nunungan, Lanao del Norte Mayor Marcos Mamay)

Read: Jeric Raval: "Kung maibabalik ko yung panahon, hindi na ako mag-aanak ng marami."

JERIC RAVAL ON AJ RAVAL: "AYAW NA MAG-ARTISTA..."

Suportado raw ni Jeric ang desisyon ng anak na si AJ na huwag munang mag-artista.

Ano ang pakiramdam ni AJ na kahit wala na ito sa limelight ay patuloy pa rin siyang pinag-uusapan?

Saad ni Jeric, "Well, feeling ko, sikat yung anak ko dahil ayaw na nga mag-artista at pinag-uusapan pa rin."

Magpapahinga na ba talaga si AJ mula sa showbiz?

"Ayaw na, tinamad," pakli ni Jeric.

"Alam mo naman yung mga artista, kung minsan mamamahinga ng sampung taon.

"Parang ako, namahinga ako ng nine years straight."

Hindi ba siya nanghihinayang para sa anak? Ang ganda kasi ng career ni AJ bago nito naisipang mamahinga.

Ayon kay Jeric, "Ako naman kasi, kung saan masaya ang anak ko, sinusuportahan ko yung anak ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Actually, doon sa pinili niyang career, hindi ko sinusuportahan dun, e, magpa-sexy. Hindi ko siya sinusuportahan. Mas gusto ko siya mag-aral."

Read: Aljur Abrenica at AJ Raval, itinangging may anak na sila

JERIC RAVAL ON NEW MOVIE

Ano ang masasabi ni Jeric sa bago niyang pelikula, ang Mamay: A Journey to Greatness, The Marcos Mamay Story?

Saad niya, "Actually, ang istorya ni Mayor Mamay, napakaganda. Yung hindi hadlang ang kahirapan tungo sa pag-unlad ng isang tao.

"Noong unang kinukuwento ang istorya na yan, parang sa MMK [Maalaala Mo Kaya] lang, e.

"So, ito pala, lalo na pag narating yung lugar ng Nunungan, mahirap na bayan. Pero ngayon napaunlad na sa pamamagitan ng masipag nilang alkalde na si Mayor Mamay."

Bago matapos ang panayam, dumating si Mayor Mamay at nagpaunlak ng maiksing interview.

Puring-puri niya ang acting ni Jeric sa pelikula.

Dagdag pa niya tungkol sa pelikula, "Highlight po dito yung family feud o rido, yung ubusan ng lahi. So, action din to.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya nga si Jeric Raval, napaka-appropriate sa role niya."

Mayor Marcos Mamay of Nunungan, Lanao del Norte
Photo/s: Arniel Serato

Ayon sa kuwento ni Mayor Mamay, ang mga magulang niya ay farmers. Isang kahig-isang tuka raw sila noon.

Ipakikita raw sa pelikula kung ano ang hirap na pinagdaanan niya upang makapagtapos ng pag-aaral at umasenso sa buhay.

Wala pang playdate ang Mamay: A Journey to Greatness, The Marcos Mamay Story, pero magkakaroon ito ng mga block screening soon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
At the premiere night of his latest film Mamay: A Journey to Greatness, The Marcos Mamay Story, actor Jeric Raval was asked about the young girl spotted with his daughter AJ Raval and boyfriend Aljur Abrenica at an event.
PHOTO/S: Arniel Serato / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results